Jisoo's POV
Nandito na kami sa school at pinagbubulungan nanaman ako.
Kailan ba matatapos yung bulungan nayan?!-_-
"Omyghad bakit kasama nila si Nerd?!"
"Dont tell me na kinaibigan nila?!"
"Hindi nyo ba alam na kahapon pa sila magkakaibigan?! Duh?!"
Ayan nanaman sila oh diba, pati yung pagkakaibigan namin, pinakikialaman nila.
Inakbayan nalang ako ni Rosé at hinamas himas ang likod ko.
"Okay lang yan bes, atleast may kaibigan ka hahaha."pagcocomfort nya.
Oo tama sya, kahit ganun atleast may kaibigan ako kahit binubully ako.
Pumasok na kami sa room at umupo na sa upymuan namin sa likod.
Buti talaga kada isang row apatan yung upuan.
"Ji, kilala mo yung iKON?!"tanong ni Lisa.
"Ahm, hindi eh. Wala naman akong alam sa kanila."sabi ko.
"What wala kang kilala kahit isa sa kanila?!"tanong ni Rosé at umiling naman ako.
Eh sa hindi ko naman kasi sila kilala talaga.
Tsaka wala akong pake sa paligid kung sino man sila.
"Ji, classmates natin sila."sabi ni Jennie na may pagkacold.
Oo cold si Jennie pero sa tropahan naman daw napakakulit nyan pero minsan lang yan maging makulit dahil madalas seryoso at cold yan.
"Huh?!" bakit di ko alam?!
"There they are."sabi ni Jennie ng bumukas ang pinto.
Nakita ko naman ang mga nagwagwapuhang lalaki pero kahit isa wala akong gusto.
Omg ang cute ng isa mukha syang rabbit.
Anong pangalan nya?!
Umupo na sila sa harap ng upuan namin.
Wow ha?!
Dikit dikit yung upuan nila kahit pito sila.
Eh apatan lang naman dapat.
Bakit ganyan sila umasta eh hindi naman sila ang may ari o anak ng may ari ng school na ito?!
"Ji, itong nasa kaliwa natin, si Jinhwan yan tapos katabi nya is si Yunhyeong, Donghyuk, Jiwon ang pinakacold sakanila, walang paki yan kahit kanino, tas si Hanbin, Junhoe at Chanwoo. They are iKON" paliwanag ni Jennie.
Tumango tango nalang ako, eh kahit naman ipakilala sakin ni Jennie, Lisa o Rosé yan wala parin akong pake.
Dumating na yung teacher namin at ayun, nagdiscuss na sya.
KRING KRING
Here we go again, Lunch break na.
Pumunta kami sa cafeteria at umorder kami ng Milk Shake, tsaka ng mga pagkain.
Cassey's POV
"Girls habang nasa cafeteria pa sila gawin na natin yung plano." sabi ko kila Katrina at Michelle.
Tumango naman sila at dumiretso kami sa parking lot para kunin yung mga gamit.
Pagpasok namin nang room lahat na ng kaklase namin nandoon maliban lang kila Jennie.
Tumungtong si Katrina sa isang upuan at ginawa na yung plano namin. Inayos nya na yung dapat ayusin and Done.
"Wag nyong sasabihin kahit kanino na kami ang gumawa nito ha!?! Kung hindi magiging miserable ang buhay nyo."pananakot ko sa kanila.
"O-opo, Queen C-cass." mautal utal na sagot ng mga kaklase ko maliban sa iKON.
Wala naman kasi silang pake ei.
Umupo na kami sa upuan namin at sana naman, maging maganda ang kalabasan nito.
O sya sige bye muna, Bye babes mwa~
Jisoo's POV
Naglalakad na kami papunta sa room.
Naguusap lang kami at nagtatawanan dahil sa mga kinikwento nila sakin nung bata pa sila.
Meron di. pala silang kaibigan na bata palang ay nag crash ang eroplanong sinasakyan nila, hindi pa daw nila alam kung buhay o patay na sya, basta sabi lang daw sakanila ay kalimutan na sya, kaya kahit pangalan kinalimutan nila. Hays kawawa naman sya at sila, nwalan sila ng kaibigan pero okay lang naman daw at may pumalit na sa kanya, Ako daw yun, naatawa nga ako kasi napakabait nila ei, kaugali ko lang din daw yung kaibigan nilang yun.
Di namin namamalayan na nandito na pala kami sa harap ng pinto ng room.
Niisa samin walang nagbubukas ng pinto kaya napagpasyahan kong ako nalang ang magbukas.
Pagkabukas ko ng pinto ay.
*BOOOGGSSHH*
May, pintura at harina na natapon saakin mula sa itaas.
Ganito nalang ba lagi, pagtatawanan nanaman ako?!
Agad akong kumabas ng room at alam kong hinahabol ako ngayon nila Lisa.
Humito ako dito sa bench ng mini park ng school.
Wala akong ginawa kung di ang umiyak ng umiyak.
May tumabi naman sakin at alam kong sila Jennie Rosé at Lisa lang yun.
"Shh, okay lang yan Jisoo, pagdating ng panahon ikaw naman ang magpapaiyak sa kanila."sabi ni Rosé.
"Oo tama si Rosé, Ji, pagdating ng panahon ikaw ang magpapaiyak at mananakit sa kanila."sabi naman ni Jennie.
"Ji, alam kong kakayanin mo to, dahil alam namin na madami kang pinaghirapan, alam naming sanay ka na kaya alam din naming matatapos mo to, Hindi ka na mabubully, yung magbabago ka na. Dahil alam naming pagdating ng panahon, ikaw ang mapupunta sa itaas at sila naman ay pupunta sa ibaba. Kaya mo yan Jisoo, Hwaiting."dagdag nya pa.
Oo tama sila, kaya ko to at matatapos ko to.
ITUTULOY
DONT FORGET TO VOTE/COMMENT/FOLLOW.
THANKS FOR READING.

BINABASA MO ANG
𝑇ℎ𝑒 𝑁𝑒𝑟𝑑'𝑠 𝑅𝑒𝑣𝑒𝑛𝑔𝑒 [𝐾𝑝𝑜𝑝 𝐹𝐹] [𝑖𝐾𝑂𝑁𝑥𝐵𝐿𝐴𝐶𝐾𝑃𝐼𝑁𝐾]
Fiksyen Peminat❴💭❵ ❝Hyung, 1st anniversary na.❞ I smiled. Bitterly. I miss her, so damn much. I want to be with her, again. And I need to do this. I'm sorry, but I can't live without her. She's my life, my love, my happiness, my baby, my bestfriend, my everything...