Chapter 2

2.6K 105 12
                                    

Jennie's POV

Nandito kaming apat sa canteen, napatingin ako kay Jisoo. Napakatahimik. Nasanay ata talaga siyang hindi makipag-kaibigan.

Actually, unang kita palang namin sakan'ya, gusto na talaga namin s'yang maging kaibigan. Mabuti nga at pumayag siya, kasi kung hindi, kukulitin talaga namin 'to.

"Guys here's the food." sabi ng kadarating lang na si Lisa bitbit ang tray ng mga pagkain.

Nag-simula na kaming kumain at kaunting kwentuhan. Napangiti ako nang makitang tumatawa si Jisoo, bakit ba hindi 'to marunong mag-ayos?

"Jisoo, may I ask? How's life?" tanong ko.

"O-okay lang, wala namang bago.."

Tumayo kami sa mula sa table nang mag-ring ang bell. Pagpasok namin ng classroom, sa tabi na kami ni Jisoo umupo.

"Wow naman, may kaibigan na pala 'tong Nerd na 'to." sabi ng Cassey na parang kabute. Bigla bigla naman kasing susulpot ei.

"Eh ano naman ngayon?!" pataray na tanong ni Lisa.

"Lisa wag mo akong ginaganyan, mas matanda ako sayo." sagot naman ni Cassey. Tumaas ang kaliwang kilay ni Lisa.

"So ano? Dapat ba kitang galangin? Omg! Sorry, hindi ka kagalang-galang." nakangising sagot nito.

"Oops, you better leave Jisoo alone, leave us alone." singit ni Rosé.

Ilang minuto ang lumipas, nag-stay kami sa room hanggang sa mag-bell ulit.

"Jisoo, gusto mo hatid ka na namin?" tanong ko.

"H-hindi na, malapit lang naman 'yong bahay ko. Salamat nalang."

Pero huli na ang lahat, tinulak na sya nila Lisa at Rosé sa kotse ko, mga gaga. Pumasok na din ako tsaka sinimulang magdrive.

Sinabi na ni Jisoo kung saan yung direksyon patungo sa bahay nila.

Nang makarating kami, agad na siyang bumaba.

Maliit lang ang bahay nila pero hindi pang sobrang hirap, alam kong kinaya lahat ni Jisoo ang mga pinagdaanan nya kaya hangang-hanga talaga ako sakaniya.

Ibinaba ko ang binatana ng sasakyan nang kumatok si Jisoo dito.

"Salamat sainyo, naabala ko pa kayo. Sige na, umuwi na kayo." nakangiting saad niya.

"No prob. Pasok ka na." saad ko.

Agad ko nang pinaharurot ang sasakyan pauwi. It took us 20 minutes.

Nang makauwi kami, hindi ko mapigilang hindi alalahanin si Ji. 'Yong kababata namin.

Ang alam kasi namin, nung mga 6 years old kami habang si Rosé at Lisa naman ay 5 years old, nagcrash 'yong eroplanong sinasakyan ng kaibigan namin.

Hindi na namin alam kung nasaan siya, hindi kami nakatulong sa paghahanap sakaniya kaya sobrang pinagsisisihan namin 'yon.

Pumasok na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Agad din akong lumabas upang dumiretso sa dining area.

"Jisoo reminds me of Ji," napatingin ako kay Rosé. "I'm sorry, hindi ko na dapat pinaa—"

"Actually, ako din."

Jisoo's POV

Kakatapos lang naming kumain at nagpaoahinga kami ng konti ni Nanay ngayon.

Hindi ko sya totoong nanaya dahil ang sabi nya ay nakita nya lang daw ako sa isang bangketa kaya naman kinuha nya ako at inalagaan hanggang sa lumaki ako.

Nagpapasalamat nga ako dahil sya ang nakakita saakin ei.

Pero ang ipinagtataka ko nga lang ay kung bakit naman ako nilagay sa usang bangketa ng mga magulang ko?!

Wala naman kasi akong maalala ei.

Basta ayun lang ang mga pinaniniwalaan ko at wala ng iba.

Natulog na ako pagkatapos naming magpahinga.

KINABUKASAN

"Anak, bilisan mong kumain, may mga tao sa labas, hinahanap ka. Ang ganda ng kotse nila. omyghad" sigaw ni Nanay habang kumakain ako.

Sinong sila?!

Binilisan ko nalang ang pagkain ko para makalabas na agad.

Pagkalabas ko, nakita ko yung kotse ni Jennie.

Oo kay Jennie nga ito.

Bumukas yung salamin nun at nakita ko sila Jennie, Lisa, at Rosé na kumakaway kaya nilapitan ko sila.

"Oh?! Anong ginagawa nyo dito?!"tanong ko ng makalapit ako.

"Get in the car." sabi ni Jennie.

"Hah?!"

"I said Get in the car, sabay sabay na tayong papasok." pagpapaliwanag nya kaya napa-ahh naman ako.

Pumasok na ako sa sasakyan.

At nagdrive na si Jennie papuntang school.

TBD.

DONT FORGET TO VOTE/COMMENT/FOLLOW.

THANKS FOR READING.

𝑇ℎ𝑒 𝑁𝑒𝑟𝑑'𝑠 𝑅𝑒𝑣𝑒𝑛𝑔𝑒 [𝐾𝑝𝑜𝑝 𝐹𝐹] [𝑖𝐾𝑂𝑁𝑥𝐵𝐿𝐴𝐶𝐾𝑃𝐼𝑁𝐾]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon