Nagising si ruru isang umaga dahil sa alarm clock nya. Kinusot nya ang mata nya at nag hikab. Dumeretso na sya sa kusina upang mag handa ng pagkain.
Habang kumakain sya ng cereal nya di nya maiwasang ilibot ang mga mata nya sa buong kusina nya napakalaki nito, at nakakatawang isipin na mag-isa lang sya sa ganitong kalaking bahay. dagdagan mo na lang kasi ito ng apat na kwarto at masasabi mo ng 'Mansyon' nga ito.
Nag-iisang anak sya ng mga magulang nya, na kahit kailan hindi nya naging ka-close dahil busy lagi sa work ang mga ito at separated pa. Kaya hindi nakaka-pagtaka kung wala silang ganon masyadong bonding mag papamilya.
Meron man syang ibang kamag-anak, nasa ibat-ibang bansa naman ang mha ito. Kaya wala syang ibang matawagan o maka-usap.
Lumaki syang loner, introvert, lonewolf at ano-ano pang word ang nakadikit sa pagiging mag-isa.
Tama, mag-isa sa buhay.
Kahit na may friends sya malungkot parin sya dahil alam nya naman na nag-papalakas lang ang mga ito para bigyan nya ng pera. Ayaw nya ng ganon.
Yung tipong binibilin nya lang ang friendship nyo para samahan sya ng saglit then after iiwanan na lang dahil naabutan mo na.
Babae? Oo naisip nya na rin yan and believe it or not he had a dozen girls a week, iba-iba kada gabi ang kasama nya sa kwarto.
Hindi na rin naka pagtataka na maraming humahabol sa kanya dahil kasama sya sa most hottest bachelor businessman ng bansa.
Oo nakakahanap sya ng aliw dito, pero ng kasiyahan?
Wala.
Niisa sa mga ito wala syang naramdaman, yung tipong ginagawa nya lang yon para maiba naman ang araw nya.
Sa araw-araw kasing ginawa ng universe para sakanya eh, wala na syang ginawa kundi uminom, mag party mag trabaho matulog, mambabae hanggang sa back to one ulit. Ganon paulit-ulit at sawang-sawa na sya dito.
Gosh he feels so lonely.
Wala na ba syang ibang pwedeng gawin sa buhay nya??
Pagkatapos nyang kumain sinimulang nya na ang daily routine nya nag exercise na ito sa gym room nya at nag papawis ng husto.
"Grabe ang boring." Sambit nya habang nagpapahinga sa wooden floor. Hanggang sa naisip nyang mag mall na lang at manuod ng movie kaya naman agad na syang naligo at nag suot ng favorite attire nyang dark blue T-shirt, and acid washed na tight jeans ternohan mo pa ng jordan shoes.
Nang nasa mall na sya medyo naiinis sya dahil ang daming tao hirap tuloy syang mag lakad nakikipag sisikan pa sa marami.
"Mommy....mommy. Huhuhu." Rinig nya sa may sulok sa may ilalim ng escalator, nag taka sya dahil tinitignan nya wala namang bata sa tabi nya kaya sinilip nya na sa ilalim at laking gulat nya na may batang nakasiksik doon. Di nya masyado makita ito, dahil madilim basta alm nya lang bata.
Anak ng.... Bakit may bata dito?? Tanong nya sa sarili nya, hindi nya kasi alam ang sagot kaya kinuha nya na.
"Hey kid.." Tawag nya sa bata na umiiyak habang naka abot ang kamay nya sa direction nito. "Come here, delikado dyan. Halika dito dali." Ngunit hindi lumalapit ang bata.
Hindi mahilig sa bata itong si ruru actually allergic nga sya dito dahil daw madumi, magulo, makalat, asikasuhin, at tulad ng bata na nasa harap nya 'maingay.'
Naiinis na sya dahil maarte daw ang bata ayaw sumunod kaya naman huminga sya ng tulong sa tao sa paligid nya pero imbis na tulungan inisnob pa sya ng mga ito at sinasabihan na 'istorbo.'