Dearest soldier

825 36 11
                                    

🎶Kaliwa kanan, kaliwa kanan, kaliwa kanan...🎶

Ang tangi mong maririnig tuwing umaga sa kampo ng mga sundalo, di pa man sumisikat si haring araw ay nandoon na sila sa labas nakahilera ng tuwid para mag insayo.

Madilim pa lamang ay nag babanat na sila ng buto.

Tumatakbo

Tumatalon

Nagbubuhat at

Umaakyat sa matataas na net na ginawa para lamang sa mga tulad nila, mapapansin ang basa sa lupa na ginagalawan nila, hindi ito tubig bagkos ito'y galing sa pawis ng mga kabataan na nag-titiis para lamang matupad ang kanilang pangarap.

Bawat isa may sari-sariling hugot sa buhay, sa mga mata nila makikita ang mathiing maging isang ganap at tunay na sundalo ng bayan.


Napapalunok na lamang ang bagitong si ruru kapag naririnig nya ang kanilang commander in line na si sergeant Suarez na sumisigaw, alam nya sa sarili nya na dapat masanay na sya dahil may isang taon na syang nagte-training pero hindi nya alam kung bakit hanggang ngayon natataranta parin sya kapag naririnig nya ang boses na ito.

"Madrid!" Bulyaw sa kanya ni commander, napatingin naman ito at tumayo ng matuwid sa gulat. "Ilang taon mo na tong ginagawa?"

Muling napalunok si ruru at talagang pinag papawisan na ito sa kinatatayuan nya, halatang halata na hindi sya komportable sa commander nila.

"One year and two months to be exact sir..." Pabulong nyang sambit na ikinagalit naman ng nakakatanda sa harap nya.


"Hindi ko marinig bata, and I'm not gonna say it again for you.."

"One year and two months to be exact sir!" Muling sambit ni ruru pero much louder and clearer na para sa lahat.

"Sa tingin mo kulang pa ba ang isang taong mahigit na yon para sa isang tulad mong lalampa-lampa huh..?" Straight to the point na tanong ni commander, umiling naman si ruru in return pero kumunoot ang noo ng commmander.

"I cannot hear you fella!!" Sigaw muli nito pero this time sa tenga nang binata.

"Sir no sir!" Sigaw ni ruru pabalik.

"Carry on!" Utos ng commander.


Tumakbo na si ruru pabalik sa obstacle track at tinignan ang mga kasamahan na isa-isang umaakyat sa lubid na napaka taas, kumunot ang noo ni ruru nang pandilaan sya ng isang maputi at medyo singkit na babae.

"Kaya mo yan.." Bulong nito kay ruru sabay akyat nang napaka bilis sa lubid na panganga nalang ito.

Dahil babae na ang kumumbinsi sakanya, sinubukan nya na rin dahil jahe nga naman kung tanggihan nya. Umakyat si ruru kahit na hirap na hirap ang maliit at payat nyang katawan.

Pag akyat nya sa taas nakita nya nandoon na ang lahat at sya nalang ang wala, isang akyat nalang at nasa tuktok na sya pero naghihina na sya at parang bibigay na ang katawan nya.

"Here, take my hand.." Offer ng kaninang babae nakita nya, hindi nag hesitate ang lalaki tinanggap nya ito at agad naman syang hinatak ng babae paakyat.

"Salamat Disney." Pasasalamt ni ruru habang hinihingal at basang-basa ng pawis. Tinapik naman sya nito sa braso. Dahil asar sya sa pet name na tawag sakanya ni ruru, mahilig kasi sa Disney movies itong babaeng nasa harap nya.

A Kyru one shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon