Kylie's P. O. V
Nyan nyan nyan nyan nyan nyan
Nyan nyan nyan nyan nyan nyan
Nyan nyan nyan nyan....
Nagising ako sa paulit-ulit na pag alarm ng phone ko, pero hindi ko ito pinansin bagkos dumapa ako at tinakpan ng unan ang ears ko just to avoid that nyan nyan tone. Pero after a minute di rin nag work dahil I can still hear it nakakatamad talaga bumangon.
"Please pwede five minutes pa, inaantok pako eh..." Tamad kong sabi habang inaabot ko ang phone ko, binuksan ko ang isa kong mata para i-off nang bigla kong masilip ang reminder na nakalagay dito.
"Shit!!!" I blurted out, ngayon nga pala yung fans day namin, hala ka kylie nicole bakit ba naman kasi last night mo pa napiling mag video game eh, I took a quick shower though napakahirap para sakin non, pagkatapos ko agad na kong nag make-up.
*Hachooooooo*
"Pashnea!!" Inis kong sabi nang lumagpas yung lipstick ko sa aking lips at kumalat sa mukha ko, gawa ng paghaching ko. I wiped it off then put a new one. Sa sobrang pagmamadali ko muntik ko pang makalimutan mag damit buti na lang nakita ko ang self ko sa mirror I know it's impossible but yeah sometimes when I'm in a rush nakakalimutan ko ang mga bagay bagay including the most implausible thing.
~~~
*Beeeeeeeeppppp beeeeeppppp*
"Tanakreshna!!" Inis kong sigaw nang maipit ako sa traffic.
Nakakaloka talaga ang traffic sa pinas, eto ang forever...dito ka makakakita ng tunay na forever, tingnan ko lang kung hindi ka pa maniwala after mong maipit dito sa lintik na traffic natoh.
*Hachooo* ano ba yan ngayon pako sinipon.
'5:58am' basa ko sa wrist-watch ko, nakaka stress naman toh kailangan umabot ako sa call time namin, usapan pa naman na 6:00 dapat complete na ang cast....hay naku kung alam ko lang talaga de sana nag motor nalang ako. Dinaman siguro ako nila iiwan pag nagtagal pako...
I put my index finger on my lips tapping it softly while thinking of a possible plan, pano kaya kung iiba ko ng route.
Tama! Yun nalang ang gagawin ko.
Wow kylie hindi ka lang maganda
Bright ka pa....choss.
After 123456789100000 years na pagikot-ikot sa mga eskinita para lang makatakas sa lintik na traffic, sa wakas nakarating din ako.