"My Mistress" 1
"Dude! Long time ah!" At umupo siya sa harap nito.
Ngumisi naman si Elmo. "Oh! James pare! Pasensya na busy eh."
Natawa naman si James. "Busy kanino? Kay Ms. Stunning?"
Tumango naman si Elmo. "Lakas talaga ng pandinig mo! Oo siya nga."
"Loko loko ka talaga! Kasal ka na oi!"
Uminom si Elmo ng vodka. "Kasal? Sus. Walang kwenta yun."
"Walang kwenta pero nagpakasal ka naman? Bakit hindi mo tinakbuhan? Run away groom."
"Run away groom mo mukha mo chong! Haha! Pakikisamahan ko lang siya ng isang buong taon tapos hiwalay na agad."
Napangisi naman si James. "May nangyari na ba sainyong dalawa ng asawa mo?"
"Foreplay. Hanggang dun lang."
"Ang hina mo naman! Bakit hanggang dun lang? Ikaw ba yan? Hahaha"
"Loko loko! Paano kung mabuntis ko? Edi mas lalo akong hindi nakawala sakanya."
"Nakatira kayo sa iisang bahay. Magkasama sa iisang kwarto. Magkatabi sa iisang kama. Goodluck sayo kung matagalan mo yang foreplays na yan! Haha"
Napatawa naman si Elmo. "Makakaya ko dahil na saakin naman ang babaeng nagpapaligaya sakin ngayon."
"Si Ms. Stunning? Ayun siya at nagsasayaw sa dance floor. Hays, hindi ko lubos maisip na papayag siya sa set up niyo." Napailing nalang si James.
Tumingin si Elmo sa babaeng nakatingin sakanya habang nagpagiling giling sa gitna ng dance floor. Nakapulang dress ito, 3 inches heels, messy curly hair, light make up and red lipstick. Sumasayaw ito pero ang mga mata ay nakatingin lamang kay Elmo. Sa bawat indak ng katawan niya ay siya namang nagpapahina kay Elmo. Inaakit kasi siya nito na sumayaw kasama siya pero dahil sa ayaw sumayaw ni Elmo nanatili lamang siya sa kinauupuan niya habang pinapanuod ang dalaga.
"Tingnan ko lang kung sino ang unang lalapit." Sabi ni Elmo sakanyang isip.
Tumingin si James kay Elmo na titig na titig sa dalaga. Napailing nalang siya at napatawa.
"10k" bigla niyang sabi kay Elmo.
Napatingin naman si Elmo kay James.
"Kapag lumapit siya sayo bibigyan kita ng 10k at kapag ikaw naman ang unang lumapit sakanya...hihiramin ko siya sayo ng isa buong araw."
Sumama naman ang tingin ni Elmo dito. Niloloko lang niya ang binata at alam din naman ni Elmo na sinusubukan siya ng kaibigan niya.
"Deal." At uminom si Elmo ng alak. Tumingin siyang muli sa dalaga. Mukhang hindi siya lalapitan nito hangga't hindi siya ang lumalapit sakanya.
Nakaisip ng kalokokan si Elmo kaya naman agad niyang kinuha ang cellphone niya. Tiningnan niya lang ang oras sabay tayo.
"Talo na?" Natatawang sabi ni James.
"Asa ka. Tingnan mo siya ang lalapit sakin."
"Tingnan natin."
Tumingin muli si Elmo kay Julie at sabay sabi na 'wife' kinuha agad ni Elmo ang susi ng kotse at tumalikod na.
"James."
"Oh?" Tumingin si James kay Elmo na ngayon ay nakatalikod sakanya.
"Pagbilang ko ng lima ihanda mo na ang pera mo."
Napangiti naman si James. Tumingin siya sa dalaga.
"5" lumakad si Elmo.
"4"