2

4.9K 69 5
                                    

"My Mistress" 2

Umaga na ng umuwi si Julie sa bahay nila. Pagbukas ng pinto ang kanyang Ina agad ang sumalubong sakanya.

"JULIE ANNE SAN JOSE! Alam mo ba kung anong oras na? San ka nanaman nanggaling?"

Nginitian naman ni Julie ang galit na galit niyang ina.

"Hello Mother! Nice to see you too."

"Julie Anne!" Sigaw ulit ng Mama niya.

"Dyan lang po sa bahay ng kaibigan." Tumingin si Julie sa paligid niya. Agad naman siyang napangiti.

"Hello Sister." Ngumisi si Julie sakanyang kapatid.

"Hindi ka na nahiya sa Ate mo. Bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi ka naman ganyan dati ah?"

Natawa si Julie. "Bakit naman ako mahihiya sakanya? May mukha naman ako at hindi naman ako nakahubad. May damit po akong suot oh!"

Napatayo naman si Pauline. "Julie! Wag mo ngang ginaganyan si Mama."

"Tss." At umakyat na si Julie sakanyang kwarto.

Napaupo at napahawak naman sa noo ang Mama nila.

"Ano ba ang nangyayari sa kapatid mo? Bakit bigla nalang siyang nagbago?"

"Ako na po ang kakausap sakanya, Mama. Sa tingin ko kailangan talaga namin mag-usap."

"Kaya ka ba nandito?"

Tumango naman si Pauline. "Opo."

Umakyat si Pauline sa kwarto ni Julie. Wala ito sa kwarto at ng marinig niya ang umaagos na tubig mula sa banyo, naisip niya na naliligo ito kaya nag-antay siya sa labas.

"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Tanong ni Julie na ngayon ay kakalabas lang sa banyo. Nakatapis lang ito ng towel.

"Mag-usap tayo, Japs."

Natawa si Julie. "Don't you ever call me Japs, Ate Pauline..or should I say..PAULINE."

"Ate mo pa din ako, Julie Anne."

"Not anymore." Sagot naman ni Julie.

Pumunta si Julie sa closet niya at naghanap ng damit. Nagsuot na siya ng mga dapat suotin. Bra, Underwear, pants at ng magsusuot na siya ng shirt.

"Siya ba? Siya ba ang may gawa niyan sayo?" Seryosong tanong ni Pauline kay Julie.

Tiningnan ni Julie ang kanyang sarili sa harap ng salamin. Ang daming pula sa buong katawan niya. Napangiti naman siya at humarap sakanyang kapatid.

"Yup. Ang wild namin noh?" Pang-aasar ni Julie sakanyang Ate.

Gusto ng sampalin ni Pauline si Julie pero pinigilan niya ang kanyang sarili.

"Hindi siya umuwi kagabi. Magkasama ba kayo?"

"Pwede ba, wag ka ng magtanong ng isang tanong na alam mo naman ang sagot. Halata naman diba? Tatanong ka pa." At sinuot na ni Julie ang kanyang t-shirt.

"Julie! Asawa ko na si Elmo! Tigilan mo na tong kabaliwan na toh!" Sigaw ni Pauline.

"Asawa mo nga siya..mahal ka ba niya? At kung asawa mo siya bakit saakin siya nagpupunta?"

Napatahimik naman si Pauline dun.

"D-dahil inaakit mo siya!"

Natawa naman si Julie. "Seryoso? Ayan lang ang isasagot mo sakin? Nakakatawa ka."

"Julie, nakikiusap ako sayo tigilan mo na ang kahibangan mo kay Elmo. Kasal na kami. Asawa ko na siya. Wala ka ng magagawa."

Lumapit naman si Julie kay Pauline. Tiningnan niya ang kanyang kapatid mula ulo hanggang paa.

"My Mistress" (JuliElmo Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon