5

4.1K 60 6
                                    

"My Mistress" 5

"Apooooooo kooooo!" Sigaw ni Margaret ina ni Pauline at Julie. Sinalubong nito ang kanyang anak. Sunday kasi ngayon. Family bonding.

"Ang cute cute ng apo ko! Mana sa lola!"

Natawa naman si Elmo habang pinagmamasdan si Margaret.

"Mama talaga oh, 1 month palang po yang apo niyo. Haha."

Tumingin naman si Margaret kay Elmo.

"Aba! Kailangan kinakausap ang baby kahit nasa tyan palang siya ng Mommy niya."

Napangiti nalang si Elmo.

"Ikaw naman Pauline! Kumain ka ng maraming gulay at prutas. Maselan ang nagbubuntis kaya dapat sapat at masustansyang pagkain ang palaging kinakain mo."

Tumango naman si Pauline. "Opo Mama. Naku, ang dami na nga pong pagkain na binibili sakin nitong si Elmo eh. Feeling ko nga po tumataba na ko."

"Naku! Ayos lang na tumaba ka at least healthy si Baby. Osya, pumasok na kayo sa loob at baka mahamugan pa ang apo ko."

Inalalayan ni Elmo si Pauline sa pag-upo. Binigyan naman sila ng maiinom ng Ginang.

"Oo nga pala, nasabi sakin ng Mama mo na uuwi daw sila agad ngayon. Sila talaga excited na excited sa announcement na mangyayari."

Tumango naman si Elmo at ngumiti.

"Opo Mama. Alam mo naman po yung mga yun. Haha."

Napahawak bigla si Pauline kay Elmo at ngumiti dito.

"Why?"

"May gusto kasi akong kainin eh.."

"Ano naman yun?"

Napakagat labi si Pauline. "Gusto ko ng.,nilagang itlog na binabad sa chocolate at tsaka sinigang na may noodles."

Napanganga naman si Elmo.

"Makakain ba yan?"

"Oo naman. Sige na please?"

Napatingin naman si Elmo kay margaret.

"Osya sige wag tanggihan ang buntis. May ingredients naman kami dyan ang wala lang ay chocolate."

"Sige po bibili nalang po ako sa labas."

Umalis ang ginang.

"Bibili muna ko dito ka lang muna ah?"

Tumango naman si Pauline. Aalis na sana si Elmo ng tinawag siya ulit ni Pauline.

"Bakit?" Tanong ni Elmo.

"Thank you." Sabay ngiti ni Pauline.

Napangiti naman si Elmo. Lumapit siya kay Pauline at hinalikan ito sa noo.

"Your welcome. Thank you din."

Nasa kwarto ngayon si Pauline. Pinagmamasdan niya ang isang photo album. Napangiti siya ng makita ang mga larawan nilang dalawa. Larawan nilang dalawa ni Julie.

Flashback..

"Hindi kita ibibigay Elmo! Hindi ako papayag na mapunta ka sa kapatid ko! Patawarin mo ko Julie pero hinding hindi mo na makukuha si Elmo sakin! Hinding hindi." Sigaw ni Pauline.

Napatayo naman si Julie. "Pauline! Unang naging akin si Elmo! Alam mo yun diba? Akin siya! Ako ang unang nakakita sakanya! Ako ang taong lihim na nagmamahal sakanya! Alam mo yun! Alam mo yun dahil nandun ka nung mga panahon na lihim akong nagmamahal sakanya!"

"My Mistress" (JuliElmo Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon