4

4.5K 62 3
                                    

"My Mistress" 4

Family bonding ang sunday. Naimbitahan si Elmo at Pauline na magpunta sa bahay ng mga San Jose. Hindi alam ni Pauline kung dapat ba silang magpunta doon dahil alam niyang magkikita silang tatlo. Si Julie, Elmo at siya. Ang asawa at ang kabet. Hindi magandang tingnan.

"Pauline"

"...."

"Pauline.."

"....."

"Hoy!"

Napatingin bigla si Pauline kay Elmo.

"Bakit ba tulala ka dyan? May sakit ka ba?"

Umiling naman si Pauline.

"Nandito na tayo. Kanina pa ko sinesenyasan ng Mama mo na bumaba."

Bababa na sana si Elmo ng hawakan ni Pauline ang kanyang kamay. Napatingin siya dito.

"Why?"

"W..wag na kaya tayong tumuloy? U..umuwi nalang kaya tayo?"

"Ano bang problema mo? Bumaba ka na bilisan mo." At bumaba na talaga si Elmo.

Natatakot siya. Natatakot siya na makita kung paano tingnan ni Elmo si Julie. Natatakot siyang maramdaman na wala talaga siyang halaga kay Elmo. Natatakot siyang masampal ng katotohanan na wala siyang karapatan sa asawa niya dahil ang kapatid niya ang mahal nito.

"Bumaba ka na." Pinagbuksan ni Elmo si Pauline. Bumaba naman si Pauline.

"M..may pakiusap sana ako sayo bago tayo pumasok sa loob."

Nakikinig lang si Elmo kay Pauline.

"Pwede bang ako muna kahit ngayon lang? Kahit sa harap lang ng pamilya ko? Ako lang muna..wag mo muna siyang isipin."

Hindi sumagot si Elmo at inalalayan nalang niya si Pauline. Nakahawak sa braso niya si Pauline. Agad silang sinalubong ng Ina nito.

"Anak!" Niyakap si Pauline.

"Magandang umaga po, Mama." Nakangiting sabi ni Pauline.

Tumingin naman ito kay Elmo. "Hi gwapo kong manugang."

Ngumiti naman si Elmo. "Magandang araw po."

"Pasok kayo dali." Pinaupo nito si Pauline at Elmo.

"Ohh..Pauline? Ayos ka lang ba? Bakit namumutla ka?"

"W-wala po ito."

"Oo nga pala, Elmo, darating ang magulang mo. Inimbitahan ko din sila."

Tumango naman si Elmo. "Nasabi nga po sakin nila Mommy."

Tumayo naman ang ginang. "Mabuti pa, magpahinga muna kayo dyan at titingnan ko kung ok na ba yung mga pagkain." At umalis na ito.

Kumuha ng magazine si Elmo at nagsimulang magbasa. Si Pauline naman ay nakatingin lamang sakanya.

"May problema ka ba sa mukha ko?" Tanong ni Elmo.

"W-wala."

"Bakit mo ko tinititigan?" Tumingin si Elmo kay Pauline. Umiwas naman ng tingin si Pauline kay Elmo.

BEEP BEEP BEEP

Tumayo si Elmo. "Sila Mommy na yan."

"Tatawagin ko lang si Mama." At umalis muna si Pauline.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang Mommy at Daddy ni Elmo.

"Mom..Dad."

Nagbeso naman ang pamilya.

"My Mistress" (JuliElmo Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon