Epilogue

5.5K 112 20
                                    

"My Mistress" Epilogue

"Kahit nasaan man siya ngayon..sana ok lang siya." Sabi ni Elmo.

Natawa naman si Pauline. "Ok lang yun maniwala ka sakin! Haha! Alam mo naman yung palagi niyang sinasabi diba? Macho siya."

Napailing naman si Elmo at ngumiti.

"Ibang klase yung kapatid mong yun! Grabe lang ang tigas ng ulo."

"Kung nag-aalala ka sakanya, bakit wala ka ngayon dun?"

Natawa naman si Elmo. "Ayaw niya eh. Makulit diba?"

At sabay silang tumawa.

"Sinong makulit ang tinutukoy mo, Magalona?"

Napatigil sa pagtawa si Pauline at Elmo ng marinig ang boses na yun. Napangiti sila ng makita si Julie na nakasandal sa may pinto. Nakasuot ito ng white dress, flat shoes, at curly hair with light make up.

"Ikaw yung makulit na sinasabi ko."

Tumayo si Elmo at nilapitan si Julie. Hinalikan niya ito sa labi. Napapikit naman si Julie habang si Pauline ay nakangiting pinagmamasdan lang sila.

"Late ka, Mrs. Magalona." Sabi ni Elmo ng matapos ang halik.

Napangiti naman si Julie. "Hindi kaya...masyado lang kayong maaga."

Natawa naman si Elmo. "Palusot ka pa.." At inalalayan niya si Julie palapit kay Pauline.

"Hello Ate!" Sabi ni Julie.

Tumayo si Pauline para yakapin ang kanyang kapatid. Yumakap din pabalik si Julie.

"Namiss kita Japs..." Bulong ni Pauline.

"Namiss din kita Ate..." Sagot ni Julie.

Flashback...

Isang taon na din ang nakakalipas simula ng mangyari yun. Hinayaan muna nila si Julie ng tumakbo ito palabas ng bahay.

"Hahapin ko siya." At tumayo si Elmo.

"Elmo.."

Hinawakan ni Pauline ang kamay ni Elmo.

"Pauline, hindi ko kayang umupo lang dito habang nandun si Julie sa labas. Paano kung may mangyari sakanya? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyari sakanyang hindi maganda."

"Mahal mo talaga si Julie.."

"Oo. Mahal na mahal ko siya, Pauline."

Lumuhod si Elmo sa harap ni Pauline.

"Mahal na mahal ko ang kapatid mo at hindi ko kayang mawala siya sakin."

Hinawakan ni Elmo ang mga kamay ni Pauline.

"Pauline, gusto ko lang sabihin sayo na napaka bait mong babae. Lahat ng nangyari naiintindihan mo kahit pa nasasaktan ka. Ngumingiti kahit pa malungkot. Maganda ka at sexy higit pa sa lahat mapagmahal...kaya Pauline, yung karapatdapat sayo eh yung taong mamahalin ka ng buong buo. Yung mamahalin ka na ikaw lang at wala kang kaagaw. Mamahalin ka ng tunay..at..at hindi ako ang taong yun.."

Nagsimula ng umiyak si Pauline sa mga naririnig niya mula kay Elmo.

"Salamat dahil minahal mo ko..pero masasaktan ka lang sakin..hindi mo kailangan masaktan kung pwede naman may magmahal sayo na iba. Pwera lang ako kasi may mahal na akong iba at kapatid mo yun. Patawad kung nakaranas ka ng sakit sakin..sa amin ni Julie..pinili lang namin ang maling pagmamahal para lang makasama namin ang bawat isa."

Umiling naman si Pauline at hinakawan ang pisngi ni Elmo.

"Hindi mali ang pagmamahal na yun..isang tunay na pagmamahal ang tawag dun. Tunay na pagmamahal lang ang pinakita sayo ng kapatid ko. Nakalimutan kong intindihin ang kapatid ko dahil lang sa pagmamahal na naramdaman ko sayo. Siguro nga hindi talaga love yung naramdaman ko sayo eh..baka nabaitan lang ako sayo at masyado ko lang inisip na baka mahalin mo din ako.."

"My Mistress" (JuliElmo Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon