Mystery guy no.7

203 2 0
                                    

Two years passed, nalosyang na si Aryann. She was highly devastated and become depressed due to failed relationships. Ikaw ba naman mabigo ng 6x hindi ka pa maloka? Tahimik ang naging buhay pagibig nya instead she focused herself in her job as a medical representative of a certain cardiovascular medicine for high blood pressure. She met different doctors some expressing interests with her pero matalino na si Aryann. Hindi na sya ngayon shunga. Marunong na siya magisip pag dating sa pagibig. (Thanks to G!) She knew exactly what they want and they will not get it from her this time.

So one Tuesday night, ang traffic sa EDSA pauwi na sya galing sa kanyang area ng bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone, may nagtext:

Hi, can you be my textmate?

Wow ha, ang old school naman ng mystery texter na ito?! Ang chaka ng diskarte. Textmate? Duh. Ok seen mode ka naun sa akin.

She just focused on her driving...pero makulit si guy naka unlimited text yata.

"Hi, pwede ba tayo maging friends? "

Nakakairita. Hindi na kasi interesado si Aryann sa mga pabebe na mga text at sa mga unknown person texting her.

Nagdecide sya na dumaan na muna sa house ng friend nyang si Ella at makipagbonding muna tutal on the way naman sa condo nya. Tunog pa din ng tunog ang cellphone nya sa kulit ng nagtetext.

"Hey beautiful. Text po tau pls."

Ella: Sino ba yan at tunog ng tunog ang cellphone mo. Dami ata nagtetext sa iyo, girl. Pumapagibig?

Aryann: Tse! Tigilan mo ko. Alam mo naman matagal na kong single. I have no time for boys and lovelife. May gusto makipagtextmate na mystery nunber pero i am not interested.

Ella: maybe it's about time na you entertain someone. Malay mo this time, siya na.

Aryann: Ewan ko.. Mamaya pg sinipag ako at pag may load ako baka patulan ko yung text nya haha

Ella: Ano yan? Walang load? Ateng ang ganda ng cellphone mo, poorita pala ang peg. Walang load.

Aryann: Alam mo naman ako, masipag nagload. Hehe. Yaan mo na. Wala ba diyang makakain sa ref mo. Gutom na ko

Naglabas ng food si Ella. Cake at coke. Kumain si Aryann at tumahimik. Nang biglang may nagtext na naman sa cp.

Autoloadmax: 100 prepaid credits was loaded to your mobile #091***772** by 090***675** trace no. 97284819**  03/02/2011 22:14

Wow effort! Dahil ayaw ko magreply sa txt nya. Nagbigay pa ng load. Sige na nga mareplyan na nga dahil nagbigay naman sya ng load.

Aryann: Sino ito? San mo nakuha number ko

Nagreply uli si mystery guy :
Si Ryan po. Common friend po natin si Ella. Kay Ella ko po nakuha yun number mo.

Biglang napaisip si Aryann. Hala! Lagot ka sa akin Ella.

Aryann: Ella, bruha ka! Bakit mo binibigay kung kanikanino ang number ko ha. Sino itong Ryan na nagtetext sa akin. Ikaw pala salarin ha.

Ella: Ah hehe.. oo mah binigyan nga ko ng number mo friend. Nanghihingi kasi mg friend ikaw binigay ko tutal single ka naman eh. Binigay ko na.

Aryann: You gave my number without my consent? Aba naman! Nagpapahanap ba ako sa iyo ng textmate?

Ella: Try mo lang. Mabait naman yan binigyan ko ng number mo tska pati family mabait. In fact, yun kapatid nya textmate ko na din hehe pero hindi pa naman kami nag dadate

Aryann: Kiriray ka! Kaya pala ako dinadamay mo din sa kalokohan mo. Baka umaasa ka sa double date in the future ha. Wag ako!

Ella: Why not di ba? Malay natin.

Aryann: Ok friend. Mauna na ko. Salamat sa food ha at salamat sa pagbibigay mo ng number ko ng walang abiso.

Ella: You will thank me later. Hehe

Aryann: You wish.

At umalis na si Aryann sa bahay ni Ella. Wala na rin traffic sa Edsa. Narating nya ang condo nya 15 minutes before 11pm. Inalis nya ang high heels nya. Naglinis ng kanyang katawan at nagdamit ng pantulog.

Nagdecide sya na matulog na pero wala pa din tigil ang pagtetext ni Ryan sa kanya.

Aryann, bakit hindi ka na nagreply? Kamusta nakauwi ka na ba sa haws mo? Pls reply.

Hay naku, ayaw pa magpatulog nito. Nagreply si Aryann:

Yes. I'm home. Sleep na ko. Nyt

Ryan: ok cge sleep ka na po. Sorry kung makulit ako gusto ko lang naman malaman na safe ka nakauwi. Sige good night. Sleep well baby.

Aryann: Baby baby? Baby mo mukha mo!

Ryan: Ang taray! Hehe pero ganyan gusto ko parang tigre pag nagagalit hehe. Sorry na. Hindi na kita tatawagin baby.

Aryann: Siya siya sleep na nga ko. Kung hindi ka lng friend ni Ella ay hindi naman ako magrereply sa iyo. Hindi ako nakikipagtext sa mga number na hindi ko kilala sa totoo lang.

Ryan: I understand. Pero thanks at nagrereply ka sa mga texts ko. Masaya na ako kahit sinusungitan mo ako.

Aryann: Ok cge. Di ba sabi ko matutulog na nga ko. Good night

Ryan: Cge. Good night. Sana mas makilala mo pa ako kasi ako gusto kitang mas makilala pa.

Aryann: We will see. Wag kang umasa hehe

Ryan: gusto mo talaga binubully ako hehe. Ok lang. Basta nagrereply ka sa text ko

Aryann: Hindi porke nagreply ako means na magrereply lagi ako sa txt mo. Gets mo?

Ryan: Oo. Alam ko po yun. No problem. Basta andito lang ko lagi pag gusto mo ng kausap. Tska magtetext ako lagi sa iyo kahit makulitan ka sa akin

Aryann: Ok. Common friend pala natin si Ella bakit wala naman sya nakukwento sa akin before tungkol sa iyo.

Ryan: Highschool friend ko si Ella. Pero hindi kami close masyado noon. Pero lately, nag reunion kami kaya yun nagkaron kami ng chance makapagbonding. Don ko hiningi yun number mo, nagandahan kasi ako sa iyo noong nakita kita sa facebook page nya hehe

Aryann: Ah ganon ba? Yun pala story non kung paano mo nakuha number ko. How interesting...

Ryan: Sana makilala mo din ako ng lubusan kasi gusto ko mas makilala pa kita

At nag exchange na ng texts sila Aryann at Ryan. Hindi namalayan ni Aryann na mag 2 am na pala. Ilang oras na lang ang oras ng itutulog nya. Pero in fairness, nageenjoy naman siya kausap si Ryan kahit tinatabla tabla at sungitan ito. Nagdecide na finally si Aryann na end na ng conversation nila. At nagtext si Aryann:

Oh well, mag 2am na. Maaga pa ako tomorrow sleep na talaga ko. Nyt.

Ryan: thanks for your time. I am really happy for giving me this chance na makausap ka kahit sa txt lang. good nyt, aryann.

At dumikit na ang mga mata ni aryann at nakatulog sya nv mahimbing na may ngiti sa kanyang labi.

Si Ryan na nga ba ang mystery guy no. 7 na bibigo sa puso ni aryann? Or this time kaya, sya na ba si Mr. Right?

Hashtag: Search Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon