Hidden Interest

119 1 0
                                    

Hindi maganda ang naging tulog ni Aryann. Masakit ang ulo nya gawa ng hangover at nagsusuka din sya. Masama pa din ang loob nya sa pangyayari kagabi. Nagpaalam sya sa boss nya na hindi muna makakapasok ngayon araw dahil hindi mabuti ang knyang pakiramdam. Ikaw ba naman ang magpakalasing at mag-emote to the max, hindi din gaganda pakiramdam mo. Nagtimpla na lang sya ng tea at humiga habang nakikinig ng music.

Hindi naman sya na prepressure ng walang love life kaso  iba pa rin ang meron pero kung puro konsimisyon rin naman maigi pang maging single na lang. Kahit papaano ay naibsan din ang lungkot na nadarama nya sa pakikipagusap nya kay Ryan kagabi. In fairness, ang hot ni Ryan. Pero hindi siya dapat magpatalo sa looks lang. Hindi naman talaga sya mahilig sa gwapo. Yun mga ex nya sa katunayan, mga hindi naman kagwapuhan, sadyang madidiskarte at manloloko lang.

Muli siyang napabuntong hininga. Nakatulala sya. Nagiisip sya kung ano ang dapat nyang gawain. Nang bigla na lang narealize nya ang mga bagay bagay.

1. Kung basehan ang itsura sa pagiging masaya, bakit may na brobroken heart pa din gwapo, sexy at magaganda?

2. Bakit pa-fall ang ibang lalaki? Sukatan na ba ng kagwapuhan ang pagkakaron ng madaming mga babae?

3. Bakit ka nagiging tanga? Kung pwede mo naman piliin maging maligaya sa piling ng iba.

4. Pinaasa ka na nga nya, ikaw pa habol ng habol sa kanya. Tuwang tuwa naman sya kasi humaling na humaling ka sa kapangitan nya.

Hay naku, hugot queen naman ang peg ni Aryann ngayon. Minsan tinatawa tawanan nya na lang din mga past experiences nya.

Ngayon naman may caller, tinatawagan siya ni Ryan.   At sinagot ni Aryann ang kanyang cellphone.

Ryan: Hello, Aryann kamusta ka na? Hindi ka ba na late sa work?

Aryann: Hindi kasi ako nakapasok gawa ng hangover . Nagpaalam ako na mag rest muna today

Ryan: Tamang tama. Mamayang gabi invite sana kita. May pupuntahan tayong event.

Aryann: It depends kung maganda ang mood ko. Pero ngayon nahihilo pa talaga ako.

Ryan: Ok sige. Rest ka muna. Basta dadaanan kita mamaya 6pm

Aryann: Anong event yan? Anong meron?

Ryan: Basta, I will introduce you to my world..

Aryann: Ok cge cge. Magpapahinga muna ako.

Ryan: Cge, Aryann. Pagaling ka. Wag mo pababayaan sarili mo. Nagaalala ako.

Hindi na nagreply si Aryann. Ano ibig sabihin ni Ryan na I will introduce you to my world?? Ano kaya sya? Katulad kaya siya ni Christian Grey na sadista? Naku! Hindi pa sya handang maging Anastasia. O baka naman katulad sya ni Edward Cullen na bampira. Ano kaya yun mundo na meron si Ryan na nais nyang ipakita kay Aryann?

Nakatulog si Aryann sa pagiisip. Medyo bumuti buti na ang pakiramdam nya nang makaidlip. Nagprepare siya ng lunch at nanood ng tv. Nagpalipas ng oras at nang malapit na ang 5pm ay nag ready sa lakad nila ni Ryan.. Naligo muna si Aryann. At naghanap ng komportableng outfit. Crop top. Short at Chuck Taylor na sneakers. Maganda magdala ng damit si Aryann kaya bumagay sa kanya ang kanyang damit. Nag makeup lang ng very light si Aryann at nagpabango para kahit papaano ay magmukha man lang syang fresh at presentable.

Hashtag: Search Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon