Mr. Right

125 0 0
                                    

Kinaumagahan, namalayan ni Ryan na mahimbing na natutulog si Aryann sa kanyang mga bisig. Medyo nahiya din sya sa sarili sa kadahilanan na pagpunta ng lasing sa condo ng dalaga. Ngunit hindi nya din mapagkaila na isa ito sa mga maganda nangyari sa kanyang buhay, ang makita na nakadantay si Aryann sa kanyang dibdib.

Ayaw nya sana istorbohin si Aryann ngunit kelangan na nyang umalis. Sobra sobrang abala na ang nadulot nya. Bahagya nyang tinanggal ang mga bisig nya sa dalaga ngunit naalimpungatan si Aryann st nakaramdam ng hiya at gulat sa mga pangyayari dahil unang nagising si Ryan. Kitang kita tuloy ng binata na ginusto nya talaga mayakap ito.

Aryann: Ah eh! Sorry. Nakatulog ako. Hindi ko namalayan.

Ryan: ok lang. ako nga dapat humingi ng sorry sa pagistorbo ko sa iyo. Sa pagpunta ng walang abiso, lasing at nakitulog pa. Sensya na talaga. Tapos inalagaan mo pa ko.

Aryann: Wala yun. Basta wag ka na uli maglalasing ha. Grabe ka pala pag napaparami ang inom.

Ryan: oo hindi na. Hindi ko lang talaga mapigilan damdamin ko nun kasama mo si Albert.

Aryann: ah si Albert. Wala yun ex ko na yun. Past is past.

Natuwa si Ryan kasi naisipisip nya na parang nagkakaron siya ng chance ha pero ayaw nya maging assuming.

Ryan: Lalo ka palang maganda pag bagong gising, Aryann. Ang sarap naman gumising araw araw kung mukha mo una kong matatanaw sa umaga at huling masisilayan pag pikit sa gabi ng aking mga mata

Yan ang gusto talaga ni aryann yun binobola sya. Yun feeling na gandNg ganda ang lalaki sa knyA. Yun pakiramdam na may nAgmamahal sa kanya, yun importante sya. Pero konting ingat lang din sya, don't fall for sweet words easily sabi nga nila

Aryann: talaga?! Weh alam ko maganda talag ko pag bAgong gising. Joke. Jan daw magkakaalamanan talaga eh pag walang mAke up

Ryan: I am serious. You are beautiful, Aryann.

Sabay hawak Sa kamay at tingin sa mata ng dalaga. Nagtama ang mga mata nila pero umiwas agad sa pagkatitig si Aryann

B'Aryann: Ah eh, alam ko nagugutom ka na. Magluto muna ko ng breakfast

PagkAlipas ng ilang sandali...

Ryan: wow, my favorite. Pancake. Bacon. Egg and coffee. Plus a beautiful sweet lady. A wife material. Swerte ng magiging future husband mo, Aryann. (Sana ako na lang!) pabulong ni Ryan

Aryann: ano sabi mo?

Ryan: ah wala sabi ko ang perfect ng morning ko. Salamat sa iyo.

Aryann: wala yun. Eat ka lang dyan ng madami. Para talaga yan sa iyo.

Ryan: Aryann. Pwede bang makasama pa kita uli mamaya? Namimiss kasi talaga kita pag hindi kita nakikita at nakakasama

Aryann: I am not sure mamaya. May gagawin kasi ko ng report

Ryan: ah ok. Sige I understand.

Aryann: next time na lang ko babawi. Ok

Nalungkot si Ryan dahil sa pag reject ni Aryann pero naintindihan nya ito.

Ryan: thanks nga pala Aryann sa breakfast and for taking good care of me kagabi. I appreciate it sobra sobra.

Aryann: Maliit ba bagay

Ryan: uwi na pala din muna ako. At may tatapusin akong trabaho sa shop. Sige Aryann. Text text na lang.

At niyakap ni Ryan si Aryann. Sabay amoy sa mabangong buhok ng dalaga. Hmmmmm....
Ayaw nya sana umagwat sa pagkakayakap nila pero kelangan na.

Ryan: Bye.

Aryann: cge. Yngat ka ha. Text ka pag nakauwi ka na sa haws.

Ryan: sure. (Sabay kindat sa dalaga)

Sinarado ni Aryann ang pinto at nagsisigaw sa kilig. Gusto naman nya talaga sumama sa binata sa invite nito mamayang gabi kaso eh ayaw nya lang ng padalos dalos. Kaya kelangan nya ng konting pakipot .

Samantala, hinarurot ni Ryan ang kotse papauwi ng kanyang bahay at wala na atang mas makakasira ng umaga nya..

Pagdating ng bahay, nagtext sya kay Aryann.

Ryan: Home. Safe and sound. ❤️❤️❤️

Aryann: Good. Have a nice day!

Ryan: wish you are here, i miss you already! Wag ka masyadong magpapamiss, hindi ko kaya

Aryann: miss agad agad? Magkasama lang tayo kanina

Ryan: ganon talaga!! Love you!

Nagulat at nanlaki ang mata ni Aryann sa text ni Ryan. Kinilig sya ng bongang bonga. Hindi sya mapakali at hindi alam ang rereply nya.

Ryan: dont pressure yourself. Hindi naman ako nagmamadali na sagutin mo ko. Just want to express  my feelings for you. Cge work muna ako. Wag kang magpapagutom. Take care always.

Aryann: ok cge. Ingatan mo din self mo. Tc

Lumipas ang araw na hindi nagparamdam si Ryan. Workaholic nga talaga sya. Si Aryann naman, routine. Stress sa work. Kaya pag uwi nya from office eh diretso sya sa banyo para sa hot shower. Hay nakaka relax ng feeling ang mainit na tubig. Nakakawala ng pagod. Sinabon ni Aryann ang kanyang mapuputi ar makinis na katawan ng kanyang favorite vanilla scent. Hmmmm. Ang fresh at bango na naman nya. Pagkatapos maligo eh nagsuot sya ng pambahay. Spaghetti at short.

Maya maya ay may nag door bell sa labas ng kanyang condo. Nagulat sya sa kanyang nakita, walang tao pero may isang shitZu puppy. May nakasabit sa leeg nito na message.

Hi, I am Shin! Can you adopt me?

Wow. Ang cute naman ng puppy. Mahilig talaga so Aryann sa dogs. Kaya tuwang tuwa sya sa aso. Kinarga nya ito, pumasok sa condo at sinara ang pinto. Agad sya nagisip kung sino ang angel na nagsend ng puppy sa kanya. Alam na alam ang kiliti nya.

Maya maya. May nag door bell na naman. Binuksan nya uli ang pinto at may card, flowers at balloon naman sa labas ng pinto.

"Hello, Aryann. I hope you meet Shin already. isn't she lovely? A beautiful woman like you deserves to be treated like a princess.

-Mr. Right

Ha?! Another mystery guy no.7? This time sya na ba si Mr.Right?

Kinuha nya ang flowers at balloon. Sobrang kilig at saya nya. Kanino nga kaya talaga galing ito? Sobra sobrang effort at pagpapakilig na ito.

Maya maya ay tumunog na naman ang door bell.

Wow! This time. Pizza. Chicken wings. French fries and drinks naman. May note din nakalagay:

Dear Aryann,
I know hindi k pa kumakain. Wag ka papagutom. Eat well.

-Mr. Right

Grabe! Lahat ng favorites ko andito. Ito talaga yun eh. Foods. Sarap talaga kumain. At talagang nag research pa sya ng favorites ko. A for effort. Kaya naman na isipan ni Aryann mag leave ng note sa labas ng pinto.

This is too much. Thank you very much. Why don't you share pizza with me?

Sinarado ulit ni Aryann ang pinto. After 10 minutes may nag door bell ulit.

This time. Isang note lang anh nasa labas.

I will reveal myself to you soon. Just enjoy Shin's company at the moment. Love you, Aryann

Eto na naman tayo eh. Sa mysterious mysterious effect na ito eh. Sinarado ni Aryann ang pinto. Sabay kilig at inenjoy ang foods at company ni Shin buong gabi.

Sino kaya si Mr. Right? Si Ian kaya? Si Albert or si Ryan? Abangan.
M

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hashtag: Search Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon