Samantala sa loob ng kotse. Tahimik si Aryann at agad naman napansin ito ni Ryan.
Ryan: Aryann. Si Micah wala yun.. She was my ex and we broke up 6 months ago pa simula ng niloko nya ko at sumama sya kay Topher. Naun ko lang din sya ulit nakita.
Aryann: It's okay. No need to explain..
Ryan: Hindi kasi maganda pinakita nyang ugali sa iyo. Nahihiya ako sa iyo.
Aryann: Ayos lang noh. Sino ba naman ako. Gusto ko ng umuwi at magpahinga.
Nawalan na kasi sa mood si Aryann dahil kay Micah kaya uuwi na lamang sana sya.
Ryan: Pero may celebration pa tayo. Hinihintay tayo ng team.
Aryann: Ah sige pero saglit lang tayo ha.
Ryan: Oo, promise. magpapakita lang tayo sa kanila tapos ihahatid na kita
Aryann: Ok, cge.
Pagkaraan ng ilang minuto ay narating nila ang lugar ng celebration.
Jayvee: andito na pala si boss eh tska si Aryann. Pasok pasok kau. Upo po kayo.
Ryan: Guys, hindi din naman kami magtatagal.
Janjan: Ay sayang naman. Pero grabe si Micah boss parang gusto ka pa balikan eh siya nga ito nangiwan.
Binigyan ni Ryan ng warning look si Janjan. Hindi kasi maganda pinaguusapan ang ganitong mga bagay lalo na sa harap ng bago niyang nagugustuhan .
Janjan: Ah eh...ang sabi ko lang eh masaya na uli si Boss ngayon. Move on, move on, move on na po tayo.
Uminom lang ng konti si Ryan at Aryann at Hindi nga nagtagal ang dalawa sa celebration ng team gaya ng pinangako ni Ryan. After 30 minutes ay umalis na din ang dalawa at nagpaalam.
Samantala sa loob ng kotse.... Nakatulog si Aryann habang nagdrdrive si Ryan. Doon niya narealize na maganda pala talaga ang mukha ng dalaga at ang sarap titigan. Napatingin siya sa labi ng dalaga na sadyang mapupula at parang sarap halikan. Kung yung ibang babae siguro nahalikan na nya sa mga ganitong pagkakataon pero iba si Aryann. Mataas ang respeto nya sa dalaga at pinigilan nya ang sarili at nagfocus na lang sa driving.
Pagkalipas ng ilang sandali narating nila ang condo ni Aryann.
Ryan: Aryann, gising na. Andito na tayo.
Wala sa sarili gumising si Aryann at hinatid sya ni Ryan sa pintuan ng kanyang unit.
Ryan: Good night, Aryann. I hope you have fun.
Aryann: Thanks Ryan. Nagenjoy talaga ako kasama yun team.
Ryan: hmmm.. yun team lang??
Aryann: syempre kasama din yun leader ng team.
Ryan: yun na nga sinasabi ko. (Mejo kinilig si Ryan) pwede ba kita makita uli bukas?
Aryann: Ikaw bahala. O, cge na good night.
Ryan: Good night, beautiful.
Sabay hinalikan ni Ryan si Aryann sa pisngi. Ang lambot at kinis talaga ng pisngi ni Aryann. Ang bango din ng dalaga. Nakakaakit ang amoy parang bulaklak. Parang gusto nyang mas lumapit pa sa dalaga. Nakaka-curious.. Ano kaya pakiramdam pag sa labi nya nahagkan si Aryann? Kahit sa labi nya talaga gusto halikan ang dalaga ay minarapat nya na sa pisngi na lamang dahil nahihiya sya na baka masampal siya at isipin na baka mapagsamantala siya. Inalis nya sa isip nya ang kanyang nais gawin dahil alam nya na hindi ito tama.

BINABASA MO ANG
Hashtag: Search Mr. Right
RomanceWhile other people tend to have long term relationships, Aryann always ended up having short relationship despite of being serious and faithful. Why does she always ended up with the wrong guy??? Find out the journey of a girl in search for her des...