Ok andito na tayo sa portion na mag-isa na lamang si Aryann at Ryan sa kotse since pumayag naman si Aryann na ihatid siya ni Ryan pauwi ng condo at dahil medyo hilo na din sya ay hindi na rin nya kayang magdrive.
Magkaka-moment na kaya ang dalawa?
She sat on the passenger seat while she let Ryan to drive her car while giving him instructions pauwi ng condo nya.
Eto na yung portion kung saan may lasing na lasing na babae tpos magkakaroon ng vomiting scene pero that will not happen in this story. Hehe. Kahit na nasusuka na talaga si Aryann ay napigilian nya naman ito sa pamamagitan ng paglunok na lamang. (How gross!) sabi na nga at hindi kayang pangatawanan ang pa prim and proper effect ng babaysot pero ok lang hindi naman na halata ni Ryan. Focus sya sa driving.
After 20 minutes na reach na nila ang condo ni Aryann. Sumakay ng elevator since nasa 29th floor pa ang unit nya.
So andito na din tayo sa eksena na nag wawait tayo kung may magaganap agad na first kiss.
So pagdating sa labas ng pinto ng unit ni Aryann, na awkward yun dalawa. Para bang may nga kuliglig na nag babackground music. Wala nagsasalita. Nakakabingi ang katahimikan. Pareho sila naghihintay ng next move.
Hanggang sa pinutol ni Ryan ang katahimikan...
Ryan: Good night, Aryann. Ahm.. see you, tomorrow? (Bigla siyang na torpe)
Aryann: Cge. Nyt.
Papasok na dapat si Aryann ng pinto ng biglang hinawakan ni Ryan ang mga kamay ng dalaga. Sa totoo lang ay gusto na agad ni Ryan na halikan ang dalaga nang may biglang may paparating na dalawang tao sa may hall way.
Panira ng moment...
Napatingin Si Aryann sa mga paparating. Si Andres at Cindy pala. Ang mga panira ng buhay nya. Si Cindy, ay maganda tulad ni Aryann ngunit mapustura at may pagka fashionista. Parang "it girl" ang datingan. Yun nga lang may pagka magaspang ang ugali. Lagi siyang insecure kay Aryann dahil mas matalino at mas maganda si Aryann sa kanya bagama't hindi ito mahilig mag-ayos. At dahil sa kamalas malasan lagi nag cro-cross ang landas nila at naging magkatrabaho pa sila at magkapitbahay ng unit. Hindi talaga mabubuhay ang istorya kung walang kontrabida.
Samantalang, si Andres naman ay kaklase ni Aryann noong highschool na laging nambubully sa kanya na ngayon ay boyfriend ni Cindy. Hindi nakapagtataka na magsama ang dalawa. Bagay sila. Same feather. Mga kontrabida. At sila pa talaga ang dumating sa awkward na moment ni Aryann ar Ryan.
Cindy: Oh, well well well. Look who's here. Aryann is that your new boyfriend?? Aba! Madala ka naman. Pang ilan na ba sya? (Sabay tawa ng malakas na nakakainsulto)
Aryann: Mind your own business, Cindy.
Cindy: Concern lang naman ako sa iyo girl, kasi wala ka naman tumatagal na relationship eh. Parang lahat may quota. Walang tumatagal ng 1 year. Bakit kaya?
Aryann: At sa iyo pa talaga ako magpapaliwanag? Pakialam mo ba?
Cindy: Lahat na lang sila pinaglalaruan ka. Niloloko ka ng paulit ulit. Minsan pairalin mo kaya utak mo, girl para hindi ka laging naloloko. Palibhasa kasi...
Aryann: Sige ituloy mo. Kung gusto mo paputukin ko yang nguso mo. Kung may nag failed relationship man ako, hindi ako may problema don. Yun mga manloloko na lalaki na wala lamang alam kung hindi mag feeling pogi at manloko ng damdamin ng mga babae!

BINABASA MO ANG
Hashtag: Search Mr. Right
RomanceWhile other people tend to have long term relationships, Aryann always ended up having short relationship despite of being serious and faithful. Why does she always ended up with the wrong guy??? Find out the journey of a girl in search for her des...