Ang sabi ng b'wan sa mga bituin:
'Wag kayong mananawang magliwanag sa dilim
Sumagot ang mga bituin:
Hindi kailanman, hanggang matapos ang walang hanggan.
Sumaklob ang ulap sa maliwanag na buwan
Makaraa'y bumuhos na ang malakas na ulan.
Ang mga kwentong gawa lamang ng malilikot na isipan,
Bumubuhay naman sa kwento ng ating pagmamahalan.
Tulad ng mga bituin at buwan sa langit
Tayo rin ay binabalot ng dilim at pait.
Ngunit ang pagbuhos ng ulan na siya namang nagpapalamig ng ating gabi
Siyang nagpapaalala n asana ikaw ay katabi.
Palaging alaala moa ng nagpapaliwanag sa aking madilim na mundo,
Sa mga titig mong nagsisilbing lakas ko.
Takpan man ako ng mga ulap tulad ng buwan,
Ikaw pa rin ang magsisilbing liwanag ko sa kadiliman.
Bumuhos man ang ulan sa aking katawan,
Hindi ako lalakad pagkat alam kong dadating ka para ako'y damayan.
Tulad ng langit tayo ay may kadiliman,
Ngunit tulad ng buwan tayo ay walang hanggan.
Pakinggan moa ng pagngako ng habampanahon
Ikaw ang aking liwanag sa gabi
Ikaw ang aking bituing tatanawin ko parati.
Sa iyo iaalay ang walang hanggang pagsinta
Ikaw ang kasamang gagawa ng marami pang alaala.
Na sa pagdaan ng panahon sabay na puputi an gating mga buhok
At magkasamang tatanawin ang matataas na bundok.
Ikaw at ako ang bubuo ng walang hanggan
Ikaw at ako ang tatanaw sa kalawakan.
-end-