Para sa mga taong humahanga ngunit binabalakiran ng "Magkasalungat na Panahon"
Saglit na tumigil ang aking mundo
Bahagyang napatanong ang isipang ito:
Sa isip ko'y biglang pumasok ang isang ikaw
Lumiwanag ang mundong matagal ng walang ilaw.
Sa aking gunita'y bigla kang naisip.
Aking puso'y nagising sa mahabang pagkakaidlip.
Nagsimulang nagtanong sa "Sino ka nga ba?"
Hanggang sa natapos sa "Maaari nga ba?"
Tayo'y nagkatagpo sa iisang panahon
Sa mundong mapaglaro at sadyang mapanghamon.
Napapansin kita ngunit ako'y di mo nakikita
Pagkat sa akin mga mata mo'y nakasara.
Sa aking paghangang hindi mo batid
Pagkat ating panahon ay isang balakid.
Ako'y nasa hinaharap mo
Samantalang ika'y nasa nakaraan ko.
Panahon nating magulo ngunit malinaw
Malinaw pa sa sikat ng araw.
Bakit nga ba nahuli ka ng pagdating
O sadyang ako'y nauna lamang sa paggising?
Paano tayo magkakasabay?
Kung itong si tadhana'y laging sablay?
Tayo'y di magkakatagpo kahit sa milyong dalangin.
Mga nasa isipan ko'y pinalilipad na lang sa hangin.
Balikan natin ang tanong ng oo at hindi.
Hanggang sa tuluyan nang marinig ang paghikbi.
Sadyang sa mundo mo nga'y di ako mapapabilang
Kahit bilangin pa ang mga bituin sa kalawakan.
-end-