Libutin Natin ang Mundo

14 0 0
                                    

Pangarap kong lumipad sa himpapawid

Sa matayog na tulay nais kong tumawid.

Sisisirin ang malalim na dagat

Sa matatarik na bundok tayo ay aakyat.

Pangarap ko ang libutin ang buong mundo

Na ikaw lamang ang kahawak ng mga kamay ko.

Kumabog man ng malakas ang aking dibdib

Balahibo ko man ay magsi-tindig

Mga tuhod man ay mangatog

Sa takot at kaba nab aka tayo ay mahulog

Kakapit lang ako sa iyong mga kamay

Ipagpapatuloy pa rin an gating paglalakbay.

Ipipkit ko ang aking mga mata

Sa iyong mga kapit hindi ako mag-aalala.

Kasama natin ang hangin at ang ulap

Sa pag-abotng matayog na alapaap.

Mga kamay na hindi kaylanman magbibitaw

Mga pusong ang saya ay nag-uumapaw.

Hawakan mo ako ng mahigpit

Hayaang tayo ay magdikit

'Wag kang bibitaw hanggang marating ang dulo

Hanggang malibot natin ang buong mundo.

Tayo'y maglalakbay at sabay na sisigaw

Pagmamahalang ito'y hindi malulusaw.

Saan man tayo dalhin ng hangin at tubig

Saan mang lupalop ng ating daigdig

Hindi ako mangangambang mawala

Pagkat sa iyong piling hindi ako magsasawa

Libutin natin ang mundo maging ang kalawakan.

Simulan natin dito sa tulang sa'yo inilaan.

-end-

Tahimik na TinigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon