Ang tunay na buhay ay hindi perpekto,
Puno ng pait at paninibugho.
Ang tunay na buhay ay hindi puro saya,
Hindi puro liwanag at puro tawa.
Ang tunay na buhay ay may dilim na dala,
Napupuno ng luhat at kawalang pag-asa.
Sa tunay na buhay tayo ay lumalakad,
Sa matinik na daan tayo ay umuusad.
Nababasa ng ulan ng problema,
Hinahampas ng mga tanong at pagdurusa.
Nasusugatan ng mga basag na katotohanan,
Lumalaban sa delubyong dala ng kamusmusan.
Sa tunay na buhay walang engkantada,
Walang mga diwatang tutugon sa mga problema.
Walang mga hiling na tutuparin
Ng mga salamangkerong mula sa boteng kikiskisin.
Ang tunay na buhay ay itong nasa harap mo,
May dilim, may sakit, may pait at may hamon sa iyo.
Buksan ang mga matang nakapikit,
Itigil moa ng pantasyang iyong ipinipilit.
Isara ang imahinasyon sa perpektong buhay.
Humayo ka at patuloy na maglakbay.
Suungin moa ng tunay na mundo,
Harapin moa ng mundo ng mga tao.
Itong munding iyong ginagalawan
Punong-puno ng hamon at paglaban.
'Wag mong susukuan ang buhay mong pinili
Pagkat sa huli naroon ang dulo ng pisi.
Sa gitna man ika'y matisod at masugatan,
Hayaan mo lang patuloy kang lumaban.
-end-