Naaalala ko pa rin ang iyong mga tingin
Ang kung paanong sa akin mo ay sambitin
Ang mga katagang bumubuhay sa aking dugo
Ang mga salitang ako'y mahal mo
Na ako ang iyong prinsesa
At ang iyong nag-iisa.
Naaalala ko pa ang iyong himig sa gabi
Ang pag-awit mo para mawala ang aking paghikbi.
Ang lamig sa iyong tinig na siyang sa akin ay di mawari
Sa isipan ko'y hindi nababali.
Ang mga alaala na dala ng ating kahapon
Pilit na sumisiksik sa aking imahinasyon.
Nanariwa pa rin sa aking balintataw
Kung paano sa buhay ko ikaw ay lumitaw.
Kung paanong binigyan mo ng kulay ang aking mundo
At kung paanong ang aking musika'y nilagyan mo ng tono.
Ang 'yong tinig sa bawat kalabit ng gitara
Ang kung paanong sa twina'y ako'y iyong hinaharana.
Habang tumaktakbo ang mga kamay ng orasan
Tumatakbo rin ang mga alaala ng ating nakaraan.
Ang sugat na dala ng ating paalam
Hindi pa rin humuhupa at namamaalam.
Sa bawat pagsikat at paglubog ng araw
Ang aking laging tanong, kailan kaya kita matataw?
Patawarin mo ako sa lahat ng sugat na iniwan ko sa'yo
Ngunit patawarin mo rin sana ako sa pag-sinta kong ito
Mahal, ikaw ang himig ng aking bawat musika,
Ikaw ang laman ng aking bawat istorya.
Ikaw ang tanging nasa isip ko noon, ngayon at sa habang panahon
Hindi ko alam pero bakit ka nga ba hindi ka lumingon?
Tinawag ko ang iyong pangalan
Ang akala ko ako'y iyong pakikinggan.
Ngunit ang nag-iisang pag-asa na mayroon ako
Tila gumuho na rin sa iyong paglayo.
Mahal, hanggang dito na nga lang ba tayo?
Ito na nga ba ang huling yugto ng ating kwento?
Sabihin mo naman na ikaw ay babalik,
Sabihin mo naman na tulad ko ika'y nananabik
Na makasama ka kahit saglit
Kahit ang araw at gabi sa atin ay nagngangalit
Ako'y maghihintay, mahal, sa iyong pagbabalik
Kahit buhay ko pa ang maging kapalit.
Ang 'yong tinig na paulit-ulit kong pakikinggan,
Ang 'yong mga liham na paulit-ullit kong babalikan,
Mga tulang ikaw ang sumulat
Mga salitang sa akin ay nagmulat.
Ang 'yong mga mensaheng kasabay ng mga awitin,
Siyang nagpapalabo sa aking paningin.
Handa akong maghintay hanggang ang mga sugat mo'y maghilom
Hanggang ang araw sa atin ay lumilom.
Ako ang magiging ikaw noong unang panahon,
Noong nagsisimula pa lamang tayo sa lahat ng hamon.
Patawarin mo ako sa iyong pagbabago
Patawarin mo ako sa mga sakit na nararanasan mo.
Maghihintay ako sa muli mong pagbabalik
Maghihintay ako habang ang mga mata ko'y nakapikit.
Isasara ko ang aking mga mata
Na puno ng pag-asa na magbabalik ka
Na sa oras na ang mga ito'y bumukas
Sa aking harapan nariyan ang iyong bakas.
Ang bakas na hindi lamang anino
Kundi ang taong minamahal ko.
Maghihintay ako at hindi makakalimot
Bumalik ka lamang matatapos na ang aking bangungot.
Bumalik ka lang di na kita sasaktan
Bumalik ka lang pangako hindi mo na ito mararanasan.
Babalik ka pa ba?
Durugsungan mo pa ba ang ating istorya?
Tama ba na sumugal akong muli?
Maririnig ko pa ba ang "mahal kita" sa iyong mga labi?
Mahal, ako pa rin ba ang laman ng 'yong puso
Ako pa ba ang kasama mo sa iyong mga panagko?