Lumapit sakin ang Master nila at habang sya ay humahakbang ay ako naman ay umaatras napapaisip ako kung tatakbo ako san naman kaya ako pupunta ee may bantay kaya hinarap ko nalang sya at nang tumigil sya ay pinagmasdan nga ang pagkatao ko yung katawan at sabi nya
"Ang payatot mo naman marunong kabang makipag laban?"
"Aa Eh.. Hindi po kaya aalis nalang po ako!" Sabi ko.
At sasapak na sana sya papunta sakin ng maiwasan ko! Nagulat ang iba pang nag tratraining dahil ang bilis ko daw ee basic lang naman yon tapos nung susugod ulit sya yon natamaan na ko dahil sunod sunod at hindi naman ganon yung magalingan ko sa matial arts kaya natumba ako pero nakatayo naman agad ako at sabi sakin sumapak ka nga!
Nag sinabi nya yon ginawa ko na para makaganda manlang sa ginawa nya sakin pero naiiwasan nya naman kahit yung natutunan ko sa matial arts ginawa ko pero wala padin at napagod nalanh ako.
Nang tumigil ako ay agad syang nag sabi na isasama na daw ako sa traning bukas.
Huh?! Bakit!? Yun nalang ang sinabi ko at dinala na ko sa magiging kwarto ko namin pala dahil sama sama kaming matutulog dito.
Hindi ko alam na meron palanf ganito pero mas ok na to kesa don ako kay mason mag nanakaw ako e dito mag tratraining lalakas pa ko! At nang matapos sila mag training ay kumain na sila at pinapatawag daw ako ni Master!
Nung pag baba ko nagulat ako sa ulam ang sasarap. Tapos yung mga bata na kaidaran ko lang napatingin sakin.
Ah Mike! Halika dito magpakilala ka sa kanilang lahat.
At nag pakilala nga ako.
"Ako nga pala si Mic- Mike Suarez 12 years old."
At nang matapos na kong magpakilala ay pinaupo na ko ni master.
Ah Mike ako nga pala si Karl!
Ako naman si David!
Yung dalawang katabi ko. Napagitnaan ko kasi sila.
Aa.. nice meeting you" sabi ko naman
At nag simula kami g kumain at sabi samin ni Master ay bukas daw ay maaga ulit kami mag tratraining! At umakyat na kami sa aming tutulugan.
Nung nasa kwarto na kami ay agad pinatay na yung ilaw para makatulog na kami agad. Eh ang daldal pala ng katabi ko kalalaking tao!
Ah mike! Sabi ni Joey
"Bakit ka napunta dito?"
"Aa may humahabol kasi sakin! Kaya ayun napunta ako dito!" Tugon ko
Aa may tanong pala ako!?
Anong pangalan ni Master ba yun?
Aa si Master Siriani!" Tugon ni Joey
Master Siriani pala pangalan non. At hindi ako makatulog dahil iniisip ko si jude kung okay lang kaya sya?Nagising nalang ako na parang may tunutunong na ugong.. Ugong ata ng barko.. oo dahil nandito kami sa pier ee yun a yung hudyat na babangon na kami at mag aayos na at susuotin ko yung pinagay na uniporme sakin ni master Siriani .
Sabay sabay daw maliligo sabi ni Karl!
Sabi ko naman sige mauna na kayo!" Tugon ko
Bakit nahihiya kaba samin mga bata palang naman tayo ee.." tugon naman ni David
Kaya nga!" Sabi naman ni Joey
Aa ee.. may daily routine kase ako bago maligo kaya sige mauna na kayo! Sabi ko nalang kahit wala naman talaga kaya lumabas nalang ako.
Nang nasa labas na ko ay nakita ko ang isang batang lalaki pero may Abs na!
WOW ganito ba talaga pag nag training dito ee pano yan bawal ako mah hibad ng t-shirt.
Papalapit na sana ako ng bigla syang napatingin sakin.
Hindi ko alam gagawin kasi bigla syang lumapit sakin at sinabing.
Anong Ginagawa mo dito?" Pagtataka nya
Kasi bawal pala yung mga apprentice dito kaya tinulak nya ko paalis!
Sakto nung pag balik ko sa kwarto namin ay tapos na silang maligo kaya ako nalang nagisa dito sa banyo sakto.
At nang matapos ako ay sinuot ko na yung damit na binigay ni master.
kulay pula ang damit na tinernuhan na itim na belt.
BINABASA MO ANG
Ang babae in Bilibid
ActionAng babae sa Bilibid Nakakasulasok Puro away Maraming Gustong tumakas ngunit di nagtagumpay at namatay Ang kwentong ito ay tukol sa isang babae na tatawagin natin Mike/Mica Suarez 21 years old at walang tirahan dahil namatay ang kanyang mga magulan...