Part 13: Sparing

2 0 0
                                    

Nang Matapos sila sa pag tratrabaho ay bumalik sila sa kanilang selda upang mag pa hinga.

kausap namin ni Mica si Fidel na kinekwento ang Sparing Contest na mamaya ay meron at kung sino ang gustong sumali. 

Sino ang sumasali sa kasamahan natin? Tanong ni Mica

Minsan Sumasali si George Yung malaking katawan at medyo chubby tsaka maraming tattoo.. 

Sumali ka na ba? Tanong ni mica

Hindi pa!." Tugod nmn ni Fidel dahil hindi naman ganon kalaki ang katawan pero masasabi mong meron din naman maipaglalaban dahil gwapo rin ito at parang hindi pang karaniwan dito sa bilibid.

Anong kaso mo bakit ka nakulong? Tanong ni Mica kay Fidel

Ah.. Napatay ko kasi yung na hold-up ko kaya ayun guilty ako. pero napag sisihan ko na yon at sana nga magkaroon ako ng pardon pero imposible na yon kase masmaraming nangangailangan ng pardon dito dahil yung iba napagbibintangan katulad nalang ni Jude.

Napatingin sya kay Jude na nag babasa nang dyaryo. Napaisip tuloy sya kung itatanong nya ba dito ang tungkol kay Jude kaso napaisip sya na baka napaka daldal ko pala. kaya hindi na ako nag tanong at umakyat nalang sa Kama ko at nag pahinga. 

Nagising ako dahil sa bell na hudyat na kakain na ng hapunan. kahapon ay di ako nakapag hapunan dahil busy ako sa pag ligo at natagalan ako mag linis ng akin sugat kaya nung pag balik ko ay wala nang pagkain dahil tapos na daw ang oras.  7-8 ang ang hapunan kaya nung nagising ako ay akmang gigisingin na sana ako ni jude nang nakaharap ako sa mukha nya at malapit na magtama ang mukha namin sa isat isa napaatras naman sya at nahulog sa sahig. nataka naman ang mga kasamahan nila Mica at napatuyo bigla si Jude at sa tingin nya na namumula sya.

papunta na ulit sila nang canteen nang may nag sabi kay Octavio kung sino ang gustong sumali sa Sparing Contest mamaya at nagtanong namin sya samin!

Para makita ko ang abilidad mo Mica! ikaw ang sasali!

Nagulat naman si Mica dahil sa sinabi ni Octavio na sya ang isasali. OO kaya nya naman kaso baka mamaya yung sugat nya sa dibdib ay dumugo nanaman.

Nalista na ang pangalan ni Mica at sana nga ay walang masamang mangyari sa kanya.

Nag alok naman si Jude na sya nalang ang sasali kaso hindi sya pinayagan dahil ang mga baguhan daw muna ang isasali sasparing contest o yung hindi pa nakakasali.

Nagalala naman si Jude kay Mica at ewan nya kung bakit ganito ang nararamdaman nya kay Mica na akala nya si Mike na lalaki ito! At tinatataknya sa kanyang isip na hindi sya bading at hindi sya mag kakagusto sa kapwa nya lalaki.

Natapos na silang kumain at dumeretso na sa Sparing contest. May octagon sila kaso  hindi naman ganon ka safety dahil hindi kutson ang lapag ng Octagon kundi Plywood na matibay hindi basta basta nasisira dahil makapal kahit umuuga uga.

Hindi pa nag sisimula ang labanan dahil hinihintay pa ang lahat ng kasali. Nagpunta si Octavio sa kanina kumausap sa kanya at pinalapit nya ako doon. nang makalapit ay sinabi nya na pang tatlo daw kame ng kalaban ko at tinuro nya ang  isa Matangkad, Chinito at May Medyo malaking Muscles sya si Damion Valencia. Satingin naman ni Mica kaya nya ito pero kailangan daw mag hubad ng damit para daw walang daya at kelangan naka boxer shorts. at nakiusap naman ako kay Octavio kung pwede akong nakadamit dahil sa sugat ko sa dibdib at tinanong nya na kay Keegan kung ok lang daw ang Organizer ng Sparing Contest. 

At nang bumalik kay mica ay sinabing pwede daw kaso kelangan nya munang icheck kung may sugat ba talaga kaya pinalapit ako sa organizer nila na si Keegan at pinakita ko ang benda ko na nakapulupot sa dibdib ko dahil sa sobrang higpit ay di na pinatangal ni Keegan ang Benda at pumayag na at binalalaan ako na wala syang sala kung anong mangyari sa loob. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang babae in BilibidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon