Part9:Judgement

4 0 0
                                    

Nag lakad lakad si Mica at hindi nya alam kung san sya pupunta. At meron palang nakasunod sa kanyang lalaki pero hindi ito na pansin ni Mica dahil sa pagod at gutom. at nung palapit na ang lalaki ay bigla sya netong na sunggaban at agad na nanlaban si Mica.

Gusto nyang makawala sa pag kakapit ng lalaki at dahil may alam sa martial arts si Mica ay nakawala ito at tumakbo.

Tumawag naman ng pulis ang lalaki dahil nakita na daw nya si Mike yung pumatay sa anak ng congressman. Nagmadali naman ang mga pulis dahil malaki ang pabuya kung sino ang makakahuli kay Mica.

Pagod na pagod na si Mica at gusto nya nang sumuko dahil rin sa gutom ay natumba sya at gusto nyang igalaw ang buo nyang katawan ngunit hina hina na ito. Maabutan na sya nang mga humabahol sa kanya.

Nang makalapit ang humahabol sa kanya kasama ang mga pulis ay tinutukan ito ng baril dahil na rin sa takot na may dala itong baril dahil sa pagpatay nya  sa anak ng Congressman. Pero nag kamali sila dahil walang kalaban laban si Mica at nahuli na nga nila ito at dinala sa police station.

Nang nasa Police station na ay agad na tumawag ang Hepe nila kay Congressman Salvarez. 

Sir nakita na po namin ang pumatay sa anak nyo nandito sya ngayon sa aamin istasyon. 

Agad na pumunta ang Congressman at nakita nya ang isang Binata na parang isang taong grasa dahil sa dumi at hindi ma kilala ang mukha. 

Bakit mo pinatay ang anak ko?" Tanong ng Congressman

Dahil demonyo yang anak mo!" Galit na sabi ni Mica

Gustong Sapakin ng Congressman si Mica pero nasaloob sya ng rehas. 

Alam mo ba kung anong kapalit nang ginawa mo! Makukulong ka nang habambuhay at hindi kana makakawala  dahil sa Kasalanan mo! " Congressman

Bakit kung hindi nya ako ginahasa ay hindi sana sya mamamatay! " Tugon ni Mica

Na pinag tawanan naman sya ng mga kasamahan nya sa Loob at mga pulis. Nagulat naman si congressman kung bakit sya ito ni rape eh Lalaki ito at Lalaki ang anak nito at hindi nya ito pinaghinalaan na Bakla ang kanyang anak!

Hindi Bakla ang anak ko! Sinungaling Mag kita nalang tayo sa Corte Para mapunta kana sa BIlibid para hindi kana talaga makalaya! " Tugod ng Congressman

Nagulat naman si Mica dahil Ang alam nya ay nakakatakot doon at hindi pangkaraniwang lugar dahil marami don ang katulad ni Richmond at mas malala pa doon.

Umalis na si Congressman at pinag tatawanan pa rin sya ng kasama nya sa loob ng kulungan dahil sa mga sinabi nito. 

Tabi ka dyan! " Sabi ng lalaking nasa 30+ ang edad 


At pinaalis sa gilid ng rehas at nakaupo nalang sa malamig na sahig dahil walang Kama doon at puro karton. Sanay si Mica na matulog sa sahig kaya hindi nya na ininda ang Lamig na nararamdaman nya at idagdag mo pa ang Dibdib nya na dumudugo dahil sa pag takbo.

Nagising sya dahil sa sipa ng kasamahan nya dahil may Hearing daw sya sa sa Korte at pinalabas na sya nito sa Selda. Nagulat sya ng may sumampal sa kanya ang Mama ni Richmond umiiyak ito at sinabing"

Walang hiya ka Ang bait bait ng Anak ko tapos papatayin mo lang at sasabihin mo pang nirape ka ni Richmond! " Ani ng Mama ni Richmond

Nang makapasok na sila sa loob ay pinag titinginan sya ng mga tao. Mag kasama Sila Congressman at ang Asawa nito. At nag simula na ang Hearing.

At may biglang tumayo at pinatawag sa Harap dahil ito daw ang Witness sa pag patay sa kanila anak. Nagulat naman si Mica dahil isa ito sa mga nang gahasa sa kanya at paanong sya pa ang naging witness.

Isa rin sya sa gumahasa saakin" Umiiyak na tugon ni Mica 

Pero pinatigil ito ng Judge dahil hindi pa tapos sa pag sasalita ang Witness.

Nakita ko pong Binaril ni Mike si Richmond dahil na rin sa away ni tungkol sa trabaho. Nakita ko po na Sinangi nya si Richmond sa Palengke habang papunta sa Negosyo neto at sinapak naman ni Mike si Richmond. Siguro ay matagal na nya itong pinagplanuhan dahil marami nang death threat na natatangap si Richmond at isa doon Si Mike Suarez! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang alitan nila. yon lamang po" Tugon ng Witness na kasamahan ni Richmond

 Sinungaling ka! Isang Beses ko palang nakikita si Richmond at Hindi ko sya kilala!" Mica

Hindi na niwala ang Judge dahil wala syang abogado at hindi rin alam ang sasagutin dahil ang iba sa sinabi ng Witness ay totoo.. 

Mr. Mike Suarez is Guilty for Murder Mr. Richmond Suarez ang Lifetime Imprisonment.

Umiyak si Mika dahil Oo nabaril nya ito dahil sa ginawa ni Richmond sakanya pero hindi naman tama na ikulong sya habanga buhay!


Ang babae in BilibidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon