Part 10: Imprisoned

3 0 0
                                    


Nang matapos ang Hearing ay Hinatulan sya ng Panghabangbuhay na pagkakakulong sa Bilibid. Gusto tumakas ni Mica pero maraming nakabantay at may hand cuff pa sya kaya nang paglabas nila ay nakita niya ang mga magulang neto na parang walang nangyari dahil hindi na ganon ka lungkot ang mukha nila katulad kanina. 

Hindi nalang pinansin yon ni mika at sinakay na sya sa sasakyan papuntang bilibid. Kinakabahan si Mica dahil baka doon pa malaman ang katauhan nya at gusto na nyang sabihin sa kanila na Babae sya pero natatakot sya na baka mag interesan sya nang mga ito. 

Nakarating na sila sa Bilibid at pinapasok sya sa may parang Cell at may pumasok na nakasuot na nakauniporme na parang bantay ng Bilibid.Binigyan sya nang nakakapagtaka na mukha dahil nakatitig lamang ito sa kanya. 

Matapos non lumapit ito sa kanya at binigyan ng damit na pang bilibid kulay orange. at sabi mag bihis na dahil dadalhin na nya ito kung saan sya naka assign na selda. 

Pwede bang lumabas ka muna mag bibihis lang ako! " Tugon ni Mica

Nagtaka naman ang bantay na nagbigay sakanya ng damit at lumapit ka mika 

Bakit? Nahihiya kaba parehas nalang tayong lalaki tsaka anong pag iinteresan ko dyan eh bilanggo ka naman mag bihis kana. nag mamadali nitong sabi. 

Tinangal nya ang damit nya buti nalang ay may benda ang dibdib nya na nag taka naman ang bantay.

Bakit ka may benda sa dibdib? " Bantay

Aa Ee.. May sugat kase ako sa Dibdid. " Mica

Nakita nya na may dugo ang Dibdib nito tatangalin na nya sana ang benda ng pigilan ito ni Mica.

Wag na ako na mag lilinis neto sa loob." Mica

Ang arte mo naman bilisan mo na nga yung pag bihis mo yung short nya ay yon padin hindi na sya nag palit dahil wala rin naman itong damit bambaba. 

Nang matapos syang magbihis ay lumakad na sila papunta kung saan building sya maaasign. 

Malaki ang Bilibid pero maraming mga nakakatakot na titig na akala mo kakainin ka nila ng buhay.

Naglakad lang si Mika at nang iwan sya nito sa isang Lalaking Kalbo na malaki ang katawan at maraming tattoo.

Oh! Iwan ko na to sayo Tabio. " Sabi nang naghatid sakin dito.

Tinignan ko lang sya nang nito at pinagmasdan mabuti at nakikita nyang hindi pangkaraniwan ang mukha nya pero parang nakakatapos ang titig dahil ang dilim ng pagkatao ni Mica.

Hindi pinag halata ni Mica na natatakot sya dahil alam nyang kaya naman nya ang sarili kaso sa dami nila ay baka mas maaga syang mamatay dahil ang lalaki ng katawan at malalaki pa. 

Anong pangalan mo! " tanong ni tabio 

na hindi naman sinagot ni Mica at tinitigan lang sya ng matalim. Nang hindi sumagot ay tumawa lang ito nang nakakaloko at sasapakin na sana ito nang makaiwas si Mica. Nagulat naman ang kasamahan nito at susugurin na sana may dumating. 

Base sa Appearance nito ay malaki rin ang katawan at masmalaki pa  kay tabio at marami ding tattoo pero mag kaiba kay Tabio. Lumapit ito sakin at sinabi kay Tabio.

Akin na to ako nang bahala dito! " Sabi nung lalaki nasa 40+ na ang edad

Natakot naman si Tabio at sinabing Sige po Boss

Nang ibigay naman sakanya nito ay sa Boss naman neto ito nakatingin nang napakatalas na akala mo ay kakainin na nang buhay.

hindi naman nagtaka ang Boss nila at pinasunod ito kung saan sya pupunta. naglakad na at sumunod naman si Mica pero ganun pa din ang expresion ng mukha nya na parang ang cold at hindi ipapahalata na natatakot sya. 

Nakarating na sila sa loob nang selda at nakikita ko na nasa 12 sila na nakahiga yung iba ay nakaupo  at may apat  double deck na higaaan na kasya ang dalawang tao sa isang higaan. Bigla naman nagtaka ang mga tao sa loob at napabaligwas nang dumating ang Boss nila at may kasama.

Sino yan Boss?" Tanong nung isang lalaki na nakatayo na

Mag pa kilala ka ! " Sabi naman ng Boss nila

Nag pakilala naman si Mica na sa malamig na boses na parang walang takot.

Mike! " Tipid netong sambit

Anong Kaso mo? " Tanong naman ng isang preso

Hindi sumagot si Mica dahil hindi naman talaga nya intensyong patayin si Richmond.

At nang hindi makasagot si Mica ay Biglang nag salita ang Boss at sya na ang nagsalita.

Murder ang kaso nya at hindi lang simpleng tao ang pinatay nya dahil anak ito ng Congressman na si Zaldy Salvarez! Si Richmond Salvarez!" Sabi ng boss nila

Gulat naman sila dahil hindi naman talaga basta basta si Richmond dahil isa ito sa mga pinakamakapangyarihan at maipluyensyang tao sa Maynila, Hindi makapaniwala ang mga tao sa seldang yon sa sinabi ng Boss nila, na baka nag kamali lang ito na nasagap na impormasyon. 

Pero nung makita nya ang nasaibaba na yung reason ay nirape sya nito ay hindi na sinabi ng boss nila dahil mas lalong hindi sila maniniwala. At tinanong ng Boss nila kung bakit ko daw pinatay si Richmond. Hindi ulit sumagot si Mica at parang aalis na sya sa lugar na yon nang pigilan sya nang mga ito.

Saan ka pupunta?" Tugon ng Boss nila

Magpapahangin lang masama ba?" Malamig netong boses

Halos magulat ang tao sa loob dahil nasasagot sagot nya ang boss nila nang ganon ganon lang walang respeto mukhang kelangan maturuan nang leksyon ang taong to aa! sagot ng isang preso

Susugod na sana ito nang pigilan ng Boss nila!

Bakit Boss Octavio eh binabastos kana eh. " Daing ang isang preso.

Ngumisi lang si Octavio dahil alam nya na hindi madali ang buhay dito at kelangan nyang maging matibay.

Aalis na sana sya ng pigilan ng isang Binatang kasing ideran nya lang at bigla syang sinapak sa mukha hindi naman napansin si Octavio ang ginawa ng Binata at napatingin lang ito sa lalaki.

Nagulat si Mica pero hindi sya nag pakita nang emosyon at tinitigan lang ito nang matalim. parang may paglalaban sa pagitan nang dalawa dahil sa tinginang parang nag aaway sa utak na kung nakamamatay lang ang titig ay may patay nang isa.

Nag punas nag dugo sa labi si Mica at nginisian ang Binata.

Jude! bakit mo sinapak diba pinigilan na tayo ni Boss Octavio tinuloy mo pa! " Sabi nang kasamahan nya.

Narinig ni Mica na ang pangalan ng binata ay Jude pero hindi nya ito pinansin dahin imposibleng mapunta dito ito dahil hindi naman sya mamamatay tao at oo mag nanakaw sya kaso imposible talaga na mapunta sya dito kahit matagal nya ay naaalala nya parin ay nakilala nya sa lansangan nung bata pa sila at malayo malayo na Jude ngayon. Napakacommon naman ng pangalan na yon kaya hindi nalang nya ito pinansin.

Natigil lang ang Titigan nila nang magsalita si Octavio!

Mike Doon ma tutulog sa tabi ni Jude dahil yon nalang ang bakante dito.!

Nagali naman si Jude dahil ayaw nitong may katabi matulog at hindi sya sanay! dahil sya lang mag isa sa kama sa double deck sa taas ay hindi pumayag si jude at sabi sa sahig na lamang ito matulog!


Ang babae in BilibidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon