Nang Bumalik na si Mica sa Selda nya ay nakatingin lang ang mga kasamahan nito sa kanya dahil ibang-iba na sya katulad kanina. dahil naligo ito nawala na yung itim itim sa mukha nya at hindi na sya mukhang taong grase at maputi ito. at dahil basa ang buhok ay medyo lumugay at hindi nila alam kung babae ba ang nasa harap nila dahil ang ganda neto bilang isang lalaki.
Lumapit yung Boss nilla na si Octavio at tinanong kung saan sya nag punta kanina at kung bakit nakaaway si Tabio na sinapak ni Jude.
Naglibot lang." Tipid nitong sagot.
at dumeretso na sa kung saan ang pwesto nya. nakita ni jude na basa ang short ni Mica dahil hindi nya hinubad kanina kaya pinahiram nito ito.
OH! " Padabog nyang bigay
Kinuha ni Mica at lalabas ulit sana sya nang pigilan.
Saan ka pupunta?" Tanong ni jude
Sa CR." tugon nito
Bakit pupunta kapang CR ee pare parehas naman tayong lalaki dito lalayo kapa baka mamaya mapagtripan ka pa dyan tignan mo istsura mo baka pagkamalan ka pa dyan." Jude
Hindi yan!" Tipid na sagot ni Mica at palabas na sya nang sundan ulit ni Jude
Natapos na nang mag bihis ng short ni Mica pero bakit parang may iba sa kanya ang kinis ng mukha at yung legs walang balahibo! bakla ba to? sabi nya nasa lansangan daw sya naka tira pero bakit ganyan.
Pabalik na sana sila nang mag salita si Mica
Bakit ang bait mo ata sakin ngayon? Kanina ang sungit mo tapos ngayon sunod ka ng sunod Crush moko no?" Mica
Huh? Hindi hindi ako mag kakagusto ka kapwa ko lalaki no. baka ikaw yung bakla kase ang kinis ng balat mo tapos mukha ka pang babae." taranta netong pag sabi
Tss" Sagot nalang ni Mica
Pumasok sila sa loob at nakita na matutulog na dahil may gagawin daw sila bukas at kelangann maaga magising.
San ka matutulog bat di ka pa umaayak?" Tanong ni jude
Sa Sahig diba sabi mo ayaw mo ng katabi. Ee Ayaw ko din ng katabi edi dito nalang ako!" Sagot nya
Sige na dito ka na!" pag yaya ni jude
Pero ayaw naman ni Mica dahil babae ito at makulit matulog itong si Mica kaya nag latag nalang sya ng Karton at sa sahig na natulog nang bigla syang buhatin ni Jude papuntang higaan nila.
Ang gaan mo naman kumakain kaba? " tanong ni jude
Hindi na sumagot si Mica at natulog nalang katabi si Jude. Hindi sya makatulog dahil sa hilik ng mga kasamahan nito at katabi nya pa ay lalaki. hindi mapakali si Mica at tumayo nalang at lumabas saglit.
Tahimik at halos lahat nag preso ay tulog na ay meron sa may itaas ng haligi ng bilibid ay may bantay na palakad lakad. bawal palang lumabas ang mga preso pag ganitong oras na bigla nyang naalala ang nasabi ni boss nila na si Octavio.
Kaya patago syang lumabas at natulog sa may mataas na bahagi ng building at doon na nag pahinga nalang sya hindi sya nakikita doon dahil may harang na water tank kaya hindi sya nakikita nag gwardia doon. tumingala nalang si Mica sa Langit at nakita nya nanapakaraming bituin at naisip nya ang mga magulang nya nung bata pa sya ay lagi silang nag sstar gazing at hindi na pigilan mapaluha ni Mica dahil sa pag ka ulila nya sa kanyang mga magulang.
Nagising nalang sya nang Biglang may nag gising sa kanya si Jude! dahil kanina pa nya hinahap si Mica dahil may gagawin nga sila ng kasamahan nya sa selda.
Gising! Bakit ka dito na tutulog buti walang naka huli sayo" Tugon ni Jude
Aa Ee.. Hindi kasi ako makatulog sa loob" Tugon nya
Bahala ka nga dyan! Tara na hinahanap kana ni Boss Octavio!
Sumunod naman si Mica sa kanya at nung nasa selda na sila ay ang sama ng tingin ni Octavio kay Mica dahil hindi ito nakinig sa kanyang sinabi kahapon.
Anong sabi ko sayo kahapon? Diba sabi ko bawal lumabas dito sa selda ng ganong oras!" Galit lng sabi kay Mica
Hindi naman nakasagot si Mica kay Octavio at dahil doon ay lumapit si Octavio kay Mica at hahampasin na sana sya ni Octavio sa Dibdib nang pinigilan ni Jude
Huwag Dyan! May sugat si Mike dyan!" Tugon ni Jude
Taka namang tinignan ni Octavio si Jude dahil nagbago bigla ang pakikitungo nito sa kanya, Maging mga kasamahan sya ay nagtaka dahil hindi naman ganon ang ugali nito at walang pakialam sa paligin.
Tinignan naman ni Octavio ang Dibdib ni Mica at napansing may Plaster ito sa kanyang dibdib.
Pwede ko bang makita ang sugat mo? Tanong ni Octavio
Hindi nya pwede ipakita sa kanila dahil mahahalata nila ang umbok nito kahit na may paso ito.
Hindi! masakit kasi pag tatangalin kakapalit ko lang kahapon" Sagot ni Mica
O Sige. Pwede bang mag hubad ka ng damit mo sa itaas para makita ko kung ayos lang ang paglagay mo ng benda sa iyong dibdib.
Dahil sa kakulitan ay Tinangal ni Mica ang kanyang damit at nakita nila na napaka sexy neto at hindi mo aakalain na lalaki ito at dahil nakaipit ang benda sa kayang dibdib ay mukha itong lalaki pero nag taka si Octavio kung bakit sobrang higpit ng pag kakapulupot sa dibdib nya at hindi na sumagot si Mica at Sinuot ulit ang kanyang damit.
Nang matapos ang usapan ay lumabas na sila at sila ang naatasan na mag durog ng bato kaya isa isa silang merong mga maso ay dudurugin nila ang mga malalaking bato at ilalagay sa imbakan para mabenta.
Buti na lamang kahit ang payat ni Mico ay kaya nyang mag buhat dahil na rin sa training nya dati sa Base nila sa Pier at Nag bubuhat sya ng Isda sa Palengke.
Nagulat naman sila dahil kahit payat ay parang isang laruan lang kung buhatin ni Mica ang Maso at dahil sa init ay nag pahinga sila at pumunta sa Canteen para kumain.
Nang pag pasok nila ay doon na nila nakita ang mga preso sa iba't ibang selda, may yung mga iba't ibang grupo at mga nakakatakot na tingin. napansin nila nag may bagong salta dito sa Bilibid at si Mico iyon. nabalitaan nila kahapon at ngayon lang nila ito nakita at masasabi nilang isa itong mahina dahil sa payat pero ang titig nya ay napaka dilim at kung nakamamatay lang ang titig ay may natumba na.
Nang makaupo sila ay kumuha na sila ng isa isa nilang mga plato at pumunta sa nag bibigay ng pagkain. nang makakain ay parang isang patay gutom si Mica dahil sa pagkain, at hindi na ito kinagulat ni Octavio dahil pagdating nito kahapon ay hindi pa sila kumakain kaya mabilis nyang naubos ang pagkain nya at tila nabitin pa sya dahil nakatingin sa mga kumakain at dun sa nag bibigay ng pagkain.
Oh Ito sayo nalang! Tugon ni Octavio
Tinignan sya ng mga kasamahan at nag taka kung bakit binigyan nya ulit ito ng pagkain at kinuha naman ni Mica ang pagkain at kinain nang napakabilis.
Dahan dahan lang baka mabulunan ka!" Sagot ng kasamahan nya na si Diego
At nung natapos na sila sa pagkain ay Biglang may pumunta kay Octavio na parang isa ring Leader at biglang tumingin sakin nang napaka talim at tinaliman rin nya ang pag titig dito.
nang maalis sa kanyang titig ang Leader ay kinausap nya si Octavio kung sino ang bagong salta
Si Mike Murder ang kaso nya" Tugon ni Octavio
Ngumisi naman ang Parang Leader nila kay Mica Tsaka sila umalis.
Sino yon? Tanong ni Mica sa kanila
Si Bartolome Leader ng Kabilang Grupo. ang sama nga nang titig sayo mag ingat ka dahil hindi sila basta basta. "Sagot ni Fidel
umalis na sila at nagpatuloy sa pag tratrabaho upang mag ka pera OO.. kailangan ng pera sa bilibid dahil limitado lang ang pagkaing binibigay nila sayo kaya kung malakas kang kumain at wala kang pera titiisin mo nalang ang gutom mo at hihintayin na mag pakain ulit sila.
Maraming trabaho dito sa bilibid at kung matapang ka ay may Sparing Contest sila dito Kung manalo ka edi may 10,000 ka kung matalo ka wala kang matatangap o Mamamatay ka dahil patayan o baldaduhan pag natalo bawal sumuko once nakapasok kana sa loob ng octagon.
sabi ni Fidel sakin Sya lang yung naging close ko dito bukod kay Jude kasi sya lang naman ang kumakausap sakin. pag iisip ni Mica.
BINABASA MO ANG
Ang babae in Bilibid
ActionAng babae sa Bilibid Nakakasulasok Puro away Maraming Gustong tumakas ngunit di nagtagumpay at namatay Ang kwentong ito ay tukol sa isang babae na tatawagin natin Mike/Mica Suarez 21 years old at walang tirahan dahil namatay ang kanyang mga magulan...