Part 11: Rivalry

3 0 0
                                    

Lumabas si Mike nang hindi lumilingon sa likod kahit tinawag sya nang maga kasamahan nya sa loob ng selda. 

Hayaan mo na sya. " tugon ni Octavio. Na nakatingin kay Mike at napapasin nyang pang payat neto at parang hindi isang lalaki dahil wala itong balahibo sa binti at  walang adam's apple na meron ang lahat ng lalaki. pero hindi na nya ito pinansin dahil malakas ito at kung babae man ay hindi papasok dito sa loob ng bilanguan.

Napansin ni Mica na malaki ang Bilibidn at meron pang Sports Complex sa loob at mga sari sari store. at may nag tetenis at halos lahat ng tingin ng tao ay nasa kanya  dahil bago lang ito at sya lang ang taong nag gagala sa lugar na iyon. 

Pumunta sya sa may Basketball Court at umupo sa gilid walang onti lang ang nanunuod dahil ang init at hindi pa covered yung court kaya yung mga may kaya lang tiisin ang init ang nandoon at isa na sya don.

Dahil laki sa lansangan ay hindi nya inda ang init na pinapanuod lang nya ito. Marunong mag basketball si Mica dahil nung bata pa sya doon sa Base nila Kila Master Siriani ay nag lalaro sila nito. Nang matapos sila ay aalis na sana si Mica nang may tumawag sa kanya.

Utoy! Ngayon ko lang nakita ang pag mumukha mo ikaw ba yung bagong salta dito?" Tanong nang isang Lalaki na sa tingin nya ay nasa 30+ ang Edad. 

Oo" tipid nitong sagot

Anong Pangalan mo?" tanong nang lalaki

Mike" pansin nitong tinitigan sya nang matagal at nag salita ulit sya. 

Alis na ko!" malamig nitong boses

Sandali! pag pigil ng lalaki, Ako nga pala si Fredrick!" 

Tumango nalang si Mica nang sabihin na maglaro sila nang Basketball.

Hindi naman tumangi si Mica at sumali na sa laro nila.

nag 1 on 1 sila at natalo ni Mica si Fredrick 2-1 nang mapagod si Mica ay nag paalam na ito kay fredrick at tinong kung anong Selda nya 312-F ang akin sabi ni Fredrick

152-A Sabi naman ni Mica na ikinagulat ni Fredrick dahil hindi basta basta ang nasaloob nang selda na iyon. napaisip nalang si Fredrick na siguro malakas ito.

Nang pabalik na si Mica sa Selda nya dahil mag hahapon na ay biglang may humarang sa dinadaanan nya at nakita nya yung kanina malaking katawan na maraming tattoo. Tinignan ito na matalim at napangisi ang Lalaki. 

Boss Tabio diba sya yung kanina yung binigay satin nang jail guard! " tugon ng kasama nya

Oo kaso kay Octavio na yan ee.. " Tabio

Hindi nalang pinansin Mica at Biglang sabi

Bastos kaba kinakausap ka pa namin! wag mong sabihing porket nandon kana kila Octavio eh matatakot na ko sayo!" Tabio

Hinawakan nang magkabilang braso si Mica nang mga kasamahan nito kaya hindi makapalag si Mica. Sinuntok sya nito sa mukha at sa katawan. Dumugo naman agad ang dibdib nya dahil apat na araw palang nung mangyari ang sugat nya sa dibdib. Napapaiyak na si Mica dahil sa sakit at hapdi na nararamdaman ngunit kailangan nyang tiisin yon. 

Buti na lamang ay Lumabas si Jude para mag pahangin nang makita nya ang isang preso na binubogbog nila Tabio napangisi nalang ito at pupuntahan dahil may bago nanaman silang napagdiskitahan. Nagulat sya nang makita si Mike yung bagong preso na kasama nya sa selda.

Agad na nag salita si Jude

Bitawan nyo sya! Alam nyo ba na kay Octavio yan?!" Tugon ni Jude na Sinapak agad si Tabio at napalumpasay sa lupa. Malakas si Jude at mabilis agad na binitawan ng kasamahan ni Tabio si Mica para tulungan ang Boss nila pero. At napahiga naman sa sakit si Mica dahil sa Sobrang sakit dahil Dumudugo ang dibdib neto.

Nagtaka naman si Jude kung Balik dumugo agad ang Dibdib neto eh sinapak lang naman sya neto akala ko tuloy ay may panaksak sila Tabio. 

Nasaan ang panaksak nyo bakit nyo duguan ang isang to!" Jude

Wala kaming kutsilyo nung sinapak ni tabio biglang dumugo na! " Sabi nang kasamahan ni Tabio

Bubuhatin na sana ni Jude si Mica para dalhin sa clinic nang Bigla nitong pigilan.

Wag na! Bitawan Arhg! Ako.. "Tugod ni Mica

Binitawan naman ito ni Jude, at nag lalakad na si Mika papuntang CR. Nagtaka naman si Jude kung bakit sa CR ito pa punta dapat sa Clinic Ayaw naman ni Mica na pumuntang clinic dahil malalaman nila na babae talaga ito dahil papahubarin ito nang mga ito.

Pumunta nalang ito sa CR at dahil sir ang Lock ay hinarang nya ang kanyang sarili sa pintuan at tinangal ang damit. 

Hindi alam ni Mica na nakasunod pala si Jude kaya kumatok ito at tinulak ang pinto.

Wag kanang pumasok kaya ko na to!" Pag mamatigas neto na boses kahit hirap na ito dahil sa sakit.

At nang wala na syang magawa dahil sa kakulitan nito tumambad sa kanya ang isang dibdib na may paso at sa tingin nito ay sobrang impeksyon na! Hindi naman na tigilan ni Jude tignan ang sugat dahil puro itim ito na may kasamang dugo dahil ilang araw na sya sa lansangan at hindi pa nalillinisan. Pumunta nang clinic si Jude at agad kinuha ang pang linis nang sugat at bumalik sa CR kung nasan si Mica.

Binabasa na ni Mica ang Sugat nya ay halos pa maiyak na sya sa hapdi. kahit nakahubad ay hindi mo mahahalata ang umbok ng kanyang dibdib dahil natatabunan ito ng dugo kaya nung pumasok si Jude ay hindi sya nag taka at hinarap ito sa kanya. 

Nang sabihin ni Jude na Hubarin din ang Short nito para makaligo na rin dahil ang Bago na neto at hindi pa naliligo nang ilang araw. Hindi naman pumayag si Mica at hinayaan na mabasa ang nag iisa nyang short dahil wala syang mga damit.

Hinayaan nalang ito ni Jude at binuhusan nya ng tubig at napapangiwi naman sa sakit si Mica pero tiniis nya para hindi gumawa nang ingay. nang matapos ay nilinisan na ni jude ang sugat ni Mica sa dibdib at may dalang plaster na bago si Jude. dahil na rin nawala na ang dugo sa dibdib nya ay agad syang tumalikod para hindi makita ni jude ang hinaharap nya dahil meron parin ito.

Akin na yung panlinis ako na mag lilinis neto!" tugon ni Mica

Ako na! " Jude

Ako na sabi! Salamat nalang dito pwede kana bumalik doon at wag ka maingay na nandito ako sa CR at yung nakita mo!" Tugon nito

Hindi nalang pinakialaman ni Jude at umalis nalang sa CR at iniwan nya doon si Mica. Napapaisip tuloy sya kung bakit ito tumalikod at nag isip na sya nalang gagawa non eh kinina hirap na hirap sya. nag hihinala na tuloy ito kung ano bang tinatago neto nahihiya ba sya sa sugat nya? tanong nalang sa isip ni Jude.


Ang babae in BilibidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon