Chapter 28

2.1K 7 0
                                    

Totoo ba ang naririnig ni Eunice,, napakasarap pakingan ng mga salitang binitawan ni Patrick..Pero hindi na ganun ka simple ang lahat ..Bakit sa isang iglap kaharap nya ngayon ang lalaking minamahal at nagtatapat ng tunay na nararamdaman nito na parang sila lang ang tao sa mundo..Halo halo ang emosyon na nararamdaman nya..Hindi nya magawang tugunan ang kaharap tila naubos na ang konting lakas na meron sya gusto na nyang maglaho sa oras na yon..gusto na nyang tumakbo papalayo at takasan ang hindi inaasahang sitwasyon..

Pero bakit hindi man lang sya makagalaw sa kinatatayuan......parang may kung anong dahilan na hindi nya magawang umalis papalayo...Alam nya naghihintay lamang ng kasagutan ang binata...Paano nya ito masasagot ni hindi nga nya magawang tumingin dito at hanggang nagayon ay patuloy pa rin ang kanyang pagluha......pakiramdam nya wala na itong katapusan..

"Eunice....Pinagsisisihan ko ang araw na pinakawalan ko dahil sa pagaakala ko na puro galit lang ang nararamdaman ko sayo dahil sa pagpapangap mo.....then as time goes by sinasabi ng puso ko na mahal kita hindi bilang Lorraine kundi bilang Eunice...Totoo Eunice...Ikaw lang ang hinahanap hanap ng puso ko all this time....Pero naduwag akong ipaglaban ka dahil natatakot ako na sa pangalawang pagkakataon ay masaktan mo muli ako....Na mahirap para sakin na muli kang pagkatiwalaan kaya tinuruan ko ang sarili ko kalimutan ka pero nung akala kong nakalimutan na kita then bumalik ka na si Derek na ang mahal mo para akong pinatay..gustong gusto kita agawin sa kapatid ko....Pero ngayon ko lang nakita na sobrang saya ni Derek at alam ko ikaw ang nagbibigay ng kasiyahan na yon hindi ko yata kayang ipagkait ang kaligayahan na minsan lamang naramdaman ng kapatid ko...."pahayag ni Patrick...

" Tama na!!" sigaw ni Eunice....gustong gusto na nya yakapin si Patrick at sabihin na mahal nya na rin ito pero hindi na pwede..kaya inawat nya na lang ito magsalita baka hindi pa nya mapigilan ang sarili nya......Ngayon ay nakatingin na sya sa binata....halos matunaw na sya sa mga titg nito bakas sa mga mata nito ang sinseridad.......

"I dont have any intention to ruin your relationship....dahil alam kong sya na ang para sayo...sinasabi ko lang ang matagal ng nakukulong sa puso ko....gusto ko lang palayain ang nararamdamn ko para tuluyan na rin ako maka pag move on kasama si Sabrina at ikaw kasama ang kapatid ko....Maging ok ang lahat na wala ng itinatago pa.."patuloy pa rin nI Patrick

" Gusto mo palang mabuhay kasama si Sabrina bakit nagagawa mo syang lokohin nandito ka kasama ang ibang babae gayong malapit na kayong ikasal ni Sabrina..tapos sasabihin mong mahal mo ako..Wag na nga tayong maglokohan Patrick..Alam kong may kasalanan ako sayo and I thank you for forgiving me pero please stop playing games atleast once magpakatototoo nman tayo..Tama ka masaya na ako with your brother at ikaw hindi alam kung ano na talaga kayo ni Sab dahil nagagawa mo syang lokohin...And sana hindi mo na lang sinabi yung kanina dahil mas lalo mo pang pinagulo ang lahat........"hindi alam ni Eunice kung bakit lumabas ang mga salitang yon mula sa bibig nya.....ang magpakatotoo gayong sya namn ang punong puno ng pagpapangap..At si Sabrina ba talaga ang concerned nya nung makita nya na may kasamang babae si Patrick o pinagtatakpan lang nya ang sarili nya na sa totoo lang sya namn talaga ang nasasaktan.....Ayaw nyang magpakita ng kahit anong emosyon sa kaharap ang gusto nya ipamukha dito na imposible na para sa kanila ang lahat..

" Sinabi ko kanina na mahal kita.........magugulo lang namn ang lahat kung sasabihin mong mahal mo pa rin ako......O minahal mo ba talaga ako gaya nung sinabi mo nung araw na matuklasan ko lahat ng kasinungalingan mo....kaya wala ka dapat ipagalala Eunice,,I know where I stand hindi namn para makipagagawan pa ako sa kapatid ko......At yung sa kanina na nakita mo it doesnt mean anything wala akong babae she's just a close friend of mine nagkataon lang na nasa bar din sya....At kung may babae ako bakit nandito ako in front of you......"paliwanag ni Patrick...

Gustong gusto na sabihin ni Eunice na totoo lahat ng kanyang sinabi three yrs ago pero gaya ng sabi nya lalo lang magugulo ang lahat kaya mas mabuti pa paniwalain na lamang si Patrick na wala syang nararamdaman para dito..

"oo tama ka..akala ko mahal kita pero hindi pala masyado lang ako nadala ng sitwasyon....Im sorry sa lahat ng kasinungalingan Patrick......."sabi ni Eunice...pinilit nyang maging malakas para madali nyang mapaniwala si Patrick pero deep inside parang sasabog na ang puso nya..gisto na nyang matapos ang paguusap nila hinang hina na sya.....Tanging dasl nya na sana any mapaniwala nya ang binata......Gagawin nya ito dahil ayaw nyang saktan si Derek kahit alam naman nito na si Patrick pa rin ang mahal nya.....Ayaw naman nya ipamukha dito ang katotohanan..

Hindi tumugon si Patrick.........parang bibibiyak ng unti unti ang kanyang puso dahil may part pa din na kahit paano ay umasa sya na minahal din sya ni Eunice,,Pero ngayon na sa misming bibig nito na nanggaling ang lahat feeling nya ito na ang pinakamsakit sa lahat.......

Doon na nakakuha ng pagkakataong makaalis si Eunice.....halos manlabo na ang kanyang mga mata dahil sa luha..tumakbo sya papalayo pero kusa rin nanghina ang kanyang mga tuhod at napatigil na lamang sya sa pero sinigurado nya na wala na sya sa paningin ni Patrick at doon kumawala ang lahat ng sakit na kanina pa naiipon sa kanyang puso..

"Ikaw lang ang lalaking minahal ko ng ganito Patrick..kung alam mo lang kung gaano ko kagstong sabihin sayo ang totoo..pero hindi ko magagawang dagdagan pa ang panloloko ko kay Derek..Hindi ko kayang paulit ulit syang saktan kaya handa akong ako na lang ang masaktan"sigaw ng kanyang isipan.......patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata

"ahhhhhhhhhh"sigaw ni Patrick ng makarating na sya sa tinutuluyang kwarto

"Bakit hindi kita magawang kalimutan Eunice........."sigaw pa din nya....lumuluha na rin sya.....

Paano makakayanan ng dalawa ang sakit na dulot ng pag ibig? Paano mababago ang buhay ni Eunice gayong natuklasan nya na minamahal pa din sya ng lalaking iniibig..Hanggang kailan nya maitatago ang tunay na nararamdaman para kay Patrick..Hanggang kailann nya kayang panindigan ang pangakong hindi nya sasaktan si Derek....Kaya ba nyang habang buhay isakripisyo ang sarili nyang kaligayahan para lamang sa ikakatahimik ng lahat....At si Patrick handa na ba syang panindigan si Sabrina at magpatali dito habang buhay kahit ang tanging nilalaman ng puso nya ay ang babaeng pinakamamahal ng kapatid,,,,,,na si Derek ...Si Derek na wala ring ginawa kundi ang mahalin ng buong buo si Eunice,,paano kung malaman nito na ang matindi nyang karibal sa dalaga ay nagmamahal din dito ng lubos.....Handa ba nilang sirain ang pagiging magkapatid nila para lamang sa parehong babaeng tinitibok  ng kanilang maga puso....

Saan hahantong ang sanga sangang pagibig ng bawat isa? May handa bang magparaya o ipapaglaban pa rin ang tunay na minamahal?

~ theres a lot of revealations pa.....

 madami pa ring questions na aabangan ang kasagutan in my following chapter

Tuloy pa rin kaya ang kasalang Sabrina at Patrick?

At may isang pangyayari sa buhay ni Sabrina ang makakapagpabago ng lahat at ano ang magiging koneksyon ni Eunice sa malaking kaganapan na ito sa buhay ni Sab?

Hmmmm..Lets wait and see...

Ur comments and suggestions is very much appreciated..........

~done

forever in my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon