Chapter 29

2.1K 5 0
                                    

Nagising si Eunice na tila panaghinip lang ang nangyari kagabi...sana nga panaghinip lang para hindi ganito ang nararamdaman nyang sakit..Hanggang ngayon ay nararamdaman paa rin nya lahat...

Bigla na lamang syang bumangon ng maalala na ngayon ang unang araw ng kanyang medical mission kailangan muna nya isantabi ang personal na buhay at gampanan ang kanyang tungkulin bilang doktor.kagad syang nag ayos ng sarili na mumugto pa rin ang kanyang mga mata dahil sa walang tigil na pagiyak kagabi...pero binalewala nya yun kinuha na lamang nya ang kanyang shades para kahit paano maitago ang bakas ng sakit na ngayon ay nararamdaman pa rin nya.

"Doktora Sarmiento"tawag sa kanya ng isang babae na tumayo sa pagkakaupo na naghihintay sa loby ng nasabing hotel..Ngumiti lang sya ito siguro yung sinabi sa kanya ng kanyang sekretarya na mag aasistsa kanya sa lugar dahil sa totoo lang wala naman syang alam dito...

Lumapit sa kanya ang babae na sa tingin nya ay nasa kwarenta na pataas.medyo may katabaan ito pero napaka aliwalas naman ng kanyang aura.

"Ako nga si Dra. Sarmiento buti naman nakilala mo ako"

"Opo,itinuro po kayo ng receptionist,,akonga po pala si Tilde yung binilinan ni Mayor na magassist sa inyo dito.."pagpapakilala ng babae..

"Maraming salamat po Aling Tilde...."

"KAmi nga po dapat ang magpasalamat dahil ang aming lugar ang napili nyong puntahan panigurado po ako na marami po sa mga kababayan ko ang matutuwa dahil may sikat na Dra ang dumayo pa sa napaka layong lugar na ito para lamang mag abot ng tulong"pahayag ng ginang

"Hanggang sa kaya ko po masaya po akong maglilingkod sa lubos na nangangailangan ng tulong"nakangiting tugon ng Doktora..

May sariling sasakyan na iprinovide para kay Eunice .... kaagad muna silang dumeretso sa cityhall para makaharap ng kilalang doctora ang Mayor ng San Isidro...Dito rin kasi gaganapin ang medical mission..

"Pasensya na Dra. May ka meeting pa si Mayor..yung sikat at kilalang arkitekto yung si Patrick Eusebio.."balita ni Aling Tilde kay Eunice ng pumasok ito sa opisina ng mayor para ipaalam na nandito na si Dra Sarmiento...

TAma ba ang narinig ni Eunice nasa loob ng opisina ni Mayor si Patrick..Hindi sya halos makapaniwala na parang sinsadya ang lahat..Bakit lagi silang gustong pagtagpuin ng tadhana..

Huminga sya ng malalim hindi pwedeng maapektuhan ang kanyang pagpaparito sa San Isidro dahil lamang kay Patrick..nagkausap na sila kagabi at natuldukan na ang lahat...

"DRA. Ok lang ba kayo?"napansin ni Aling Tilde ang pananahimik ni Eunice...

"Patrick Eusebio?Bakit sya nakikipagmeeting kay Mayor?"hindi mapigilan ni Eunice ang magusisa kahapon pa palaisipan kay Eunice kung anong ginagawa dito ni Patrick...

"Hindi ko po alam Dra..."

"Pinatatawag na po kayo ni Mayor"sabi ng sekretarya ng alkalde..

Hinanap ng mga mata ni Eunice si Patrick wala namang lumalabas na Patrick mula sa pinto ng opisina ni Mayor..Naisip na lamang ni Eunicena baka may ibang daan palabas dito..

"Welcome to San Isidro Dra Eunice Sarmiento"bati ng mayor sa dalaga sabay abot nito ng kanyang kamay kaagad namang tinugunan ni Eunice ang pakikipag kamay ng Mayor..

"Thank you for giving me this one of a kind oppurtunity to help the people who's in need here in your province Mayor Castillo"pasasalamat ni Eunice

"Don't say thank you hija..Kami dapat ang magpasalamat sa pagpayag mo sa invitation namin na magsagawa ng medical mission dito sa aming lugar...At lalo pa kitang nakilala hindi lamang being known as thd most successful ob gyne in this country kundi sa totoong pagmamalasakit mo sa ibang tao at ang kabutihan ng iyong puso sa mga nangangailangan and its all because of my favorite inaanak Patrick Eusebio"

Nablanko si Eunice parang tumigil ang ikot ng mundo sa kanya....wala syang maintindihan.Anong kinalaman ni Patrick sa lahat ng ito..planado ba lahat to...gusto na namang tumulo ng kanyang luha. ..pero kailangan nyang pigilan ang mga ito..

"OH Patrick..ikaw na ang bahalang umalalay kay Dra. Sarmiento nasabi mo ngang matagal na kayong magkakilala....At ikaw din nag kwento sakin ng lahat tungkol sa kanya sa kabaitan at kabutihan nya para sa nangangailangan kaya hindi ako nagdalawang isip na imbitahan sya"bilin ni Mayor Castillo sa binata na kakalabas lang mula sa banyo ng opisina.

Gusto ng sumabog ni Eunice..Ano bang intensyon ni Patrick kung bakit nya ginagawa ang lahat ng ito..?

"Sure Ninong....akong bahala kay Dra..."nakangiting tugon ni Patrick

"Good..So paano I have to go ..Dra don't worry provided na ng munisipyo ang lahat ng kakailanganin mo marami na rin kaming nakuhang volunteer nurses and iba pang doctors na makakatulong sayo...Once again thank you for the time despite of your busy schedule..."

"Your welcome Mayor..Masaya rin po akong pagsilbihan ang mga tao dito"

Aalis na rin sana si Eunice kasunod ni Mayor pero kaagad syang pinigilan ni Patrick

" Plano mo ba lahat ng ito Patrick? Kaya pala feeling ko lahat ng nangyayari parang sinasadya simula pa kagabi" nanginginig na boses na sambit ni Eunice

"Oo Eunice...dahil gusto kita makasama"

"That's bullshit Patrick...eh ano yung usapan natin kagabi na sinabi mo wala kang intensyon na sirain kami ni Derek...Ano ba sa tingin mo ginagawa mo huh?"

"Ang gusto ko lang ay makasama ka Eunice kahit sa sandaling panahon.ang hindi ka mawalay sa paningin ko ang maramdaman ko yung presence mo...na alam kong nandyan ka. .dahil once na bumalik na tayo sa Manila babalik na rin ako sa realidad na hindi ka talaga sakin..So please hayaan mo naman ako ngayon lang maging masaya ako dahil nandyan ka na walang Sabrina or Derek na humadlang....hayaan mo na kahit sa pangarap lang isipin ko na akin ka"

"Naririnig mo ba kung anong sinasabi mo? Kahit saan man tayong parte ng mundo hindi natin matatakasan ang realidad na may Derek na ako at ikakasal ka na kay Sab..So please wag mo na pahirapan ang sarili mo.."pilit iniwawaglit ni Eunice ang nararamdaman para kay Patrick kahit gustog gusto na nya itong yakapin at sabihin kung gaano sya nito kamahal....

Kaagad lumapit si Patrick at niyakap sya nito...ramdam na ramdam ni Eunice ang bilis ng tibok ng binata...Napapikit sya kasabay ng pagtulo ng luha sa kanyang mga mata..kay tagal na panahon syang nasabik sa mga yakap nito pero sa pagkakataon na ito kailangan nyang kumawala...

Dali dali syang tumakbo papalayo....iniwasan nya ring makita ni Patrick na umiiyak sya ayaw nyang ipakita dito kung anong emosyon sya para dto...dumeretso sya sa banyo...At iniharap ang sarili sa salamin.

"Hindi ka pwedeng magpatalo sa nararamdaman mo Eunice!!!!!hindi mo pwedeng ipakita kay Patrick na apektado ka.....at higit sa lahat hindi mo pwedeng saktan si Derek......sya na ang para sayo"kausap nya sa sarili...habang nasa harap ng salamin..kawgad nyang inayos ang sarili ilang sandali na lamang ay maguumpisa na ang medical mission. ..isasantabi nya ulit ang sakit na nararamdaman....Napakahrap ibalanse ng sitwasyon nya ngayon hindi nya alam kung paano magiging ok gayong punong puno ng sakit ang kanyang puso.

Gustuhin man nyang tumakas pero hindi nya pwedeng iwanan ang mga taong nangangailangan ng kanyang tulong..at sa ngayon yun muna ang kailangan nyang isipin...

Makakaya ba nyang panindigan na hindi sya magpapatalo sa emosyon gayong makakasama nya ang lalaking minamahal....

Ano pa rin ba ang mangingibabaw kay Eunice ang pangakong hindi nya sasaktan si Derek o ang tunay na nararamdaman kay Patrick..kaya ba nyang pigilin ang sarili sa bawat arawna dadaan na ipaparamdam sa kanya ni Patrick kung gaano sya nito kamahal..

Kaya ba talagang pigilan ng isip ang tunay na sinisigaw ng puso?

Anong mangyayari sa dalawa sa sandaling magkasama sila sa resort...

-Done

forever in my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon