Chapter 82

1K 4 2
                                    

Buo na ang desisyon ni Eunice na pigilan si Sabrina sa kung ano mang binabalak nito kay Lucas...Kaya ngayon ay papunta na sya kay Sabrina para kausapin ito....

Hindi pa sya nakakapasok sa bahay nina Sabrina ay nakita na nya itong papalabas ng bahay,,,,,Sigurado sya na hindi nito kasama si Lucas kaya susundan nya ito at magbabakasakaling kay Lucas ito pupunta...

"Hindi ko lang alam kung anong magiging reaksyon mo Lucas kapag nakita mo ako na wala kang kamalay malay na ako ang may kagagawan ng lahat ng ito sayo..gusto kita pasakitan hanggat sa kaya ko....Kaya dadahan dahanin ko ang lahat lahat...Hanggang sa marealize at pagsisisihan mo na minahal mo ako'bulong ng isipan ni Sabrina habang nagdidrive....

Hindi nawaglit sa paningin ni Eunice si Sabrina ..Sinundan nya ito hanggang sa huminto ang kotse sa isang bakanteng lote....At doon ay bumaba si Sabrina at nakita nya na sinalubong ito na dalawang armadong lalake...

Bumaba sya ng dahan dahan si Eunice sa kanyang kotse para hindi mapansin ni Sab ang kanyang pagsunod....

Naging maingat ang bawat kilos nya,,,,Hanggang sa halos isang dipa na lang ang layo nya kay sab at sa mga lalaki nagtago na lamang sya sa pader na nakaharang dito..

"Kamusta ang demonyong Lucas Sta. Maria?"tanong nito sa isang lalaki.

"Ok lang Mam..Nagsawa na rin sa kakakulit kung ano ba ang dahilan kung bakit nandito sya"

Ngumiti lang si Sabrina......"Ewan ko na lang Lucas kung anong gagawin mo once na matuklasan mo na ako ang may kagagawan nito"

Dinig na dinig ni Eunice ang usapan ng dalawa.."anong balak ni Sab kay Lucas'bulong ng kanyang isipan....

"So Mam ano pong plano natin kay Sta. Maria"

"Eto na ang tamang oras para iparamdam sa kanya ang paghihiganti ko"

At kaagad pumasok si Sabrina sa isang kwarto kung nasaan si Lucas ay nakakulong.....

"Sabrina......Bakit ka nandito?dinukot ka rin ba nila?Mga hayop sana ako na lang ang pinahirapan nila" takang tanong ni Lucas sa kaharap..wala man lang ito kahit anong idea sa nangyayari...

"Kamusta ka na Lucas?"nakangiting tanong ni Sabrina

"Huh,,,Anong ibig sabihin nito?"

"Tapos na ang palabas Lucas.....Ngayon ay humarap na tayo sa realidad...."

"What are you talking about Sabrina?'maluha luhang tugon ni Lucas wala pa rin syang idea kung anong gustong ipahiwatig ni Sab..

Lumapit na sa kanya ang dalawang tauhan ni Sabrina at hinawakan sya sa magkabilang braso...

"PWEEEH" ng duraan ni Sab si Lucas sa mukha ng lumapit ito...

"Sabrina......"tanging ang pangalan lang ni sabrina ang lumabas sa bibig ni Lucas..

"OO LUCAS ...AKO ANG LAHAT NG MAY PLANO NITO...PINAIKOT IKOT KITA HINAYAAN NA LALO MO AKONG MAHALIN PARA MAS LALO KANG MASAKTAN SA GAGAWIN KO NA ANG KAISA ISANG BABAENG MAHAL MO AY LUBOS KANG KINAMUMUHIAN...HINDI KITA MAHAL LUCAS AT KAHIT KAILAN AY HINDI KITA MINAHAL LAHAT NG PINAKITA KO SAYO AY PART LANG NG PLANO KO..NA PAGBAYARIN KA SA PAGKAMATAY NG ANAK NAMIN NI PATRICK..BINABOY MO AKO HAYOP KA IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT NASIRA ANG KONTING PAGASA NAMIN NI PATRICK NA MAGKAROON NG BUONG PAMILYA....SANA HINAYAAN MO NA LANG AKO KAMI NI PATRICK DAHIL SYA LANG ANG KAISA ISANG LALAKING NAGMAMAYARI NG PUSO KO..ALAM MO BA KUNG ANONG GUSTO KONG GAWIN SAYO GUSTO KITANG PATAYIN KAPALIT NG BUHAY NG ANAK KO..PERO MAGIGING MADALI SAYO ANG LAHAT KUNG PAPATAYIN KITA KAAGAD ANG GUSTO KO UNTI UNTI IPARAMDAM SAYO LAHAT NG SAKIT NG GINAWA MO SAKIN....HANGANG SA IKAW NA MISMO SA SARILI MO ANG GUSTONG MAMATAY..."pahayag ni Sabrina pigil na pigil ang emosyon nito ayaw nyang ipakita sa kaharap na mahina sya..

forever in my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon