Chapter 69

1.5K 5 0
                                    

Hindi malaman ni Eunice kung anong mararamdaman ng mabasa ang sulat ni Derek.....Bigla nyang naalala yung araw din na ikakasal sya kay Michael...pakiramdam nya laging may pumipigil sa twing ikakasal sya....

Natanaw nya si Patrick sa may labas ng simbahan na naghihintay din sa kasalang magaganap palihim na nagtatagpo ang kanilang mga paningin.......Gusto nyang bumaba sa kotse at sabihin dito na wala ng Derek na darating...Gusto nya itong yakapin ng mahigpit........sana nga ganun na lng kadali ang lahat..

"Mom...Why is daddy taking so long?"tanong ni Abby na katabi nya sa loob ng kotse halata na sa bata ang pagkainip......Paano nga ba nya sasabihin dito na hindi na matutuloy ang kasal paano nya ipapaliwanag sa bata ang lahat....

"Anak...naghihintay na ang mga bisita nasaan na si Derek?"tanong ni Eloisa mula sa bintana ng sasakyan.....

"Ma.....Hindi na darating si Derek..wala ng kasal na magaganap...si Tita Divina na raw ang bahalang magpaliwanag sa mga bisita.......sumakay na kayo so we can go home"tugon nya sa ina..

"Paano mo ipapaliwang sa anak mo ang lahat?"

" Sa bahay na ntin pagusapan ang lahat Ma,,Ako na bahala magpaliwanag kay Abby..sumakay na kayo"

Kaagad ng sumakay si Eloisa at inutusan ang driver na paandarin ang kotse......

forever in my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon