39

398 16 3
                                    

Shaniah Monteverde's Point of View


Ba't ganun? Parang unti-unti na akong nahuhulog kay Vincent kahit na hindi ko pa siya nakikita. Baka kapag kami na eh, magkikita na kami (siguro) ehehehehe. Ang gaganda nung mga pinapadala niyang gifts sa akin. Mga mamahalin at galing pang ibang bansa, sobrang yaman siguro nun? Hmm. Napapa-isip nga ako minsan kung bakit ayaw niyang magpakita saakin pero hayaan mo na baka magkikita na rin naman kami nun, hindi nga lang ngayon pero baka soooon. And baka kung iniisip niyo na   nahuhulog ako dahil sa mga nakakasilaw na regalo ay nagkakamali kayo, basta hindi niyo kasi naiintindihan :>>

"Shan! Baba ka rito! May pinadala para sayo raw!" Sigaw ni mommy sakin kaya dali-dali na akong bumaba.

"Ikaw baby ha! May admirer ka'na! Ayiiiiiie" parang bata talaga tong si mommy tch. May pasundot-sundot pang nalalaman  "Galing daw yan kay Vincent, ikaw ha! May boyfriend kana noh?" Ta mo'to! Mas nauna niya pang nalaman kung kanino galing kesa saakin na pinadalhan. "Neh. Mommy naman! Bata pa ako noh! Wala pa sa vocabulary ko yang boyfriend boyfriend na yan!" Mahaba at with feelings pang paliwanag ko sa kanya. For sure mag-iinarte na naman yan kapag sasabihin kong manliligaw ko yung nagpadala at nakilala lang sa social media. "Pero baby ha! Pag magbo boyfriend ka dapat huwag mong pababayaan sarili mo, magtira ka nang pagmamahal at awa para sa sarili mo. Huwag mong ibibigay ang lahat sa isang lalaki dahil iiwanan ka din ng mga yun! Okey?" Maluha-luhang litanya niya para sa akin. "Aye aye mommy!"

Pagkatapos nang dramahan naming mag-ina ay iniakyat ko na sa kwarto ko yung pinadala ni Vincent. Magte-thank you nga ako sa kanya.

*chat conversation with Vincent*

Shaniah: Hey!

Vincent: I was doing just fine before I met you

Shaniah: I drink too much and that's an issue, but I'm OK

Vincent: Magkakantahan ba tayo rito? Haha

Shaniah: Ikaw kaya nauna haha btw, thank you ulit sa pinadala mo hihihi

Vincent: Wala yun (: basta para sayo.

Shaniah: By Juan Karlos Labajo?

Vincent: Ha?

Shaniah: Wala! hahaha

Ang Boyfriend Kong Poser Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon