3:15 am
Shaniah: 24 hours ka nang naka online, ah
Vincent: hahaha ang boring kasi e tapos nakakatuwa tong update ng messenger parang IG stories hahaha
Shaniah: Oo nga eh haha
Vincent: Btw, ang aga mo ata?
Shaniah: Wala excited lang :>
Vincent: Excited sa?
Shaniah: Uhm pasalubongs haha
Vincent: Anong pangalan niya?
Shaniah: Reeven but I call him Rven. Why?
Shaniah Monteverde's Point of View
Sa sobrang excitement ay ang aga kong nagising at naistorbo ko pa ata si Vincent kasi ang aga ko siyang chinat hehe
alas kwatro y media ng makatulog na naman ulit ako kasi nilalandi ako nung kama ko kaya nakatulog na naman ulit ako. And now it's already 10 in the morning and Im still lying on my bed. Tinatamad akong bumangon but Im excited to see our neighbor, sina Rven.
Napilitan na akong bumangon and made my way to the bathroom to take a bath. After kong maligo ay nagsuot ako ng isang tshirt at shorts, pagkatapos nun ay bumaba na ako upang kumain ng umagahan. Nakakagutom pala.
Pagkarating na pagkarating ko sa dining area ay may mga sinaunang mukha akong nakita este mga bago hahahah
"Long time no see Shan!" masayang bati ni Rven sakin but I just ignore him and continue walking. Di naman ako galit sa kanya dahil sa pangiiwan niya sakin, exicited pa nga ako e diba? Kunwari ay nagtatampo at galit muna ako sa kanya ngayon hahaha
"Dalaga kana Shan ah, may boyfriend kana? Ay pano ka nga pala magkaka bf e ayaw mo naman magpaligaw" patuloy pa rin niyang sabi kaya tinignan ko na siya. Muntik na akong matawa dahil sa itsura niya
pouty lips + puppy eyes lol! Parang kambing lang hahahaha"Oo nga wala" cold kong sabi
"Trying to be mad huh? Payakap nga Monteverde!" and with that ay lumapit na siya sakin at niyakap nya na ako kaya niyakap ko na din siya.
Namiss ko talaga itong bansot kong kaibigan na to. Tumagal ng ilang segundo ang yakapan namin ng may mapansin ako, parang pamilyar siya pero di ko maalala. "Who's that boy Fuego?" bulong ko kay Rven, "ah that's Vince, barkada ko" sagot niya na nagpabilis bigla sa tibok nitong puso ko. Heart, why?
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Poser
Short Storyfirst ever story. please bear with my kajejehan and kacornihan dahil ginawa po 'to ng malikot kong utak noong ako'y wala pang muwang sa iba't-ibang bagay hehe. pero u can try some of my other stories (gawa ko na now na medyo may muwang na ako sa mga...