Handang magpakatanga ang ibang mga tao para lang sa ngalan ng pag-ibig.
Yung ayaw mo nang nagtiwala sa ibang tao dahil sa nangyari sayo. Gusto mo nalang maglaho dahil sa inis, galit at sakit na iyong nararamdaman. Pero kakambal ng pagmamahal ang sakit na nararamdaman, hindi mo iyon matatawag na isa ngang pagmamahal kung wala itong sakit na kasama."Eeeeeeeeeeeecccccccckkkkkkkk" tunog ng isang papalapit na rumaragasang truck. Hindi alam ng babae ang gagawin, kaya ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at hinintay na mahagip siya ng truck. Takot, panghihinayang at pangamba ang kanyang nadarama pero nangingibabaw pa rin ang sakit, sakit na dulot sa kanya ng pagmamahal, pagmamahal sa maling tao. Bago mawalan nang malay ang babae ay biglang nag unahang tumulo ang mga luha sa kanyang mata, tanda nang sakit na kanyang nadarama.
"Wiew wiew wiew" yan lamang ang tunog na iyong maririnig sa gitna ng kalsada. Sakay ng ambulansyang iyon ang babaeng wala nang malay.
Vincent Silvenia's Point of View
"Kasabay nang pagbuhos ng ulan, pagpatak ng luha'y hindi mapigilan
Kailan kaya kita muling masisilayan, dahil ikaw ang siyang kailangan ko
Magpakailan pa man asahan mong pag-ibig ko'y di magbabago
Pinapangakong, maghihintay sayo"Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko saiyo pero sana ay mapatawad mo pa ako :( Sobrang nagsisisi ako sa aking mga ginawa, sana hindi ko nalang nilihim ang lahat lahat saiyo, sana masaya pa tayo ngayon pero bakit? Anong nangyari saiyo? Bakit ka kasi umalis? Sana noon ko pa sinabi na mahal kita, sana ngayon ay kasama pa rin kita. Sana noon pa ay tayo na, dahil masakit tanggapin na ngayong mahal na natin ang isa't isa tsaka ka lang mawawala.
Tangina ang laki kong tanga at gago, bakit hindi kita nakayang ipaglaban? Bakit naging duwag ako at sa social media lang ako nagkalakas ng loob? Bakit ba laging nasa huli ang pagsisisi? Kung pwede ko lang patayin ang sarili ko at ginawa ko na pero duwag lang ang nakakagawa ng ganun. Ipaglalaban kita.
Bigla akong nahimasmasan at napatayo sa gulat nang lumabas sa Emergency Room ang isang doctor at nagtanong, "Sino ang mga magulang ng pasyente?"Agad agad na tumayo ang mga magulang ni Shaniah upang makausap ang doctor at sobrang nadismaya ako sa aking narinig, "Ma'am hindi po namin kayang magamot ang anak niyo dahil grabe ang pagkakasalpok ng kanyang ulo na maaari niyang ikasawi kaya kung maaari ay madala na siya agad sa ibang bansa upang matignan ng maayos"
Mga linyang wumasak sa akin. Kung hindi dahil sa akin ay hindi siya magkakaganun pero ang tanga ko kasi, ang gago ko. Sana sinabi ko nalang.
* * *
"It all started with a simple hello and ended without any goodbyes"
Shaniah Monteverde and Vincent Silvenia's Story has just ended. Thank you for reading💕
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Poser
Krótkie Opowiadaniafirst ever story. please bear with my kajejehan and kacornihan dahil ginawa po 'to ng malikot kong utak noong ako'y wala pang muwang sa iba't-ibang bagay hehe. pero u can try some of my other stories (gawa ko na now na medyo may muwang na ako sa mga...