~ ONE MONTH LATURRRRR ~
Shaniah Monteverde's Point of View
Sa loob ng ilang buwang panliligaw ni Vincent sa akin ay masasabi kong nahuhulog—nahulog na talaga ako nang tuluyan sa kanya. Paano nga namang hindi ako mahuhulog eh pinapadama niya sa aking mahal niya talaga ako at paghihirapan niyang makuha ang OO ko, parang ikakasal lang noh? hahahahah
Kaya napagisip-isip kong sagutin na ang kanyang mga tanong—tanong na kung pwede na ba siyang maging prinsepe ng buhay ko. Nakakasawa na din kasi siyang manligaw hahahaha joke lang! Siguro mamayang gabi ko isasagawa yung oplan tok— oplan na makakapagpa-kilig, makakapagpa-ngisay, makakapagpabagabag at magkakapagpa-sigaw at talon kay Vincent hahahaha!
11:20 pm
Shaniah: cent!
Vincent: Hmm?
Shaniah: Napagisip-isip ko kasi na ano...
Vincent: Na papatigilin mo na ako sa panliligaw?
Shaniah: Pinagsasabi mo? Hindi! Baliw neto.
Vincent: Eh ano?
Shaniah: Na kwan.
Vincent: Anong kwan?
Shaniah: Aish. Nahihiya ako :(
Vincent: Bakit ano kasi yun?
Shaniah: Wait lang. Give me 30 minutes upang ipunin lahat ng mga lakas ng loob ko.
Vincent: 30 minutes? Ang tagal :(Shaniah: Basta! Bye! (:
*After 30 minutes*
Vincent: Okey na?
Shaniah: Uhm. Wait! Hahahaha
Vincent: Aish.
Shaniah: Shh! Patience is a virtue (;
Vincent: Kinakabahan ako sayo eh!
Shaniah: HAHAHAHAHAHA
Vincent: Valentine's na pala mamaya hahahaha
Shaniah: IKR! hahahahaha
Vincent: So, ano na sasabihin mo? Inaantok na ako.
Shaniah: Hintayin muna natin mag 12, ok?
Vincent: *sigh* matitiis ba kita?
Shaniah: Eto na!
Vincent: Hmm?
Shaniah: Diba nga matagal tagal mo na rin akong nililigawan?
Vincent: Oo.
Shaniah: Wag ka sumagot!
Vincent: Okey
Shaniah: Sa ilang buwan na panliligaw mo sa akin, napag isip isip ko na....
Shaniah: Sasagutin na kita :))
Shaniah: Oo—yan na yung pinakahihintay mo diba?
Shaniah: Cent?
Shaniah: Still there?
Shaniah: Woiii :((
Shaniah: Ay tinulugan ako. K. Good mornight boyfriend!
Shaniah: Happy Valentine's na din🙄

BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Poser
Short Storyfirst ever story. please bear with my kajejehan and kacornihan dahil ginawa po 'to ng malikot kong utak noong ako'y wala pang muwang sa iba't-ibang bagay hehe. pero u can try some of my other stories (gawa ko na now na medyo may muwang na ako sa mga...