Justin's POV
"Labs turuan mo na kasi kong mag-drive .." Pagpupumilit niya.
"No .." on the way na nga pala kami papauntang Tagaytay kung saan gaganapin yung engagement party ni Kuya James at Ate Rhizza.
"Bakit ba kasi NO ka ng NO eh pwede ka namang mag-YES .." ang kulit talaga.
"Wag ng makulit babay ko ..Pag sinabi kong hindi eh hindi .."
"Bakit ba kasi hindi .. " Pagmamakatol niya
"Eh kasi nga 17 ka lang .."
"Eh ano naman kung 17 lang ako? .."
"Hindi ka pa pwedeng kumuha ng lisensya .."
"Pwede na kong kumuha ng student lisence noh .."
"Saan mo naman nalaman yan .."
"Si ate 17 lang siya nung kumuha siya ng student lisence .."
"Gagaya ka pa kay Ate Juliang pasaway .." Humanap ka na ng babaeng sobrang tigas ng ulo at pasaway number 1 si Ate Julia dun tapos runner up yang si Ate Amy ko at isunod mo pa si Kuya Dan at Kuya James tapos isa pa tong si Jessica.
"Sige na kasi .."
"No .."
"No na naman eh di ba sabi mo dahil lang sa lisensya kaya ayaw mo kong turuan eh di ba nga pwede na kong kumuha ng S.L .."
"Ang kulit talaga.. "
"Oo na ako na makulit kaya sige na turuan mo na ko .."
"No .."
"Fine .. Kung ayaw mo kong turuan sa iba na lang ako magpapaturo .. Hmmmfftt .."
"At kanino naman ka naman magpapaturo aber .."
"Kay .. Kay .. Kay.. Ahh alam ko na kay Shan .." tapos ngumiti siya ng nakakaloko
"Sinong Shan?? .."
"Ha-Ha-Ha .. Yung transferee sa Sec. C .."
"Yun ba yung 5 na mukang gangster na nagtranfer dito sa school last week .."
"Yup .. at alam mo ba may gusto daw yun saken haha tapos alam mo ba ang bait niya saken kasi one time tinulungan niya ko at ito pa ang galing niya magdrive kaya sakanya ko magpapaturong magdrive .. BLEAAHH :P .." Ano daw may gusto daw yun sakanya??
"SCCRAATTCCHHH!!! "
"NO!! .."
"YES .."
"I said NO .. Hindi ka magpapaturo sa kahit na kanino .."
"At bakit?? .. Di ba ayaw mo kong turuan kaya sa iba ko magpapaturo .." pagtataray niya
"Dahil sinabi ko!!" pasaway talaga tong babaeng to.
"Eh bakit mo ko sinisigawan?!! .. Magpapaturo ako whether you like it or not!! .." sigaw niya
"Look hindi kita sinisigawan nag-eexplaine lang ako.. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo ?? .. May asawa ka na pero umaarte ka pa rin na spoiled bratt.. Look hindi sa lahat ng oras pwede mong ipilit ang gusto mo .."
"... *sniff* .. B-bakit mo ba ko inaaway *sniff* .. para nagpapaturo lang magdrive *sniff* .. Ang dami ng nasabi .. ihatyounakakainiskahindinakitabati!! .."tapos bumaba siya ng kotse at nagtatakbo habang umiiyak.
"Blag!!" hampas ko sa manubela.Hay naku Justin ano na naman ba yang ginawa mo?Alam mo naman simulat-sapol na may pagkaisip bata yang si Jessica at isa pa talangang spoiled brat yan kung yung ate niya nga ang tanda na spoiled pa din siya pa kaya.Ang saken lang naman ay yung safety niya sigurado ako na pagnatuto siyang magdrive magpapabili siya ng sarili niyang Car at anong sunod tatakas na saken yang pasaway na yan at worst dahil careless siya maaksidenti siya.
"Arrgghhh!!!.." napahilamos na lang ako sa muka ko.
*Hoy Justin papanuodin mo na lang ba si Jessica na tumatakbo habang umiiyak.. Sige ka masagasaan yun*
"Shit oo nga pala .. " Binuhay ko na ulit yung engine at nagpatakbo.Tapos huminto ako satapat niya since hindi pa naman siya masyadong nakakalayo.
"Sakay! .. " utos ko
"..." Hindi iya ko pinansin at dire-diretso lang siya sa paglalakad habang nakasimangot at naiyak.
"Sakay na sabi!! .."
"..." inuubos niya ba talaga ang pasensya ko
"Jessica pwede ba wag ng matigas ang ulo!! .. Sumakay ka na then lets talk about it later!.." naiinis na talaga ko.
" .. *cry* "
Ubos na talaga ang pasensya ko kasi hindi naman sa lahat ng oras pasensyoso ako kaya umuna ko sa kanya.Pinahaharuruot ko na yung kotse tapos tiningnan ko yung reaction niya sa side mirror.
"Arrrrgghhh!!!" Sigaw niya habang nagpapadyak at umiiyak pa din sabay upo at ub-ob sa tuhod niya at patuloy pa ding umiiyak.
Haist na ko baliw talaga tong babaeng to.Tumabi ako tinigil ko yung sasakyan then bumaba ako at binalika ko siya siyempre hindi ko naman yun matitiis noh .
Umupo ako at hinawakan yun kamay niya.
"Sorry na .. Please stop crying .." tapos tumunghay siya
"... crying " nakatingin lang siya saken habang umiiyak yung parang batang nagpapa-awa.
Tumayo na ko at hinili ko na siya papauntang kotse.Siyempre hindi maganda ang kwento kung hindi mangangaladkad si Justin.
FASTFORWARD >>
Pagdating namin sa hotel tumahan na siya pero sobrang pugto ng mata niya.Tinagal ko yung shades ko na nakasabit sa dibdib ko at inabot sakanya kasi mukang nacoconcious siya sa mata niya.
"Oh isuot mo .." tiningnan niya muna tapos kinuha niya din.
Bumaba na ko at umikot sa may pintuan niya para pag-buksan siya ng pinto.Bumaba na din siya at hinawakan ko yung kamay niya at usual parang kinakaladkad ko na naman siya dahil mas-nauuna akong maglakad dumiretso na kami sa may Recitionist para itanong kung saan yung room.
"Good fternoon sir ..Welcome to Palace Hotel.. May i help you? .." taspo ngumiti ng pacute yung receptionist.
"..." nagsmirk lang naman si Jessica
"Reserved rooms for Mr. and Mrs. Lopez .."
"Ichecheck ko lang sir .." tapos chinieck niya sa computer nila.
"Yes .. sir room 204 po ang nakareserver sainyo .."
"Ehhh?? .. Si ate talga .." mahinang sabi ni Jessica pero rinig ko pa din.
Pagkabigay samen ng susi dumiretso na kami sa kwartong nakareserved samin.Okey naman siya malaki pero iisa yung bed tapos may veranda na may magandang view.Si Jessica ayun dumiretso na sa kama at nagtulokbong dalwa lang yan its either iiyak na naman yan o matutulog dahil sa pagod sa biyahe at sa pag-iyak.Pababayaan ko na muna siya may mas importante pa kong dapat gawin.Lumabas na ko ng room at nagdial sa phone.
=------------------------------=---------------------------------=-------------------------------=-------------------------=-------
THANKS FOR READING :))
PAVOTE
PACOMMENT
PAFAN
OKEY AKO NA ABUSADO :))
ANG NEXT NA UD AY SA MARCH NA TALAGA DAHIL LAST DAY NA NG FEBRUARY TODAY :))
HAPPY LEAP YEAR EVERYONE :))
<3 <3 <3
BINABASA MO ANG
UnOfficially Married
Teen FictionYes we are unOFFICIALLY MARRIED for now but soon we will be OFFICIALLY MARRIED :)
