CHAPTER 15:SHE'S ILL

3.1K 132 2
                                    


◀Clacey▶

"Hindi mo naman siguro sineryoso yung sabi ko diba?''
-please say yes,please say yes...

" Oo..at bakit ko naman yun seseryosohin?Mukha mo pa lang di kapa-kapaniwala...''
-yun sana ang hinahanap kong sagot pero bakit isinali pa ang mukha ko?

"Diyan ka na nga!''

-at padabog na isinara ang pinto.

*blag*

-may nahulog na picture frame kaya dinampot ko agad ito.

Tsss...ano na naman kaya nangyari dun?Sumisigaw na naman!

Iniharap ko ang picture frame,buti hindi ito nabasag.

Ng makita ko ito nagulat ako ng makita ang batang naging kalaro ko noong 8 palang ako.

Oo hindi ko makakalimutan ang batang nagligtas sa aking buhay.Ang batang ipinagtanggol ako mula sa mga bullies sa school.

Pero bakit nandito ito sa kwarto ni Zeus?

Wag mo sabihing......

Hindi kaya siya si....

Ano?!!!!

"Kung ganun isa siyang mamatay tao?.....''

-matagal ko ng crush si Xeu kaya miss ko na siya.At ngayong nalaman ko na si Zeus at Xeu ay iisa...ewan ko!Parang may naramdaman akong takot.Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.

Mamatay tao si Xeu?

Omo+++++++++++++

Please Lord,sana panaginip lang ito,please lang.....

Oo crush ko si Zeus,pero hindi dahil gwapo siya,mamatay tao,gangster or ano.Basta naramdaman ko lang ito isang araw.

Kaya pala ako nagtataka kong bakit ko siya nagustuhan...

Dahil siya pala ang batang matagal ko na hinahanap.

Pero ang tanong....kung hinanap ba ako ni Xeu.At isa pa...nakikilala ba niya ako?Or kinalimutan lang niya ako?

Biglang nag-click ang doorknob kaya....agad kong inilagay ang frame sa kinalalagyan niya kanina.

" Oh?Ano ginagawa mo?''

"Wala...''

" Meron....''

"Ahh-ehhh...naglilinis lang ako Xeu....''

" Ano tinawag mo sa akin?''

"Ha?ehh ano ba kasi ang tinawag ko sa iyo?''.

"Ewan ko sa iyo....''

" Ewan ko din saiyo..''
-hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko na si Xeu.Pero ako?Hindi ba niya ako naaalala?

"Tss....''
-muli siyang lumabas sa kwarto at isinara ang pinto.

Kainis!Ako lang ang nakakaalala sa kanya.

Hinilot ko ang sentido ko.....

Nakakainis talaga!Di niya ba talaga ako nakikilala?

Haysshhh....8 years old pa lang kami noon,bakit naman niya maaalala?Eh ako lang naman ang nagkagusto sa kanya nong time na iyon eh.

Tsss....makaligo na nga lang...

Bumaba ako sa hagdanan para tanungin kong nasaan ang bathroom nila.

At nakita ko sila Vlad at whole gang members ni Xeu sa white sofa.

Si Mavey kumakanta ewan ko kung kumakanta ba yan or tumutula.Si Vlad at Skyd naman busy sa cp.Si Xhane busy sa pc niya,si Eivn at Kade nagrarambolan,si Xyl nanonuod nang spongebob,si Thie kumakain at si Auge ay parang may sariling mundo nakamukmok sa gilid habang nagbabasa ng libro ng paranormal

The Bad Gang Leader Kidnapped MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon