CHAPTER 55:XEU IS DEAD

1.5K 28 1
                                    


◀Zeus▶


Hindi ko akalaing si Dad pinakapuno't dulo ng lahat.

Hindi ko akalaing magagawa niyang trydorin ang mga kaibigan niya.

At hindi ko din inakalang papaniniwalaan ko agad ang sinabi ni Mrs.Alferson sa akin.

Si Tito Keige..hindi ko akalaing kasabwat din siya dito.

Mas naguguluhan ako ngayon kaysa noon.

"Pinaniwalaan ko agad ang bruhang yun..nakakainis!''

-isinubsob ko ang aking mukha sa aking unan.

"Sino naman ang baliw na magsasabi ng totoo sa pulis?Ni ako hindi ko magagawa yun.Tss...sino niloloko niya!''

*tok*tok*tok*

"PASOK!''
-padabog kong sigaw.

Naiinis ako eh!Para akong tinatablan sa sinabi niya sa akin kagabi.

At ang mas nakakainis pa dun ay,noon galit na galit na galit ako sa kanya pero ngayon parang nagbago.

"HAYSH!!EWAN!''

-nilingon ko kung sino ang pumasok sa aking kwarto.

At nakita ko si Vlad na nakayuko.

Pinaglaruan ko ang aking dila sa loob ng aking bibig then naupo sa bedside.

Kailangan ko yatang mag-sorry sa kanya.

" Boss...''
-I held a deep sigh at tiningnan siya sa mata.

"Hindi ko ugaling magsabi ng ganito sa kapwa kong lalake..pero..''
-me

" Im sorry...''
-(sabay)

Napakunot ang noo ko.

"Di okey lang yun..ako naman ang may kasalanan eh.Pasensya ka na talaga Vlad,atsaka salamat dahil tinulungan mo ako kay Mrs.Alferson.Pero naguguluhan ako..''

" Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya o hindi..''

-naglakad ng dahan-dahan si Vlad papalapit sa akin at  naupo sa tabi ko.

"Maniwala ka sa kanya boss,totoo ang sinabi niya..."

-ngumisi ako ng pilit.

"Samahan mo ako boss may ipapakita ako sa iyo..''
-nakita kong tumayo si Vlad at naglakad palabas ng kwarto.Muli kong pinaglaruan ang aking dila sa loob ng aking bibig at agad na ding tumayo at sinundan siya.

Sinundan ko siya mula sa aking kwarto papunta sa tambayan ng gang.

Tumigil siya at hinarap ang tv.Pero puro cartoons lang naman ang nakikita ko.

" Ano gagawin natin dito?''
-ako

Lumapit si kuya sa akin at tinapik ang aking balikat.

"Kanina lang,binalita na nag-confess ang nanay ni Clacey sa pulis.Ako mismo ang naghatid sa kanya dun.At siya na din ang mismong sumuko.''
-napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi.

Napaupo ako ng dahan-dahan sa stool habang minamasahe ang aking noo.

Im still confused...

"Sincere si Mrs.Alferson sa sinabi niya kagabi.."
-Xhane

"Oo boss...totoo ang lahat ng sinabi niya sa inyo,kaya paniwalaan niyo na siya...''
-Mavey

The Bad Gang Leader Kidnapped MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon