Hi ako nga pala si Cheri Xi, ang inyong magandang leading girl... charot! Isang simpleng babae lang naman ako, katam-tamang length lang buhok ko di naman mahaba pero di din maikli. Half Chinese ho ang lola nyo. Btw yung apilyedo kong gamit is sa nanay ko. So bali kung kasama namin tatay ko, X ang middle initial ko. OH HA! Panis kayo! Minsan lang kayo makakita ng X ang middle initial hah! Unique kasi ako :P Di ko na alam kung san tatay ko, wala akong balita kung anong nangyare. Di ko alam kung patay na ba sya o iniwanan nalang ba kami at may iba nang pamilya. Basta daw one time umalis tatay ko para sa isang important meeting or event ewan tas yun di na bumalik. 13 years na nakalipas, hay ayoko na isipin.
Nag-aaral ako sa Maginlac High School. Di ko alam kung bakit ganyan pangalan, ang weird nga eh. I'm in the 10th Grade aka 4th year high school. Bwiset kasing K-12 yan eh hayst.
Di ko masyadong type yung mga western na pagmumukha. Mahilig ako sa mga asian, singkit mata ganun. Especially mga koreano kasi kpop fan ako
Eto problema ko... sabi ko hindi ako magkakaroon ng crush dun sa kaklase kong heartthrob na si Renju Lee. Nung una naman kasi talaga di nya naman naaagaw pansin ko. Like I mean, ano naman kung koreano siya at gwapo. Yes koreano siya and hmm aminin ko ma-itsura siya kaysa sa iba naming mga kaklase. Siya nga piniling Escort ng adviser sa section namin eh. Pero di ko talaga siya napapansin. Di ko pinagtutuunan ng pansin. Wapakels ako sakanya noh. Busy ako sa pagpapantasya sa aking mga boyplens sa korea charot!
Until my friend, Casi chatted him.
"uy, kilala nyo po ba si Cheri Xi?" -Casi
"ah oo! kaklase ko yun. matalino yun eh :)" -Renju
Roommates kami ni Casi sa dorm namin kaya nakikita ko kung anong pinag-uusapan nila.
"Hoy bat nakikita ko pangalan ko jan? Bat mo naman tinatanong si Renju?" -tanong ko
"Eh alam ko kasing kaklase mo sya eh tas heartthrob, malamang gwapo and I think compatible kayo ouo" -Casi
"What the heck eh kahit kelan nga di ko pa siya nakakausap eh like ever!" -Cheri
"Halos lahat ng kaklase ko nakakausap ko kahit papaano or nagha-hi sa akin, pero sya ni-isa walang matinong usapan" -dagdag ko
"Oh see! Malay mo may gusto pala sya sayo. Sinabihan ka nga nyang matalino eh, ibig sabihin napapansin ka nya" -Casi wiggled her eyebrows.
"Hay nako ayoko mag-assume. Tsaka baka nagkamali lang sya.." -Cheri
Meron kasi kaming kaklase na pala-recite, tsaka nga matalino. Medyo magkatunog yung pangalan namin kaya minsan naguguluhan sila.
"Ha? Bakit naman?" -Casi
"Diba... si Chari. Naguguluhan yung iba dahil magkatunog pangalan namin?" -Cheri
"Ay oo nga wait tanong ko" -Casi
...
"Oy Renju, sigurado ka bang si Cheri yung sinasabihan mo nang matalino at hindi si Chari" -Casi"Oo si Cheri nga. Hindi si Chari Yang kundi si Cheri Xi nga." -Renju
...
"Oh diba!! sabi sayo eh" -Casi"Luh sya, di nga ako pala-recite eh tas matalino? luh" -Cheri
...
"pano mo naman nasabi na matalino sya, eh di sya pala-recite?" -Casi"sa mga scores nya. Ang tataas nya kaya :)" -Renju
...
"tsk masyado mo kasing dina-down sarili mo Cheri eh. Matalino ka nman kasi talaga" -CasiHindi naman ganun kataas ang mga grades ko, average lang. Pero dahil ayoko na makipagsabatan pa kaya tumahimik nalang ako. Alam ko naman na walang gusto sa akin si Renju eh. Paano siya magkakagusto sa taong commoner lang, tahimik (oo tahimik ako sa classroom wag kayo), at mukhang nerd (naka-glasses kasi ako at mahilig magbasa) na tulad ko diba?
Nasabi nya lang naman na matalino ako pero di ibig sabihin nun ay gusto nya na ako. Loko talaga tong si Casi. Pero dahil nga di naman kami nag-uusap ni Renju at nalaman kong nakikita pala nya ako na isang matalinong tao.. Dahil dun sa sinabi nya, na-agaw nya ang pansin ko. At soon, na-curious nako sakanya.
~#••#~
a/n:
bold - chat
underline - convodedicated to para sa friend ko yieeee kiligin ka please (secret sya kasi baka may maka-alam 👀)
vote, comment and share~
BINABASA MO ANG
Typical
Short Storyjust a typical story about a girl's school life and her interactions with her crush *a tagalog story* dedicated to a friend