6

25 0 1
                                    

Maaga ako pumasok palagi. Si Noel, infairness maaga ngayon. Late kasi yan madalas pero ngayon kasi magtuturo sila ng sayaw para sa prom namin.

Takteng yan kailangan pa kasi sa P.E namin para lang sumayaw kami't may pang entertainment ganun -.- kairita. Dapat kasi yung mga dancers nalang talaga. Ang awkward kaya!! Lalo na may partner na lalaki -.- buti sana kung pang-cheerdance sasayawin namin or hiphop eh payag pakong sumayaw kaso hindi eh.

Partner ko pa naman si Rj.. oks lang naman kasi ka-close ko naman sya kaso awkward parin eh >.< pwede bang palit nalang kami ni Tiff ng partner?? Mas close ko kasi yung partner nya kasi since elementary mag bespren na kami nun. Tsaka dati din inaasar ako dun eh lol kasi lagi kaming magkasama pero wala lang sakin. Please pwede bang palit kami huhuzz.

Anyways, dahil nga magtuturo ng sayaw, may dala silang speakers.

Ay gusto nyo malaman kung sino partner ni Renju?
.
.
AKO! Sya yung Rj na tinutukoy ko. RenJu oh diba! charot jk lang asa nanaman kayo tsk. Di nyo kilala yun (malamang) pero Louise name nya.

At dahil nga lumalandi pa sya sa ibang babae, eto ako magfafangirl nalang muna ulit kay Ryx. May Louise na sya may Elle pa. San ka pa diba?

Syempre wala pa teachers kasi maaga pa, naging parang party house yung classroom namin lmao. Nagpapatugtog lang sila ng kung ano.

Si Elle kpop fan din and nanonood yan ng k-dramas katulad ko. So nagpatugtog sya ng OST ng Descendants of the Sun yung Everytime ba yun(?) i forgot the title pero I think yun yun. Si Chen bebe labs omaygash amfogi ng boses pa lang hanuba!! Alam nyo bang mahirap magpigil ng feels ha?! Lalo na nasa school ka huhu.

-••-
Eto na nagppractice na kami lecheng yan ayoko na magsayaw please uwi nako or palit kami ng partner ni Tiff please ;--;

Pinagpahinga na din kami agad. Pero oy katakot tong isa naming kaklase na dancer! Si Jay kasi lumambitin dun sa-- nakalimutan ko kung anong tawag dun sa nakasabit sa ceiling namin, yung pang sunog ata? Nagfeeling spiderman kasi aba! Shiet katakot pag bumagsak yun pati na sya. Patay kami sa adviser namin eek >.<

Bumaba na rin naman sya agad. Nagpatuloy na ako sa aking ginagawa which is magsulat ng reaction paper tungkol sa pinanood naming film. Eto lang ayoko pag nanonood ng film eh pero dahil nagbabagong buhay ako eto nga at nagsisipag ako at ginagawa ko haha kasi hanggang ngayon lang daw ipapasa eh sooooo.

Habang gumagawa kami, yung iba naman naglalaro or nagkwe-kwentuhan lang. Tas syempre para ganahan kami gumawa ng school work, nagpatugtog sila.

Pinatugtog nila yung sidekick by dawin. Isa sa new fave song ko yun. Napapagalaw nalang yung paa ko at ulo ko ng onti dahil like ko yung kanta nga ano ba paulit-ulit ba tau ha? jks.

Dun sa "kick it, kick it" part napalingon lang ako sandali sa likod ko. Si Jay nagsasayaw kasama si ano!!!! SI ANO!!! Hindi si Renju wag kayong feeler haha! Si Ryx lang naman.

And alam nyo yung nakakainis?? Naka-white sweater sya, naka-glasses, tas magaling pa sumayaw. Shet lang??? Kasi sobrang weakness ko yun like seriously tho!! Y u do dis to me Ryx!! Kaiyak talaga sya mga bes ayoko na masyado na akong nagha-hyperventilate. Alam nyo na guys yung reason kung sakaling makita nyokong walang malay ah!

Walang masama sa pagfangirl kay Ryx!! Dont judge meh! Si Renju babes nga may dalawang babae eh :--(( Ako isa lang. Ano toh nagpapaselos lang lmao. Ano ka chix? Crush ko lang talaga si Ryx dati pa wag kang ano Renju wag kang ano!

-time skip

Naglelecture kami sa science and syempre nagsusulat kami. Si Elle biglang tumabi sakin kasi di nya daw makita eh. --My rival!!! Lol jk lang good friends kami nyan. Bigla syang nagkwento and stuffs then napunta kami dun sa "binigyan sya ni Renju ng chocolate"

-••-
"Grabe nahihiya nako sa section natin" -Elle

"Bakit naman?" -Cheri

"Nakita mo ba yung kahapon?" -Elle

"Ah yung naghiyawan sila dahil binigyan ka ni Renju ng chocolate?" -Cheri

"Hindi! Ay oo yun pero yung ano yung nagpicture din kami.." -Elle

"Ah oo. Di ko nga din nakita kung pano nya ibinigay eh." -Cheri

"Di nya naman talaga ako binigyan eh. Sakin talaga yun." -medyo nahihiyang tumawa si Elle.

"Eh ano nangyari?" -tanong ko

"Pinahawak ko kasi yun kay Phil and sabi ko pipicture-an ko sya pero ayun tinawag nya si Renju tas binigay sakanya" -pagtutuloy nya

"Binalik lang sakin ni Renju yun. Kala nila binigay sakin at nagpromposal lol..." -dagdag pa nya

"Ay ganun pala yun hala haha!" -Cheri

"Oo grabe kahiya nga eh! Lalo na kay Renju. Lagi nalang kasi syang napagti-tripan" -Elle

"Oks lang yan haha" -Cheri

-••-
So ayun pala ang tunay na kwento.... So di pala ako dapat nagselos ahjfglpancjqpxndppq OO NA NAGSELOS AKO OKAY? Pero onti lang kasi mas nauna naman magka-gusto si Elle kay Renju eh.

Ako pala yung talagang nagtataksil kay Renju babes ;--; ay grabe sya oh Renju babes daw. Sinabi ko ba yun? Wala naman diba guys? Ay ewan confused na aketch.. dagdag pa na may sipon ako at masakit ulo huhu.

"Anyways, si Renju.. di sya masyadong friendly- I mean not like that pero I mean sa babae" -Cheri

"Mm oo nga di sya komportable makipag-usap sa babae" -Elle

-time skip

Nakauwi nako at tiningnan gc namin. Sinend ni Jay selfie nya pero di naman kita mukha parang ewan lang. Pero binilugan nya lang si Renju. Kasama nya kasi sya sa picture. Stolen shot actually.

Habang tiningnan ko yung photo... HALA KAHAWIG NYA SI JUNGKOOK NG BTS!! Kilala nyo ba yun?? Kahawig lang naman.
Nagsend din sila ng pic ni Xander. Matagal na ring absent yung lalakitong yun eh. May hashtag pa silang #BringBackXander tas "we miss you Xander" Hay gusto ko magchat din. Namiss ko narin kakulitan nun sa classroom lol. Sana nga bumalik na uli sya.

TypicalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon