9

19 1 0
                                    


February 14, 2017

Valentines Day na!! Marami nanaman ang bitter hahahaha including me opkors haha jk slight lang naman. Di naman maiiwasan yun eh huehue. Pero alam nyo yung umaasa kayo na bigyan man lang kayo ng something ni crush ;;;;; pero wala eh... alam ko namang imposible huhu ;;;;

Andito ako sa balcony ng school namin, hinihintay si Les at Tiff. Sabihin na nating im lowkey waiting for Renju too haha! Alam ko kaya plate number ng sasakyan nila. FYI di po ako stalker, admirer lang po hahaha. Eh kasalanan ko bang makabisado yung plate number nila (bored ako kaya kinabisado ko yung mga nagsstop na kotse sa harapan ng school namin para ibaba yung mga anak nila) tas biglang pagkakita ko lumabas sila ng almost kakambal nya sa kotse na yun. So ayun nakabisado ko na tuloy hahaha. Dalawa pa nga kotse nila eh bwiset rich kid kasi :-((

Minsan nauuna si Les kay Renju pero minsan vice versa. Si Tiff, ay nako di nako magtataka. Laging late yun -w-

This time nauna si Renju... Nakita ko na syang bumaba ng kotse nila... So umiwas ako ng tingin kasi usually tumitingin sya sa taas eh ayoko maka-eye contact yun >.< awkward kaya. Ayun nakatambay parin ako dito sa balcony kasi.... LES WHAT'S TAKING YOU SO LONG!! ;;;;; Bwiset umakyat na si Renju tas pumunta din dun sa balcony ay! Kasama nya yung kaibigan nyang si Jc. Naalala nyo ba? Yung kasayaw ni Renju nung prom hahaha!

Habang naghihintay ako kay Les, para bang gustong lumapit ni Renju? Ewan ko lang ah.. kasi parang pabalik balik sya sa pwesto nya tas parang papunta sakin... Nakikita ko kasi sa peripheral view ko eh. Tapos paglingon ko sa likod, napahawak sya sa batok nya tas bumalik na dun sa pwesto nya.

HAYSSSS CHERI TAMA NA KASI YUNG PAGBIGAY NG MEANING SA LAHAT HANUBA KAYA KA NASASAKTAN EH TSK. Kasi naman Renju eh!! Kung gusto mo kasi akong kausapin, pwede mo naman ako kausapin ;;;;;; para naman kasing nangangain ako ;;;;; di din naman ako nangangagat huhu :"((

Narinig ko nga pala kay Lienne na may tatlong siberian husky daw pala si Renju. Wala lang share lang narinig ko lang naman haha. Nag-uusap kasi sila eh katabi ko si Lienne tas sa likod ko naka-upo si Renju. Dun designated seat nya eh. OO MALAPIT SYA SAKIN... MALAPIT!! Kaso palagi namang lumilipat ng upuan pag wala na yung teacher na mga strict pagdating sa seating arrangement -__- wa kwenta...

Nai-share ko lang naman sa inyo kasi may aso kami and minsan di ko maiwasan na ma-imagine na maging ka-groupmate ko si Renju tas pupunta sila ng bahay ko. Baka lang matakot sya sa aso namin pero meron naman pala silang aso kaya ayun di nako nag-aalala hahahahah. LIBRE MANGARAP HANUBA DONT JUDGE ME PEOPLE! Ganyan din kayo wag kayong ano! Aaminin nyo o aaminin nyo??

Caesarian din pala sya pinanganak narinig ko lang sa mga kaklase ko. Kasi nung AP time pinag-uusapan yung sa mga labor kuno ganern. Normal labor ako though... And si Elle kasi nagsisisigaw ng mas cool daw silang caesarian haha parang baliw nakikipag fistbump sa lahat ng caesarian hahahah.

"Renju pano ka ipinanganak?" -Phil

"Malamang inire ng nanay ko.... Dejk caesarian." -Renju

"Uy! Eh diba caesarian din si Elle? Bagay!! haha!" -Phil

Narinig ko pa kila Phil yun huhu kaiyak selos nanaman iz me ;;;; hanuba!! nagseselos kasi sa simpleng bagay parang ewan :(( jowa ka ba ha!? jowa ka!? ang feelingera mo Cheri! pwe!

-time skip

Habang naglalakad kami pauwi ni Annie -sya kasabay ko ngayon-, nagkukuwentuhan kami lalo na tungkol kay Renju tas natanong ko sakanya kung natanong nya ba sya kung anong strand kukunin nya... wag kayong ano, curious ako eh ;;;;

"Baka STEM daw kunin nya kasi magdodoctor daw ata sya" -Annie

"Ay weh? Kala ko ABM kasi sinulat nya dun sa dream job nya sa AP subject namin, businessman daw" -sabi ko.

Alam nyo bang umasa ako ha? ABM din kasi kukunin ko eh ;;;; tas sinulat ko din sa dream job ko businesswoman ;;;; coincidence lang?? haha!

"Hala baket haha! Sabi nya daw kasi head nurse daw yung mom nya sa korea." -Annie

"Ay yizz naman susunod sa yapak ng mom nya haha!" -Cheri

"Haha yan nga din sabi ko sakanya eh" -Annie

I have this feeling... or should I say minsan naiisip ko if marunong si Renju magbasa at magspeak ng korean because IT'S POSSIBLE!! HE'S A HALF KOREAN AND HIS MOTHER IS A KOREAN SO PWEDENG PWEDE I WANNA SCREAM!! Wala lang random thought lang haha.

TypicalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon