Hayss antok pako z__z 12 am na kasi ako nakatulog, alam nyo ba kung bakit?? natulog kasi ako ng mga 4 or 5 pm ata. sabi ko kay Casi na roommate ko, kilala nyo naman yun, na gisingin ako ng 6.
"Casi, pakigising naman ako ng 6 ha? Para maging productive ako. Antok lang kasi talaga ako eh" -Cheri
"Geh lang, geh lang" -sumagot sya sakin ng walang tinginan. nakatingin kasi sa phone nya. busy ata may kausap... sino kaya ouo
Alam nyo ba nung nagising ako asan sya?! Nandun sa kama nya natutulog!! Pagtingin ko sa orasan alas-gis na! Hanuba naman yan di ako makakatulog agad neto sabi ko. Ayun ang kwento. Basta nag-phone lang ako hanggang umabot ng 12 heh.
May exams kami ngayon >.< sana masagutan ko lahat.
-time skip
Tapos na yung 1st exam namin, 2 to go. Break namin ngayon eh so ayun, as usual magkakasama nanaman kami nila Les at Tiff. At dahil mababait kaming bata at ayaw naming walang masagot sa exam, nirereview namin yung isa't isa.
Hindi kami kumakain tuwing break kapag exam kasi sobrang bilis lng nung time sooooo. Andun lang kami sa classroom nakatambay. Kaso biglang pumasok si creepy stalker ni Tiff bwiset ka sabi naming lumayo ka eh. As time passes by he becomes creepier and creepier i wanna punch him in the face! Kaloka!!
-••-
Grabe seriously ang boring ng araw ko ngayon sa totoo lang. Walang interesting na nangyari sakin ngayon. Kahit interaction kay Renju wala.
-••-
"Cheri Xi" -sabi ni Ken
Ano ba naman tong si Ken panay sabi ng pangalan ko. Di nya naman ako tinatawag. Naririnig ko lang na binabanggit.Nakaupo kasi kami sa lapag, nasa loob ng classroom. May isusulat kami sa isang papel or something ewan di ko matandaan. Tungkol sa mga kaklase namin, isa-isa.
Andun si Renju katabi si Ken. Wth Ken? Anong Cheri bat ko naririnig pangalan ko aba!
Ayun pala, sinusulat na ni Renju yung tungkol sakin sa papel nya. Na-curious tuloy ako.
Lumapit si Ken, kasama si Renju. Tumabi sila sakin at umupo.
"Cheri gusto mo?" -inaalok ako ni Ken ng chocochip cookies na dala nya sa isang plastic.
Si Renju, as usual tahimik lang. Cute na kumakain ng cookies ni Ken sa tabi ko. Kahit saan umupo si Renju makakatabi ko parin sya dahil kaming tatlo lang nman ang nasa bilog. Ang cute nya kumain bwiset.
"Sige sige" -kumuha narin ako ng cookies, mukhang masarap eh ouo
Ayun nagkakwentuhan kami and stuffs then nung kinakausap ko si Renju... Parang di nako nahihiya nung nagka-eye contact kami omg?! Parang nakikipag-usap lang ako sa normal na tao.. What I mean is hindi ko crush and di ako naiilang sa eye contact because ganun ako kapag nakikipag-usap sa tao. And alam nyo yung nakakaligaya ng kalooban ko? Naging close kami agad ;uu; Ansaya sa pakiramdam huhu yes sa wakas.
Napunta kami sa bahay ko and kasama ko as usual si Ken and Renju. Pumunta kami sa kwarto ni kuya, malapit sa sala. Mas malapit kasi kwarto nya tsaka nasa baba lang eh kaya ayun.
Umupo kami sa lapag malapit sa pintuan ng kwarto nakaharap sa labas. Nagtatawanan kami at masaya. Kasi nakwento namin yung mga misheard lyrics ng mga kanta and sinabi ko yung tungkol sa na misheard ko na- "ulam, andyan na yung ulam" HAHAHA
Kumakain pa nga kami ng pizza eh tas tumulo yung cheese sakin!! Buti nalang si Ken, nasa toilet at meron akong towel sa lap ko. Kaso andun si Renju. Nakita ko nakatingin lang si Renju sakin para bang gusto nya punasan yung bibig ko kasi nga dahil sa cheese pero ewan ko ba.
-••-
"Hoy babaita diba nagpapagising ka ng 3pm? 4 na! Gising na!" -gising sakin ni Casi.Aba sabi ko 3 tas 4 ako ginising aba -.- at isa pa.... ANAK KA NAMAN NG TOKWA OH!! Akala ko totoo na yun ano ba guys!! Alam nyo yun?! Yung feeling na parang totoong totoo sya tas panaginip lang pala anak ka ng tokwa yan gusto kong umiyak... Yung feeling na ka-close ko na sya eh... yun na yun eh... bwiset naman toh ;--; kelan ko ba kasi magiging ka-close yung lalaking yun :"(( naiiyak ako ayoko na mag-review para sa exam bukas naiiyak talaga ako bye.

BINABASA MO ANG
Typical
Short Storyjust a typical story about a girl's school life and her interactions with her crush *a tagalog story* dedicated to a friend