Break namin ngayon, pumunta kami ng computer lab kasi kakatapos lang ng klase ni sir sa mga grade 9 and wala lang makikigulo lang kami haha! Mahilig kaming manggulo nila Tiff at Les eh xD
Ayun pumasok kami tas nakita namin na gumagawa si sir ng exam ng mga grade 7.
"Oy Tiff, wag kang tumingin" -sabi ko
"Hala bakit naman?" -Tiff
"Eh exam mo yan eh! Diba grade 7 ka ;))" -pang asar koAlam nyo namang inaasar namin si Tiff na grade 7 diba dahil maliit at isip bata xD
Nagstay pa kami ng onti sa com lab pero nag-ring na kasi yung bell kaya umalis na kami. Umalis na din si sir kasi sya yung sunod naming subject eh lol. Susunduin nya lang mga iba naming kaklase na nasa canteen pa.
~•~
Nasa classroom na lahat ng kaklase namin si sir lang wala pa. Nagkwentuhan muna kami nila Tiff at Les tungkol dun sa kaibigan naming lalaki na si Rj. Kasi nabasted nanaman.Yes, nanaman. Pangalawang beses na syang nabasted. Eh kasi naman, yung binili nyang teddy bear para sa crush nya, eh binalik. Sayang effort beh! Paasa din si ate gurl kasi sana kung ibabalik nya din naman pala edi sana di nya na tinanggap nung una pa lang. Yung ate gurl na yun pangalawang beses na rin ata yun nagpaasa.
Ang dahilan pala kaya ibinalik nya ay dahil natamaan sya dun sa sinabi ng kaibigan ni Rj. Iba naman kasi yung pinag-uusapan nila. Yun yung dati nyang crush pero natamaan sya HAHAHA ibig sabihin guilty lol!!
Eto naman kasing si Rj effort ng effort di din naman maaappreciate ng tao. Alamin mo muna kasi kung mutual kayo ng feelings para naman di masayang pagod mo noh! Sabi nya nakikinig sya sa advices pero nakikinig lang... Like seriously tho di sya masasaktan ng ganyan kung makikinig at susundin nya.
Pinag-uusapan namin na kailangan bantayan namin sya dahil kung ano nanamang kalokohan gawin nyan katulad nung nabasted sya sa first. Papunta kami ng bahay ko and tumawid sya, mabagal. Paparating yung kotse muntikan na masagasaan. Tumakbo kami papunta sakanya tas hinila na sya sa safe side. Mygosh! Kastress sa bangs.
Anyways habang nagkwe-kwentuhan nga kaming tatlo biglang naghiyawan yung mga kaklase namen. Nagkatinginan kaming tatlo sa isa't isa tas lumingon sa mga kaklase.
"Hala ano yun bat sila naghihiyawan?" -tanong ni Les
"Oo nga ano kaya yun" -dagdag ni TiffNakita ko na merong hawak na chocolate na heart na nakatusok sa stick (yung pang valentines baga) si Elle. Crush nya din si Renju. Hay nako napaka-heartthrob neto. Ayoko talaga sa mga heartthrob kahit kailan pero ewan ko ba bwiset sya.
Kaya pala naghiyawan eh dahil si Renju pala ang nagbigay nun kay Elle... di ko nakita kung pano nya binigay pero ayun na nga. Tapos nagpicture pa sila.
Alam kong dapat di ko toh ma-feel dahil... c-crush ko lang naman sya. Pero I know you feel me guys wag na kayong magkaila pa. Parang may kumikirot sa dibdib ko (hoy di yun langgam wag kayo) tsaka nalulungkot.. Iniisip ko na nga lang na binigyan nya nalang lahat ng babaeng kumakausap at nakaka-crush sakanya ng ganun eh para di masakit haha!
Isinantabi ko na yun dahil pumunta na kami ng com lab at magle-lesson ng interesting robots idk lol. Pero eto di parin mawala sa isip ko. Medyo masakit parin lol.
-time skip
YES! Last subject nalang! Nag-ayos nako ng gamit para lumipat ng kabilang room dahil TLE subject namin. Naglilipatan kasi kami ng room. Iba-iba kasi kinuha namin. Cookery ako tas Drafting kinuha ni Renju kaya di kami magka-klase.
Nung pagkalipat namin ng classroom ni Les umupo nako sa upuan ko (malamang). Di ko namalayan na andun pala si dating crush omygee! Sya si Ryx. Nakaharap kasi ako kay Les and biglang may tumawag sakin.
"Ah.. Cheri, paabot naman nung journal ko" -Ryx
Kinuha at inabot ko yung journal nya at ngumiti lang. Na-speechless ako mga bes eh! Bihira lang kami magkaron ng interaction like sobra. Shiet tas nakasalamin na sya! Mga bes alam nyo bang weakness ko yon ha?! Alam nya ba yon?! Lechugas naman toh oo ;--; Pinapaiyak nya bako ha?!
Inisip ko na baka naman pang-fashion lang yung glasses nya lol kasi alam mo naman~~ Kaso may nagtanong kung may grado tas hawak-hawak ni ate gurl yung salamin nya.
"Uy may grado ba, may grado ba?" -tanong nya habang tangkang isukat.
"Hala meron nga" -ate gurl
Hala sya oh sariling tanong sariling sagot? lol. Nalaman ko na nakasalamin na nga talaga sya for good so ayun alam nyo na ang reason pag namatay ako.
Balik tayo dun sa tinawag nya ako sa pangalan ko.... HALA PAANO NYA NALAMAN PANGALAN KO? Ang pagkakaalam ko nung mga second or third quarter ata di nya pako kilala kasi nagfriend request ako sakanya nun and di nya ina-accept. Yun pala di nya ina-accept yung di nya kakilala. And now, tinawag nya pangalan ko?? Like whutttt how did you know? May balak ka din naman pala malaman pangalan ko lol! I'm speechless and also curious af.
Landi muna ako sa first quarter crush ko since lumalandi din nman si Renju sa iba haha! (ano yun pinapaselos lang?! para namang magseselos yun Cheri wake up!!)
-time skip
Andito nako sa bahay and nagscroll-scroll sa news feed, timeline. Andami ewan lol basta puro unproductive things.
Nagpost ako dun sa "day" ko sa messenger and online siya.. si Renju. Madalas, nakikita kong pinapanood nya yung pinopost ko dun. But now, di ko man lang nakita sya dun sa nagseen. Hays mas lalo tuloy akong nalungkot. kaya ngayon, itutulog ko nalang toh.

BINABASA MO ANG
Typical
Короткий рассказjust a typical story about a girl's school life and her interactions with her crush *a tagalog story* dedicated to a friend