Pasasalamatan ko na sana si Tadhana

120 1 0
                                    


Pasasalamatan ko na sana si tadhana
Sa pagtatagpo ng ating mga pala
Sa panibagong saya t'wing ika'y nakikita
Sa musikang tayo mismo ang gumagawa
Pasasalamatan ko na sana si tadhana
Sa pagtalon ng aking puso sa t'wing tatawagin mong, Mahal
Sa pagbitaw ng tatlong salitang hanggang ngayo'y dinig ko pa, mahal kita
Pasasalamatan ko na sana si tadhana
Ngunit hindi kasali roon ang iyong pag-alis
Ang pagkuha sa 'yo ng tadhana habang ako'y nananaginip
O ang pagkatusok ng puso sa isang daang karayom
Nagdurugo sa bawat pagbabalik
Sa kung paanong pinagtagpo at pinaglayo ng tadhana
Pasasalamatan na sana kita
Sa pagpapaniwalang walang hanggan tayong magkahawak
Sa mga tinging sumisigaw na 'Ikaw lang'- Oo ako lang
Ako na lang marahil ang pumipilit na baka...
Baka sakaling maaari pa
Baka sakaling mahal mo pa
Katulad ng pagbabakasakali ng tadhana
Ako. Ako mahal pa kita
Ako kumakapit pa
Hindi na ba maaari?
Siguro'y katangahan itong matatawag
Hindi na masama, pagkat sabi nila'y sundin ko ang aking puso
Ngunit paano ko susundan kung unti-unting naglalaho ang daan?
Tila isang ligaw na tao na di alam kung may patutunguhan
Kung magka-ganoo'y hahayaan kong maligaw
Hanggat tadhana na mismo ang magbalik sa akin, sa tayo.

Spoken Words [Compilation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon