Pagtigil

91 0 0
                                    

Huminto ang kanta, tumigil ang pag sayaw
Kumaway ka, nagpaalam at sumigaw
Iyon ang araw bago ito tumigil sa pagtibok
Tila ba tinamaan ng bomba na parang may malaking butas sa pagitan ng mga gilid
O may magnet na pilit ipinagdidigkit ang ating puso kahit hindi na maaari.
At isang sirang makinaryang ibinabalik ang mga lumang ala-ala.
Marahil ako iyon, ako mismo ang bombang sumabog, ang magnet na pinipilit ang hindi na maaari at ang sirang makinang ibinabalik ang bawat lubid ng iniwan mong ala-ala.
Sariwa pa, kay sariwa ng mga karne'ng bagong katay sa palengke at ng bulaklak na bagong pitas galing Baguio. Napakasariwa.
Nang mga ala-alang hanggang ngayo'y naghahatid ng bangungot sa bawat gabi ng pagnanais.
Pagnanais na ika'y muling makita upang kahit papaano'y maibsan ang pangungulila.
Ngunit dito ko muna ito tataposin, pagkat ika'y muling kumakatok sa pintuan ng aking panaginip.
Na kahit bangungot ang iyong dala'y paulit-ulit kong papasukin.

Spoken Words [Compilation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon