Nandito na naman Tayo sa Dulo

35 0 0
                                    

Nandito na naman, ito na naman ako. Umaasa na maiintindihan mo.

Tayo'y, dalawang mundong pinag isa. Umaasa sa mga sana, na walang kasiguraduhan.

Naglalakad tayo, magkahawak kamay sa bawat hakbang. Walang konretong direksyon, kung kakanan ba o kakaliwa. Walang ni sino ang gustong umabot sa dulo. Gayunpaman, ang dalawang daan ay patungo sa rito.

Kaya nandito na naman, nandito na naman ako, sa gitna ng daan. May kasamang minamahal, nawawala sa mundong bilog lang. Nandito na naman. At tanaw ko na naman ang dulo, nang dalawang daang isa lang ang kahahantungan.

Nandito na naman ako. Nandito ako, ngunit ngayo'y kasama kita. Harapin natin ang dulo ng magkasama. Gumawa tayo ng bagong daan.

Ngunit sa ngayon, harapin muna natin ang dulo. Dahil, nandito na naman tayo sa dulo.

Spoken Words [Compilation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon