Ulan

195 2 0
                                    

Buwan ng Enero
Tumambad sa akin ang isang makulimlim na langit
Habang may kung anong krystal ang pumapatak mula rito
Ulan-Kasabay na dumaloy ang awit ng mga salita
Mga salitang nais kong ipaabot sayo
Tumingala ako't hinayaang balotin ng tubig
Hinayaang ginawin, umaasang dumating ka't yakapin ako upang maalis ang lamig
O payongan ako't hawiin ang buhok na tumatabon sa aking mukha
Mahal! Umaasang marinig mo ang bawat hikbi at pagtawag ko
Ang pangungulila sayo
Nais kitang yakapin
Sumayaw sa ilalim ng buwan o kaya'y sa hardin ng walang hanggang pagmamahal habang nakikinig sa awit na binubuo ng ating puso
Hindi ba't napakasakit isipin na ang dating kasabay mong gumawa ng ala-ala ay isang ala-ala na lang?
Na ang dating laman ng panaginip mo ay naging bangungot na?
At ang dating nagpapatahan sayo ang siyang dahilan ng iyong pagluha?
Sa pagdating ng bagong taon kasabay din pa lang nagbago ang damdamin mo habang ako..
Umaasa na sa pagpatak ng ulan sa aking balat ay siya rin namang pagdating ng iyong mga bisig
Hahalikan ang aking buhok at ibubulong kung gaano ako kamahal
Ngunit kailangan ko nang mag-umpisang maghukay upang ibaon ang mga ala-alang sabay nating binou
Pagkat di mo man sabihin, alam kong nagtapos na.
Kaya mahal pakiusap magpaalam ka na dahil kaya tila pinipilipit ang puso ko pagkat hindi mo na mahal, ayaw mo pa ring pakawalan.
Tumila ang ulan
Ngunit nagpatuloy sa pagdaloy ang mga luha sa aking mata na kahit papaano'y pinanggalingan ng init sa aking katawan.

Spoken Words [Compilation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon