Natagpuan na

32 1 0
                                    

Sa kadiliman ng gabi, sa kung san sabi nila'y nagtatago ang aswang at engkanto, nahanap mo 'ko. Habang palakas ng palakas ang pagbuhos ng ulan at ako'y basang basa walang payong at umiiyak, dumating ka. Nahanap mo ako. Nahanap mo na naman ako. Kapag ka ang daan ay mahirap ng tanawin, namali ng liko at di alam ang gagawin, nariyan ka. Darating ka at hahanapin mo uli ako- OO nahanap mo na naman ako.  Nahanap mo uli ako. Akala ko ito na. Sa wakas ay maririnig na. Sa wakas ay may ilaw na sa bawat dilim, payong sa bawat ulan at direksyon sa bawat maling pagliko. Akala ko natagpuan na.
Akala ko ito na, ngunit mahal, ano nga bang alam ko? Kung sa bawat akala ko sasabihin mo ay hindi. Kung sa bawat sana ko wag na ang masasabi mo. Mahal, natagpuan nga ba ako? O di mo lang alam na may salamin pang nakaharang sa pagitan mo at ako? Dahil tulad ng sabi ko, akala ko natagpuan na. Akala mo, natagpuan na. Ngunit mahal, hindi pa pala.

Spoken Words [Compilation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon