Tula 5 | Agos

614 20 1
                                    

Umalon—sa lawa ng aking kaisipan;

Naglunoy sa mga letrang, ilang beses ko nang pinakawalan,

At ang daloy ng mga gunita sa aking munting daigdig...

Bukambibig ang pangarap, sa paningin ng malaya'y marikit.

Mga alaalang pangkaraniwan sa mga mata ng madla,

Mga matang saksi—luha'y dumalisdis!

Bibig na pangahas—mga tinig na suwail!

Kaluluwang naaanod, sa portal ng mga titik.

Umikot sa kumunoy ng mga pangungusap at salita,

Mga bantas na tumutuligsa, ang haliparot na diwang sinisikil!

Mga ideyang tumatarak sa aking kaibuturan,

Ay dagling sumugat... dugo'y naglawa, at umagos.

Garapal na unos, delubyong umaagos?

Manunulat na hinulma ng dakilang panahon,

Lumalaban sa lakas ng kritisismong habagat!

Natikman ang alat ng banal na dagat, isa na ba akong Alamat?

Sabay sa agos ng taon,

Gunitang nakapinta sa talulot ng puting rosas.

Sa pagluha ng langit, ilog ng aking katauhan ay bubukas,

Panibagong daigdig ang simula, at sa agos—magwawakas.

KamalayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon