Chapter 6 : The Bar

25 4 0
                                    

Chapter 6 : The Bar.

At nag-tungo na nga sila sa isang videoke bar, ang pangalan ng bar ay "Relax Videoke Bar".

James: Ito ang sinasabi ko sa inyo, maganda dito.

Pag-pasok nila sa loob, syempre madilim at ang nag-papaliwanag lang ay ang mga ilaw sa ding-ding at meron itong isang Videoke, noong mga panahon na iyon ay konti lang ang customer ng bar.

James: Oh! Manong kumusta na?.

Tanong ni James sa Bar tender.

Bar tender: Ito pogi parin kagaya mo.

Kyle: Pati ba naman Bar tender nahawa na sa loko loko na'to.

Bulong ni Kyle, natawa naman si Kate ng marinig ang wika na iyon ni Kyle.

James: Anong sa'tin Kyle? Hard?.

Kyle : Oo, yung iniinom na lang natin, kahit isang bote lang.

James: Oh! Manong alam mo na iyon ah!.

Bar tender: Yes! Boss!.

Chris: Tara na umupo na tayo.

At sila ay pumuwesto malapit sa Videoke.

James: Oh! Ito na ang Kala, sino ang tanggero?.

Kyle: Nag-tanong kapa, ikaw na.

James: Okay boss, teka lagyan natin ng yelo, para mas masarap, oh! Sino una?.

Chris: Edi ikaw nadin.

James: Yuts anong akala niyo sa'kin manginginom, pero sige pag-bibigyan ko kayo.

At uminom na nga si James.

Kyle: Gusto mong kumanta?.

Tanong niya kay Kate, pero kita sa reaksyon ni Kate na nahihiya siya.

James: Oo nga, parinigin mo naman kami ng soothing voice mo.

Kate: Nahihiya ako.

Kyle: Huwag kang mahiya, oh! Eto inom ka muna, para lumakas ang loob mo.

Napatingin si Kate sa alak at kay Kyle.

Kyle: Oh! Sige kapag hindi mo naubos ako ang iinom.

Wika ni Kyle habang nakatitig sa mga mata ni Kate, sabay ngiti.

Si Kate naman ay parabang bumibigay sa mga titig sa kanya ni Kyle.

Kate: Sige isa lang ah!.

Kyle: Huwag mong aamuyin, inumin mo lang.

Tumango si Kate, at uminom.

Kate: Yak! Grabe ang pait.

I'll Change My Life For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon