Chapter 9 : War

18 2 0
                                    

Chapter 9 : War.

Kate: Kyle Umuwi na tayo, tara na.

At nag-patuloy na silang lima sa pag-lalakad.

Jerry: Tarantado ka Kyle!, kapag kinakausap kita, huwag mokong tatalikuran, bakit umiiwas ka takot kaba?.

Nainis si Kate at hinarap si Jerry.

Kate: Pwede ba tigilan mo si Kyle, kung ayaw ka niya labanan hindi ibig sabihin non na takot siya sayo, kaya lang naman hindi ka niya nilalabanan dahil ayaw niyang pumatol sa baliw na katulad mo.

Jerry: Hoy!, para sabihin ko sayo pumapatol ako sa babae, gusto mo yatang masaktan?.

Tropa ni Jerry: Huwag mong saktan Jer, ang sarap kaya niyan, tignan mo yung katawan, hahaha.

Nag-lakad si Kyle palapit kay Kate para hatakin na ito pauwi, pero pag-kahawak ni Kyle sa kamay ni Kate ay hinawakan din ni Jerry ang isa pang kamay ni Kate.

Jerry: Oh! Teka.

"Boooooog!!!".

Isang malakas na suntok ni Kyle sa mukha na nag-pataob at nag-patulog kay Jerry.

Tumulong naman ang apat pa na tropa ni Jerry, at kaagad na sinuntok ni Kyle sa sikmura ang isang sumusugod na tropa ni Jerry, mabilis namang tumakbo sila James at Chris para tumulong.

Kate: Kyle tama na yan, umuwi na tayo.

Nadine: Guys, tama na yan.

Gusto na sanang itigil ni Kyle pero sinuntok siya sa mukha ng malaking tropa ni Jerry at wala siyang nagawa kundi ang gumanti.

Kate: Kyle, ano ba? Tama na nakikinig kaba?.

Pakiramdam ni Kate ay hindi siya pinapansin ni Kyle kaya nag-desisyon siyang umalis.

Kate: Tara na Bes, umuwi na tayo.

At sila ay umalis, pag-lingon ni Kyle ay wala na sila Kate at Nadine.

Kyle: Kate?.

Wika ni Kyle habang lingon ng lingon sa paligid.

Kyle: Hayop naman oh!.

Hinawakan ni Kyle ang malaking tropa ni Jerry sa damit at tinulak hanggang sa dumikit ito sa plywood na dingding.

Kyle: Mga hayop kayo!, Gusto ko nang mag-bago, pero paano ko gagawin yun habang nandidito ang mga kagaya niyong puro pasikat lang ang hanap.

Wika ni Kyle habang nakasakal sa leeg ng tropa ni Jerry.

Tropa ni Jerry: aaaah!!! Ayoko na Boss!!! Hindi na'ko maka hinga.

Kyle: Alam mo ba na sa sobrang gigil ko sa inyo, gusto kong wasakin ang lahat ng mukha niyo, gusto mong unahin kita?, Haaaa!!!.

Sigaw ni Kyle na nag-panginig sa tropa ni Jerry, isinara ni Kyle ng mahigpit ang kanyang kamay at sumuntok sa gilid ng ulo ng tropa ni Jerry, na bumutas sa plywood na dingding, nanlaki naman ang mga mata ng tropa ni Jerry, habang si Jerry naman ay wala paring malay, at ang isa pa nilang tropa ay namimilipit parin sa pag-sikmura sa kanya ni Kyle, ang dalawang iba pa ay gulpi sarado na kela Chris at James.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll Change My Life For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon